Kung may sira lang talaga ulo ko ay hindi ko tititiisin ang makita siya. Dahil sino bang tanga ang titiis na makita ang taong nanakit sa 'yo?
Sino?!
"Umuwi na ba si Sir Conrad?" pasimple kong tinanong si Iris nang tabihan niya ako habang inaayos ang mga ginamit.
Wala pa namang masyadong pending orders at naayos na rin ng mga dishwashers ang mga gamit.
"Hindi pa, baka gabihin 'yon dito, Chef. Marami pa siyang inaasikaso at tama ang pinuntahan niyang lugar dahil fine dining 'to. He could get a peace atmosphere here."
Maliit akong ngumiti, "Nakita mo ba kung anong ginagawa?"
I took the table napkin on our storage cabinet para ipamunas sa mga namamasang utensils. They already been sanitized kay pupunas na lang.
"Kami na diyan, Chef, dapat binabantayan niyo po kami. Hindi 'yung pupunasan niyo pa 'yan," si Eileen.
"It's fine."Tumawa ako, "Wala pa naman akong ginagawa at wala rin naman kayong ginagawa pa. Chef Iris, how about bigyan niyo siya ng Main course? Lutuan niyo siya Pollo al Marsala but ask him first kung gusto niya bang kumain ulit," I smiled, but it's not genuine. "And don't forget our desserts!"
Hindi ko maisip na nasa iisang lugar lang kami ng lalaking kinasusuklam ko at pinaghahandaan ko pa ng pagkain! 'Di ba? Nakakalala siya ng migraine, sa totoo lang!
Those empty years without him felt strangely calm, almost like a quiet paradise—a place where the weight of the past could finally fade away. Inaral kong kalimutan siya, hindi lamang bilang isa kaibigan at nairaos ko naman.
Inayos ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pag-iling, nagbabakasakaling maalis siya sa aking isipan, katulad ng ginawa ko nung nakaraang mga taon. I was paranoid at kaunti na lang ay papunta na sa pagiging miserable ang laman ng utak ko, pati ang puso ko sa tuwing naaaninag siya.
Lalo pa nangati ang gilagid ko ng tuluyan na itong pumasok sa loob ng kitchen. At ang masaklap pa ay hinahanap ako.
"Can you help me check kung ano ang mga paubos na rito sa loob ng pantry at storage room, para mapabili agad natin kung sino man ang incharge sa pamimili?"
I glanced at him. Abala na ako na ako sa pagmamasa ng mga pizza dough dahil nauubos na ang stock namin.
"I'm starting to do some pizza dough, upang makapag-reserve. Paubos na rin kasi. Call Chef Iris or si Chef Theo," normal na boses na sagot ko.
"Akala ko trabaho mo mag-check ng mga ingredients bago pa sila maubos?"
Tumango akong hindi na nakatingin sa kanya. He sounds normal, dapat hindi ako magpatinag.
"Ah, oo, but I am doing something. Nakikita niyo naman po yata?" turo ko gamit ang aking mata sa mga umalsang dough na mamasahin ko.
Bumaling din ang atensyon niya sa tiningnan ko at nagulat ako ng makitang sinimulan niyang itaas ang kanang kwelyo ng puti niyang long sleeve. Hindi niya pa naiaangat ng maayos ay sinigaw ko na ang pangalan ni Chef Theo.
"Pwede po ba samahan mo si Sir Conrad na mai-check 'yung mga gusto niyang i-check rito sa loob. Lalo na sa storage room at pantry?"
Theo smirked at me, at napanood ko kung paano niya tapikin gamit ang kaliwang kamay ang likuran ng lalaki. Conrad was taller than him at halos magkasing-height lang kami ni tiyuhin niya.
When I looked at his face he wasn't sure on what to react dahil sa bilis ng pangyayari. He looked at me, his eyes searching mine, as if they held unspoken questions, at kung ano man iyon, wala akong oras para sumagot.
"Huwag mo na kasi pilitin, medyo busy ang Sous Chef natin, eh," ani Theo.
I wanted to raised my eyebrows at him ngunit hindi ko ginawa dahil sa napapahiyang mukha ng lalaki. Wala namang tumitingin sa gawi namin sa dahilang lahat ay may ginagawa, ngunit 'di ko maipagkakaila na kinukuha niya ang atensyon ng iba kong ka-trabaho.
