Ayos na 'yon.

Dumiretso ako sa living room nang tuluyan na kaming makapasok. Napansin ko rin agad ang puting sofa na may itim na disenyo, at perpektong nakalugar sa gitna. The minimalist decor surrounding it enhanced the beauty of the entire space.

My mother and Tita-Nang were there, chatting and laughing. On the center table in front of them were an open bottle of wine and two used glasses.

"Oh, nandito na pala ang dalawa. Hindi naman traffic?" tanong ni Mama kay Conrad.

I stayed a few steps behind him, pilit na iniiwasang tumingin sa likod niya. Hindi ko alam kung bakit parang mabigat pa rin ang bawat kilos ko kapag andyan siya. Conrad answered her casually habang ako naman, nakita sina Lily at Lime na nasa loob na ng cage bag.

"Hello, my babies!" I greeted happily.

I sit on the carpet to get closer to them.

"Nakakatuwang makita ulit kayong magkasama," ani Tita-Nang, na nagpalingon sa akin.

Napansin ko rin agad ang mga ngiti nila ni Mama, 'yung ngiting parang alam nila ang hindi ko kayang aminin. Napailing ako at pilit na tumawa ng maliit.

"Tulog na bva si Ate na nagbantay po sa kanila? Gusto ko sanang magpasalamat," tanong ko para maiba ang usapan.

"Nauna na siya umuwi, anak. Day-off niya rin kasi bukas," sagot ni Tita-Nang. "Are you hungry? Conrad, prepare some food for Nathaniel. Kumain muna kayong dalawa bago matulog."

"Kagagaling lang po namin sa kainan, Tita-Nang. Binubusog niyo naman po ako!" biro ko, dahilan para tumawa siya.

After that, Conrad said something to her, pero hindi ko na inintindi. Tumingin naman ako kay Mama habang nag-uusap muna ang dalawa.

"Ikaw ba, Mama? Hihintayin pa po ba kita o mauuna na ako umuwi? Pakakainin ko pa kasi tong dalawa," sabi ko habang tinuturo sina Lily at Lime.

She smiled gently. "Sige, anak. Nando'n na rin naman ang Papa mo. May pinag-uusapan pa kasi kami ng Tita-Nang mo. Mamaya siguro, uuwi na rin ako."

Tumango ako at kinuha ang cage nila Lily at Lime. Nang makita ako ni Tita-Nang, sinenyasan niya si Conrad para tulungan ako.

"Ah, hindi na po, Tita. May cat allergies po si Conrad. Baka sipunin siya dahil mahahaba pa naman ang balahibo ni Lily," sabi ko, pero nang makita kong lumapit siya, napilitan akong ngumiti ng pilit.

"You should sleep. Thanks for the ride," mahinang sabi ko sa kanya.

"Are you sure?" tanong niya, parang nag-aalangan.

I nodded firmly. "Yes."

Tahimik akong tumayo ako ng tuwid para ipakitang kaya kong bitbitin ang dalawang na nasa loob ng cage nila. Nagpaalam na rin ako sa dalawang babae, at nanatili pa rin akong iniiwasan ang tingin ni Conrad na nararamdaman kong nasa akin.

"Salamat," mahina kong sambit habang nilalampasan siya.

He opened the door for me at ramdam ko sa mga mata niyang hindi lang pagbukas ng pinto ang gusto niyang gawin.

"Good night, Nate," he replied.

From the outside, I stole a quick glance at him. Ang liwanag mula sa loob ng bahay nila ay marahang tumama sa gilid ng mukha niya, pero naagaw ng makintab na hagdan sa likod niya ang mga mata ko.

Suddenly, I remembered that night—sitting at the bottom of those stairs, crying alone.

I am wearing an oversized light blue shirt and above-the-knee shorts, wiping away tears caused by the pain he inflicted. For the first time, I saw myself again, fragile and broken.

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Where stories live. Discover now