At pareho silang gusto ni Tita-Nang pagdating sa akin at kay Conrad, as if my life was a puzzle they could rearrange however they pleased. But it was suffocating... crushing me from the inside out.
I couldn't just brush it off, magpanggap na parang wala lang, pretending it didn't leave me shattered in ways they'd never care to notice. Na parang hindi ako naubos, na parang hindi ako ang naging talunan sa harap nila dahil sa lalaking 'yon.
Kinabukasan ay pakiramdam ko'y kaya na sumabak ulit ng katawan ko sa loob ng kusina. Naisip ko rin na kung dadagdagan ko pa ang hindi pumasok ay baka hindi na ako ang Sous Chef pagbalik ko. Kaya mas mabuting sigurado.
They are all glad that I am back. Ang iba ay kinukumusta ang lagay ko at iisa lang naman din ang sagot ko. Wala silang alam na dumaan si Papa kahapon, bukod kay Kuya Gil, Chef Oli at Conrad na sumunod pa sa kanya.
"Kailan niyo po balak, Chef Nate, na mag-try ng dish para sa expose? Malapit na po pala siya," mahinang boses na usal ni Chef Iris.
Dumaan siya sa kitchen table ko kung saan tinutulungan ko mag-plating ang mga station chef namin. Ito na ang last order ngayong lunch time kaya pwede na kaming lahat makahinga sa dami ng ginawa ngayong opening.
We had a birthday party celebration na ginanap sa taas at ito ang muntik ko ng makalimutan dahil sa daming iniisip recently. Pero napaghandaan naman nila kagabi with the help of our head chef, kaya hindi na nila ako pinag-alala pa.
"Bukas sana plano ko." I glanced at her while wiping both of my hands in a kitchen towel. "And each day, ay isang dish ang gagawin natin para hindi tayo magkaroon ng maraming iisipin. Mag-cram ba."
Mabilis siyang tumango at ngumiti. "Sure, Chef. Masusunod po, announce na lang ako sa GC natin since wala pa 'yung ibang mga kasama natin."
"Bukas din pala magkakaroon ng briefing para sa mga runner natin. And we'll talk about tungkol sa booth positions."
"Hindi naman po tayo magde-design ng booth natin, Chef, 'di ba?" tanong niya at kaagad akong tumango.
"Yes. It's not our job, sabi sa akin ni Tita-Nang. Kailangan lang natin isipin ang pag-prepare at pag-de-demo ng mga dish."
Nagkaroon kami ng mahabang discussion ni Chef Iris. Tungkol sa expose, sa pagkawala ko kahapon at sa kusina. Wala naman akong inisip ng malalim sa mga kwento niya at saad niya, ay kailangan ko lang marinig iyon.
Ramdam ko ang mahinhing agos ng hapon. Kalmado, tahimik, at para bang ngayon lang ulit naging malinaw ang bawat pintig ng puso ko. Wala nang alon ng inis na bigla na lang susulpot mula sa kung saan. Sa wakas, tahimik ang paligid, tahimik din ang loob ko. It was a rare, peaceful afternoon—one that felt strangely light, all because I didn't see him.
No tension. No clashing emotions. Nothing. Sana ganito na lang palagi. Sana ganito na lang araw-araw.
The afternoon of the next day felt like a completely different world. He showed up, just like I expected since he was active in our group chat, where Chef Iris posted an announcement. At siguro, may klase siya ngayong araw kaya dumaan ito ng Cucina para i-check kami.
"That owner is hot! I wonder if he's married!"
I overheard one of the women say. She was practically on the verge of squealing, hoping Conrad would hear her.
"Wala namang singsing ang mga daliri, girl! God! Sana marinig ako! Single here!"
Maliit akong lumikha ng tawa dahil sa aksidenteng narinig, ngunit sa dahilang malapit lang ang agwat ng pwesto namin ni Conrad ay simple siyang napatingin sa akin. Umayos ako ng tayo at simpleng nagpaalam sa mga papaalis na bisita.
YOU ARE READING
Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)
Teen Fictionthis is a bl story :3 ☕ Some strings in the morning are meant to be cut. A childhood friend is a friend that you will treasure forever because aside from both of you know each other deeply ay naging kasangga niyo na rin ang isa't isa. But after shar...
EPISODE 07
Start from the beginning
