Conrad nods his head after listening to me. Kung meron siyang suggestion ay wala namang problema, lalo na kung galing ito sa kanya. I would be glad if I am going to hear something from him. Hindi 'yung magtitinginan kami tapos wala naman sa pinag-uusapan namin ang sinasabi niya.

"Balik na sana ako ng kitchen kung wala ka na rin na suggestions, but if you come up with some decisions or ideas, just let me know." I smiled.

"Out ka na? Uuwi na rin ako," tanong niya, habang ako'y tahimik na tumango, walang emosyon sa mukha.

"Ingat," mahina kong sabi na halos pabulong.

Wala akong ganang kinuha ang folder na nilapag niya sa harapan ng ibabaw niyang mesa. He was watching me as I cleared away the snacks I brought him, and every time my eyes caught his, it felt like the air was slipping out of my lungs.

Bago ako umalis sa pwesto ko ay maliit kong nginitian siya bilang paalam. Our eyes met a few times, but the ache in my chest still lingered, a sharp reminder of the moments I pushed them away.

Ang hirap na iwasan ang masasakit na ala-ala kapag natatagpuan ko ang mga mata niya.

I acted the same way when I finally inside the kitchen. Sinubukan kong itabi ang lungkot na pilit bumabalot sa akin, kahit saglit lang. Alam kong paglabas ko ng Cucina, babalik na naman ang bigat na 'yon.

Sinabihan ko si Iris na bukas o sa susunod na araw ko na lang ibe-briefing ang iba naming kasama tungkol sa plano. We decided to practice our dishes sa mga susunod na araw dahil mahaba pa naman ang oras na pwede naming aksayahin. But we are ready, planado na rin lahat at inaasahan ko na wala namang magiging problema.

"Umuulan?!" sigaw ko, pagkalabas ko ng locker room. "'Yung motor ko!"

All eyes turned to me, including the ones who were doing some work but the sound of rain tapping against the windows pulled me away. Without thinking twice, I bolted toward the backdoor. Naabutan ko malapit sa pintuan ang isa sa mga waitstaff namin na may dalang payong pero nagpaalam agad ako kung pwede ko hiramin ang dala niya.

Ang lalaki ng ulan nang makita ko ito ng kabuan at napapikit ako sa hiya ng maisip ang pagkakasigaw ko sa loob ng kitchen. Probably some of them are laughing but my motor is more important! Ayaw kong mabasa siya lalo na't wala ako nailagay na takip!

Hawak ko ang isang itim na payong mula sa hiniraman ko. Halos kumaripas na ako ng takbo papuntang parking lot kung nasaan ito pero kalangan kong hinaan ang paglalakad dahil posibleng madulas ako. Wala na rin namang akong magagawa dahil naabutan ko na itong naliligo na.

Ang malas!

Inipit ko ang stand ng payong sa leeg at kaiwang balikat ko upang kahit ulo ko na lang ay maharangan sa malalakas na buhos ng ulan. My black slacks are already wet same with my kitchen shoes, as if may choice pa akong hubarin ito kanina, eh, nagmamadali na ako.

Hindi ko alam kung may bagyo ba at sa tatanga-tanga rin ako minsan ay nakalimutan ko pang nasa labas pala ito. I should've followed Riley this morning! I should've left this at the guardhouse para hindi na nabasa!

Nakarating ako ng guardhouse na mukhang nakipagsapalaran sa lakas ng ulan. I saw Kuya Gil typing on his phone from the outside at nang makita ako sa mula sa loob ay tumigil siya sa pagtipa upang tulungan ako sa pagtulak.

"Salamat, Kuya, hindi ko na pinaandar dahil sobrang basa," natatawa't nanghihina kong saad. "Dapat pala nilagay ko na kanina pa lang na umaga. Sobrang kulit ko kasi."

He laughed silently, "Hindi na lang po kayo nagpasuyo sa akin, Chef. Nabasa pa tuloy kayo," aniya at napailing muli ako sa ginawa ko.

Tinawanan ko na lang ang sarili ko habang pinupunasan ang tubig-ulan sa braso ko.

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Where stories live. Discover now