Conrad stepped forward, his voice steady and warm, cutting through the tension like a knife through ripe fruit. Tila nagulat siya sa bigla kong tanong, pero agad naman itong bumawi, ang ngiti niya ay may halong pagkasabik.

"I want to thank all of you... not just for what you've done so far, but for what I know you're capable of doing moving forward," he began, his gaze sweeping across all of them. "This expose not just means to my family but to all of us. Walang Cucina rito kung hindi dahil sa inyo kaya sobrang thank you, especially to our sous chef..."

He looked right beside me and my brows raised in shock.

"Nate... thank you for making this happen."

It was like a balm, soothing my frazzled nerves. I even forget to breathe after that.

Someone from the back chimed in, "Grabe si Sir Conrad!"

The group erupted into light laughter, breaking the tension. And just like that, we were ready.

Sinimulan na namin buksan ang dalawang malaking durabox upang kuunin ang mga gamit at pinuwesto ito sa mga kanya-kanyang toka ng bawat isa. I am making the Tagliatelle al Ragù while Chef Iris was the Spinach and Ricotta Ravioli with Sage Butter Sauce.

Meron na kaming ready-to-boil na pasta dish but we are still doing the same from scratch for the demo. The three other chefs, Easton, Aiden and Skye are doing the two kinds of pizza. Katulad naman namin ay meron na silang handa ng i-oven since kailangan namin sila ipa-free taste sa mga mga bisita.

Napatingin ako sa kaliwang side ng booth and I saw Conrad reviewing all the dishes' ingredients with the white folder. Sa pagkakaalala ko ay magaling siya sa magme-morize at mag-intindi ng mga bagay na kailangan.

Posible rin kasi siyang tanungin ng mga food critics or visitors since siya ang owner ng Cucina. He's not the representative, kundi siya ang owner.

Our to-do list was already set in our mind. Walang cooking show na gaganapin and we just need to face the people who would be interested in tasting what we have on our restaurant. At ito ang mga dishes na gagawin namin sa harapan nila.

The food expo starts at 10 a.m. Nakalagay na sa mahabang table namin ang ready-to-eat na bite-sized Margherita at Truffle Mushroom Pizza. And because they came straight from the oven, may usok na nagmumula rito, kasabay ng amoy na hindi mo maiiwasang tikman.

Kinuha ko ang flour sa cabinet sa ilalim at sinimulan ko na rin kunin ang iba pang dry ingredients para ihanda mamaya sa demonstartion.

"From Cebu rin 'tong nasa harapan natin. But more on kakanin sila," ani ni Chef Iris, dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Chef, I'm sorry, masyado akong busy rito sa tabi mo... what are you saying again?" natatawang tanong ko, medyo napapahiya, at pansamantalang tinigil ang ginagawa.

"Pansin nga po namin, Chef. Kaya si Easton, kinakabahan po kanina kung tatanungin ka ba o hindi kasi baka raw hindi mo sila sagutin."

I laughed a little, pero sa halip na siya ang mahiya, ako ang binalot ng kahihiyan. Chef Iris is a sweet woman, para ko na siyang Ate sa loob ng kusina. Mas lalo akong nahiya nang hagipin ni Conrad ang tingin sa akin habang may kausap siyang hindi ko kilala.

I instantly looked away, feeling like I interrupted him.

Tinaas ko ang kaliwang kamay ko hanggang bewang at kumaway ito sa babae.

"Chef, okay lang po tanungin ako. Kapag focus kasi ako sa isang bagay, parang ang nasa isip ko ay mag-isa lang ako sa isang lugar. Nasanay na lang po siguro," rason ko, sabay nagtawanan kami.

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Where stories live. Discover now