"Bakit, Nate?" tanong ni Conrad gamit ang malalim na boses.
Gulat akong umiling at tumingin sa kanya. "Uh, nothing. I should go," sagot ko at bahagyang ngumiti. "Salamat ulit."
As I turned away, I had a feeling that his eyes were on my back. Every step I took away from him felt like dragging a weight I didn't realize I was still carrying. The memories I thought I'd buried and questions I never dared to answer.
I am now quietly walking on the sidewalk at natanaw ko rin agad ang ilaw mula sa veranda namin sa baba.
I thought it wouldn't hurt me anymore. Kasi natanggap ko na at ilang taon na rin naman ang lumipas para alalahanin pa lahat ng nangyari sa akin sa loob ng bahay nila. Akala ko talaga hindi na ako maaapektuhan pa, kasi tapos na, eh.
Unti-unti ko nang nabubura pero ng dahil lang sa nakita ko ulit siya at ang hagdan na 'yon ay parang lahat ng nangyari doon, ay kahapon ko lang naranasan.
Wala akong naabutan na tao sa sala at sigurado akong nasa loob na rin nila ng kwarto si Papa. Malinis na rin ang kwarto ko nang pasukin ko ito at nakahanda na ang kama upang higaan ko.
When I am looking at my bed, the only thing that comes to my mind is I want to feel safe here. To feel like this house was enough to shield me from the storm raging inside my chest.
But tonight, the quiet felt heavy, and the memories, those damn memories, refused to leave me alone.
I closed my eyes, forcing my breathing to slow.
Kinabukasan ng makabalik na ako ng apartment ko ay dala ang kagabing lungkot na kumublit sa isipan ko. When I looked my self at the mirror, nagmumukha akong tumungga ng isang boteng alak kagabi ng dahil sa mukha kong daig pa ang puyat na tao.
Pagkatap[os kong pakainin ang dalawa kagabi ay nahirapan na akong matulog, naisip ko lang na baka umaasa siyang nasa maayos na lagay na kami. Because we became casual when we're on our way home. Tumawa rin ako sa mga biro niya na parang katulad lang dati noong bata pa kami.
Hindi ko kayang makita na siyang para bang hindi niya ako nasaktan, samantalang ako, hinihila pa rin ng nakaraan. Parang ang saya niya, habang ako, kinakaladkad ng mga alaala na hindi ko pa rin mabitawan.
Sinabi sa akin ni Mama kaninang umaga pagkagising ko na ihahatid raw pala ako ni Conrad sa rito, and that's the reason why I rushly travel to get here immediately. Kung pang-iiwas ang tawag sa ginawa ko, edi, umiiwas na ako.
Basta ayaw ko lang ulit na mapalapit pa sa kanya.
The next morning came, and it felt like a good beginning for me. Nakarating ako sa restaurant nang hindi gamit ang motor ko dahil naiwan ko ito noong Sabado. But as I walked through the entrance, the fresh air carried a strange lightness.
Para bang kapag malinis ang hangin, ay mas maliwanag ang umaga, at kahit papaano, mas magaan ang pakiramdam ko dahil wala akong nakitang pamilyar na sasakyan sa parking lot.
I exhaled a silent sigh of relief.
"Miss ka na namin, Chef Nate! Parang ang tagal mong nawala sa amin!" pasigaw na bati ni Riley habang inaayos ko ang mga gamit sa kitchen table ko.
I couldn't help but laugh. "Hindi nga nag-isang linggo 'yung pagkawala namin. Minsan OA ka rin talaga," singhal ko sa kanya. As expected, Riley grinned back.
Sa harapan namin, tumatawa na rin sina Chef Eileen at Chef Grace, dala na rin ng ingay ni Riley. Chef Iris was already here nung sinimulan kong mag-ayos.
"Naninibago ako kapag hindi bumibisita rito si Sir Conrad. Kayo rin ba?" tanong ni Eileen.
That one question sent an uncomfortable pang through my chest. Napahinto ako sandali pero nagpanggap akong abala pa rin sa ginagawa. Inulit kong pinunasan ang mga gamit na palagi kong ginagamit kapag mag-se-serve.
YOU ARE READING
Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)
Teen Fictionthis is a bl story :3 ☕ Some strings in the morning are meant to be cut. A childhood friend is a friend that you will treasure forever because aside from both of you know each other deeply ay naging kasangga niyo na rin ang isa't isa. But after shar...
EPISODE 10
Start from the beginning
