I left him inside the room, my chest threatening to break free from its cage. The weight in my lungs squeezed tighter as if it was punishing me for the words I had just hurled. Dapat naman niya 'yon marinig dahil mahirap na.
Bumalik ako sa station ko at simpleng umiling upang alisin ang nangyari sa amin sa loob.
Sa dahilang malapit lang ang pintuan ng office sa station ko ay nakita ko ang mabagal niyang paglakad palabas. Ang matitikas niya kaagad na braso ang nakita ko samantalang ang magkabilang kamay ay nasa sarili nilang bulsa.
The next day, he showed up at the restaurant, like the obedient follower I never asked for. To my surprise, he listened. He stayed out of my way, playing the role of the restaurant owner he was supposed to be.
We exchange some some opinions at akala ko ay hindi magiging madali iyon sa akin, pero laking tuwa ko ay kahit papaano ay maayos ko siyang nakakausap.
"Sasabihin ko na siya dapat kay Tita-Nang na i-renovate na kasi matagal na rin nakatambak 'yung mga ibang gamit natin. End of the month na rin, so decluttering ang ganap natin ngayon."
Conrad nodded as he looked at the surrounding of our equipment room. Katabi ito ng storage room at locker room. Nandito nakalagay lahat mga malalaking ginagamit sa loob ng kusina. For examples, any kind of machineries.
"Kailangan ba si Mom kapag aayusin dito?"
Agad akong umiling at napatingin sa mga dishwasher namin na inaayos ang mga gamit na pwede alisin. "Hindi na siguro. Ikaw..." I glanced at him, "Ikaw na lang mag-check, since matagal ka na rin naman ng pumapasok dito."
Tahimik siyang tumango at hindi na rin ako nagsalita. Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam ako sa kanya na babalik lang ako sa loob ng storage room para kunin ang mga gagamitin sa paglilinis.
Nabigla naman ako nang pagkabukas ko ng pinto dahil nasa loob pala si Chef Theo na kinukuha ang isang set ng kitchen towel sa kabilang wooden cabinet. He give me a little smile and I also did the same para hindi niya maramdaman na hindi ko gusto sa kanya.
"I'm glad that both of you are already okay. Akala ko hindi na kayo magkakaayos kailan man," pagbabasag niya ng katahimikan naming dalawa.
Lumingon ako sa pwesto niya at simpleng bumuntong-hininga.
"Hindi kasi lahat ng nakikita mo totoo," mabilis kong sagot.
"So hindi pa?"
"Hindi na," madiin kong ulit.
Mabilis itong nagpakawala ng tawa at umiling ang ulo na parang hindi makapaniwala sa sagot ko.
"Actually, napapaisip ako minsan ng malalim tungkol sa kaso niyong dalawa. I'm not a lawyer, pero is it too unfair that you caused the flame, but he's the one who's suffering now?"
His words hit me like a slap. My jaw tightened, and I forced myself to inhale deeply, na kahit papaano ay merong lumitaw na ngiti sa labi ko. Upang maipakita rin sa kanya na hindi ako apektado sa pinagsasabi niya.
"I suffered too, and you saw it right?" I said, my voice trembling despite my efforts.
He snorted. "Yes, pero ito naman ang gusto mo nung una, 'di ba? Ang mapatawad ka niya. Pero ngayon, nandito na siya, hinihingi naman ang tawad mo, at gusto niyang maging maayos kayo."
"What do you want to say?" I asked directly to his face.
"Give him a chance."
His words lodged themselves in my throat like it was suffocating me. Tumaas ang kilay ko at binuga ang hangin galing sa lalamunan ko.
"Hi-hindi gano'n kadali 'yon, Theo. D-don't be ridiculous." I stuttered. "Dahil lang ako ang unang sumira sa pagkakaibigan namin, ako ang dapat magdusa? Bakit, wala ba siyang kasalanan? Wala ba siyang naiwang sugat sa akin na hanggang ngayon ay dala-dala ko?"
"Anong gusto mong sabihin? Na siya naman ang magdudusa ngayon?" he asked me with his calm voice. "Na ikaw naman ang gumaganti dahil sa mga pinagdaanan mo noon?"