Wala naman akong depensa doon dahil para siyang artista na isang business owner.
Conrad and Chef Theo excused themselves para sundin ang inutos ko. Malaki ang pantry namin at sa tabi lang nito ang storage room, kahit ilang oras sila doon mag-inventory ay hindi ko sila pipigilan.
Tinulungan ako ni Terrence at Riley na masahin ang mga pizza dough, dahilan na wala pang dalawang oras ay natapos naman kaagad namin lahat. I am now washing my hands pagkatapos kong ipahinga ito at kukuha na rin ako ng ingredients na gagamitin sa lulutuin nina Chef Iris.
Pagkarating ko sa loob ng pantry ay tila naging isa akong robot na hinanap ang dalawang lalaking inutusan ko kanina. I walk towards to the storage room to check them ngunit wala akong naabutang tao doon. Although, both rooms are clean na kung iisipin ay may dumaan na tao rito para talaga tingnan kung ano ang nasa loob.
Dumaan sa mata ko ang pintuan ng garahe namin sa likod at hindi ito naka-lock mula sa loob. I slowly turned the know to open it slightly at ng may bumukas na kaunting space para makita kung nasa labas ba sila ay hindi ako nagkamali.
Both of them are vaping beside our army green trash container at kung titingnan sila ang pareho ay tila malalim ang pinag-uusapan.
Napataas ang pareho kong kilay ng maisip na marunong na pala siya gumamit niyan. A scene flashed on my mind that he wanted to buy some kind of that device, dahil sa impluwensya ng mga kaibigan.
I shut my eyes as the image of us began to take shape in my mind. I can't think about him—I shouldn't. You've already worked so hard to erase him from your thoughts, haven't you?
"Huwag niyo lang, Tito, ipaalam sa lahat na may nakaraan kami ni Nate. I want him to have a peace while doing his job here."
Nagkaroon ng kuryente ang isipan ko ng marinig ang boses ng lalaki. Napasilip rin ako sa maliit na espasyo upang marinig ng klaro ang sinasabi niya at dahil sa sinabi niya ay tumawa't umiling si Theo.
"Nagbago ka na, ah? I thought you hated him?" Theo chuckled, the tendrils of smoke slipping from his lips like prisoners searching for an escape. "Pero kidding aside, sure, Con. Kahit na hindi ko pa rin matanggap na siya ang pinili ng balae ko para maging Sous Chef ng restaurant niyo."
"Tito, I told you earlier to stop doubting him. Alam ni Mom kung anong ginagawa niya and I hope you know that."
Mahinang tumawa ang lalaking sinabihan, "Yes, yes, ano pa nga ba? Tatanggapin na lang," aniya.
Nakagat ko ang ibabang labi ko sa narinig mula kay Conrad.
He was looking in a different direction just like his uncle. Sa taas ng ikalawang palapag ng Cucina ay malaking tulo ito upang maharangan ang init ng araw. Kaya kapag sumasapit ang hapon ay nagiging maaliwalas dito, lalo na'y sa harap ng tinatayuan nila ay mga puno ng acasia at mangga.
"His eyes has so much full of anger, para siyang iritable kapag nakikita ako. Sana makausap ko siya ng matino, para makahingi na ako ng tawad sa ginawa ko," Conrad added.
Umiling ako at diretsong kumunot ang noo ko.
"Then try to talk to him, try harder, Conrad. Katulad ng ginawa niya sa 'yo noon pero makulit ka kasi. Ang tigas ng ulo mo... hinayaan mo," umiiling na saad ni Theo at napalunok ako ng makita ng kabuuan ang mukha ng lalaki dahil lumingon ito sa tiyuhin niya.
Conrad laughed a little and crossed his arms while thinking consciously.
"Masyadong tanga ang pamangkin mo, Tito, eh. Binalik sa 'kin lahat ng karma. Tangina," he cursed in front of the clouds.
☕
YOU ARE READING
Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)
Teen Fictionthis is a bl story :3 ☕ Some strings in the morning are meant to be cut. A childhood friend is a friend that you will treasure forever because aside from both of you know each other deeply ay naging kasangga niyo na rin ang isa't isa. But after shar...
EPISODE 04
Start from the beginning
