But here he is, sitting in one of my chairs at the dining table, exchanging light banter with my parents like nothing ever happened.

Nakakapangit ng pakiramdam ang imahe niyang minamasdan ko. At ng hindi ko na matiis ito ay tuluyan na akong nagpaalam sa kay Mama at Papa upang magpahinga sa kwarto.

Hindi ko na pinagkaabalahan pang buksan ang social media. Kahit pa sunod-sunod na nagpa-pop up ang notifications at messages mula sa mga kaibigan ko, hindi ko magawang kumilos. I just stared blankly at the ceiling, my body heavy and cold against the bed. My phone buzzed again, but the noise barely registered.

My mind felt foggy like it was trapped in a place I couldn't quite reach. It was easier to stay still avoid, ignore, to pretend none of it existed. At least for now.

Nagising ako sa boses ni Mama na ginigising ako. I fall asleep and I forgot about it. Nakaupo siya sa gilid ng kama ko, malapit sa paanan ko at bumaba ang paningin ko sa paanan ng makita si Lily na nakapatong doon. Minding her own business.

Sana alam niyang hindi maganda ang pakiramdam ko at kailangan ko ng comfort niya.

Humikab ako sa harapan ni Mama.

"Uuwi na po kayo?"

Tumango siyang inayos ang manipis kong comforter. "Oo, anak. Kumusta ang pakiramdam mo?"

I cleared my throat because it was too dry to talk. "Uh, okay na rin naman po ako. Iinom na lang siguro ako ng gamot mamaya."

"Kapag nagutom ka at may gusto ka kainin, magsabi ka, ah? Dadalhan ka na lang daw ng Kuya mo ng pagkain."

I nodded immediately at dahil nasa bandang gilid ko lang ang pintuan ko ay simple kong tinanaw ang living room. Maayos kong binangon ang katawan ko sa pagkakahiga at tila tahimik ang gabi ng madaanan ko ang bintana.

"Umalis na si Conrad. Sobrang himbing daw ng tulog mo kaya hindi ka na ginising."

I looked at her. "Pinapasok niyo po siya rito?"

"Hindi siya pumasok, sumilip lang siya mula sa pinto. Hindi pa rin ba kayo nagkakaayos?" tanong ni Mama, her voice gentle but laced with worry.

I avoided her eyes and let out a quiet sigh.

"Hindi na po kami magkakaayos, Ma," I answered, my voice firm but tinged with the faintest hint of bitterness.

Her expression softened, and her hands folded on mine. "Anak, nalulungkot ako tuwing naiisip ko kayo. Alam kong hindi madaling patawarin ang tao kapag sobra kang nasaktan. Pero sana, balang araw, magising ka na wala nang galit sa puso mo. Hindi para sa kanya, kundi para sa sarili mo."

I forced a smile, shaking my head lightly. "Grabe naman ang pagkakaibigan niyo ni Tita-Nang. Teamwork pa kayo sa amin. Parehong-pareho kayo ng sinasabi."

A soft chuckle escaped her lips, but her eyes held a kind of wistfulness. "Hindi maiiwasan, anak. Napapag-usapan din namin kayong dalawa. Pareho kami ng dasal... na sana, dumating ang araw na maging maayos kayo ulit.Bumalik kayo sa parang magkapatid lang."

I let her words hang in the air for a moment, unsure how to respond. There was a lump forming in my throat, a mix of regret and stubborn pride battling inside me. Maamo ang boses ni Mama, pero dama ko ang bigat ng bawat salitang binitiwan niya.

Isang bigat na hindi ko kayang balewalain.

That night, I was left drowning in my thoughts, questions circling in my head like vultures over dying prey. Her words replayed in my mind, over and over, like a song I couldn't turn off. Parang hindi ako makahinga sa bigat ng mga iniwan niyang salita.

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Where stories live. Discover now