"Who are you to say that to me?" halos pasigaw kong tanong sa kanya. "Anong alam mo sa kung anong pinagdaanan ko? Wala kang alam, Theo!"
"Wala akong alam, Nate," sagot niya at napansin kong handa niya nang pihitin ang door knob sa harap.
His voice was full of conviction and I could feel it inside this room.
"But this is for your own good also. Gusto ko lang na bigyan mo ng chance ang pamangkin ko because he deserves it. Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan sa sitwasyon niyo—pati siya."
Halos masamid ako sa sagot niya, sa kasimplehan nito na parang gusto niyang gawing wala lang ang lahat ng sakit na binura ko sa buhay ko. I let out a bitter laugh for him to know that his opinion is not a part on any of my decisions.
"Sino bang may sabi sa kanya na maging restaurant owner siya nitong Cucina?" agad na tanong ko.
Pilit ko rin na pinapatahimik ang sakit na lumuluwa na mula sa dibdib ko.
He did't answer my question and I saw his face startled a little because of what I asked. Ramdam ko rin ang bigat ng hangin sa pagitan namin at halos hindi ko na rin ito kayang lunukin.
Pinanood ko siyang binuksan ang pintuan at sunod-sunod kong nailabas ang mainit na hangin ng dahil sa mga narinig sa kanya. He didn't even know what I feel. Ano bang alam niya? Kasi sigurado akong iniisip niya lang ang kapakanan ng pamangkin niya.
Nakita niya akong nagmakaawa sa lalaking 'yon but it wasn't enough for him to say that things to me. Na parang sa isang pitik ko lang ay pwede ko na idikit ulit ang malaking bitak sa amin ni Conrad.
Wala siyang karapatan para sabihin sa akin na patawarin ko na lang ang pamangkin niya dahil pareho lang kami nasasaktan ngayon. Edi, kung pinatawad at pinakinggan niya ako noon, aabot ba kami sa ganito?
Naisip niya ba 'yon?!
Wala na si Conrad nang makabalik ako ng sa kabilang kwarto kung saan magkasama sana namin aayusin ang loob, pero ng dahil sa eksenadora niyang Tiyuhin. Nawalan na ako ng gana samahan pa siya. Malapit na rin pumatak ang out ko kaya naghanda na rin ako para sa pag-alis.
Conrad asked me if we could continue the job tomorrow at sumangayon lang ako dahil gusto ko na lisanan ang kwartong iyon. Lalo na't nakikita ko rin si Theo na tumatawa kasama ang ibang kusinero.
Theo did a really great job of pissing me off. Kaya hindi na ako naniniwala sa kanya kapag nasa loob kami ng kusina na akala mo kung sinong mabait. I know that he can dragged anyone from the kitchen except from Conrad and Chef Oli.
Siguro kung may sira lang ulo ko ay sinusumbong ko na 'yan kay Tita-Nang para ma-terminate na, pero mas mabuting umiiwas sa gulo dahil kapatid niya rin si Tito Luke. At posibleng ako agad ang sisisihin niya kung magkakaroon na problema.
I was eating my dinner with my cats when our argument appeared in my mind again. I felt that he was serious about our case at alam kong may gusto siya mangyari. At iyon ay maging maayos kami ni Conrad.
Iniisip ko pa lang siya ngayon ay parang mahirap na. Ito ngang nakikita ko ulit siya ngayon sa loob ng restaurant niya ay para na akong tinutusok sa likod upang magising. Na sobrang dami ng taon ko pinag-aralan na kalimutan siya, ay susuko lang ako?
Ang hina ko gano'n.
Pero kung iisipin ay nagkaroon na rin ako ng minamahal noon and it was one of the reason that I already move-on.
So should I at least... give him a chance?
☕
YOU ARE READING
Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)
Teen Fictionthis is a bl story :3 ☕ Some strings in the morning are meant to be cut. A childhood friend is a friend that you will treasure forever because aside from both of you know each other deeply ay naging kasangga niyo na rin ang isa't isa. But after shar...
EPISODE 10
Start from the beginning
