"Nabasa ko 'yung message ni Tita-Nang nakabihis na ako, Chef Oli. Pasensya na po," yumuyukong sagot ko sa kanya.

"Sige ayos lang, bigla lang din naman sila nagsabi na dadaan sila rito ngayong araw. Sa ibang Chef na lang natin ipapahanda ang kakainin ng mag-ina. Silang dalawa lang naman ang magkasama."

Tumango ako at simpleng ngumiti sa sulok. Pinanood ko siyang tinawag si Chef Iris at may pinakuhang isang Chef na uutusan para sa lulutuin. Gusto ko mang asikasuhin ang mag-ina ay nakita ko kung gaano naman kami karami rito sa tao loob kaya hindi na ako nagpresinta.

Lalo na't nagsidatingan na rin ang mga panggabing Chef.

"May ideya po kayo, Chef, kung bakit biglang nagpatawag ng staff meeting? Message lang po sa 'kin ni Tita-Nang na huwag muna umuwi kasi may big announcement siya," saad ko.

He nodded while taking his seat sa tabi ng isang kitchen table namin. Nagpapahinga dahil galing din sa byahe.

"Wala rin, eh. Tsaka hindi ako masyadong nag-me-message sa kanya kapag wala namang problema at sa tingin ko, 'di naman yata problema ang idadala niya ngayon dito." He looked at me matapos tumingin sa likuran ko. I am standing in front of him at suot ko na ang sling bag kong itim. "Minsan, hinahanap ka sa amin ni Sir Conrad. Are you two okay?"

"Ah, ye-yes po," mabilis na pagsagot ko.

Tiningnan ko siya ng diretso sa mata upang hindi ito magkaroon ng guniguni sa isipan. Chef Oli knows me when I am lying kaya kumuha ako ng oras at pinilit na hindi maging kalmado.

"Nung nakaraang araw hinahanap ka, eh, ang sagot din namin dahil may mga alaga kang pusa na pinapakain. He doesn't know where you live?" he asked.

Umiling akong walang reaksyon.

"Uh, hindi po, 'saka bakit niyo po natanong, Chef?"

"Tinatanong address mo sa akin. And I gave it to him? But not exactly, are you okay with that?"

Mahinang umangat ang ulo ko bago naiilang na tumango ng ilang beses. Kahit na sinimulan ko na naman mag-isip ng kung ano-anong klaseng tanong. Bakit niya naitanong? Nabanggit ba ni Tita-Nang na I'm living alone?

"Bakit po kaya niya naitanong, Chef?" hapyaw ko at hinihintay kong bumuka ang bibig niya upang sumagot.

"Iyan lang ang hindi ko alam, Nate. Ask him when they arrived, baka gusto niyang malaman," seryoso at may halong kuryusidad na sagot niya.

Naiwan akong tulala sa apoy na ginagamit ng isang kusinero na malayo sa gawi ko. I was watching it to be used while thinking about the scene on how he asked Chef Oli kung saan ako nakatira, at isa pa, sino ba siya para hanapin ang presensya ko?

Sana man lang naisip niya kung hinahanap ko rin ba siya. Kasi sa totoo, kinikilabutan ako sa mga iniisip kong galaw niya. Alam kong may gampanin din siya bilang isang owner ng Cucina Eterna at pwede bang 'yon na lang pagkaabalahan niya?

He is also taking a master's, can he just focus on that?

Kasi nakakapanghina kapag iniisip kong gumagawa siya ng paraan upang maging malapit ulit kami sa isa't isa. And I will not let that happen dahil matagal ko ng nilagyan ang sarili ko ng off limits para sa kanya!

Quarter to six in the evening dumating sina Tita-Nang at ang anak niya na nauna pang nagpapakulo ng dugo ko ngayong gabi kesa sa niluluto. I've been stuck here in the kitchen for what feels like forever, an hour, to be exact. Everyone else is crammed in here too, chatting and moving around while we wait for the dining area to finish drying after being sanitized.

"Guess what? Cucina Eterna is joining the Manila Food and Beverage Expo. Two weeks from now! This is going to be huge!"

Diretsong nanginig ang puso ko dahil sa narinig mula kay Tita-Nang matapos magsalita sa unahan namin.

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Where stories live. Discover now