"Nakakasagabal naman sa sa pagluluto ko."

"Ang dami ng nagbago sa 'yo, Nate."

"Edi, umuwi ka sana nung mga panahong wala ka."

I responded without looking at him dahil sa itinututok ko lamang ang mga maya ko sa papel. Hindi ko na rin hinulaan kung anong reaksyon niya sa sinabi ko dahil hindi naman importante. Inayos ko ang pagkakaupo at para ihanda ang pag-alis ko ay ilang segundo lamang ang nakalipas ay wala na akong narinig mula sa kanya.

I frowned at him.

"Can I go now?"

"Lulutuan mo ba ako?"

Umawang ang labi ko kasabay ng paghinga ko ng malalim, "Sure, huwag ka muna umalis dito. Ipapa-serve ko na lang sa waiter."

"Hindi pa ako aalis. Thank you, Nate," he replied, trying to hide a smile on his pink and curved lips.

I didn't say anything after at ramdam ko ang dismaya sa katawan ko. Kahit isang excuse me ay hindi ko nagawang sabihin dahil naisip kong nadaan niya naman ako sa pagmamanipula.

Pwede ko bang hindi siya sundin? Well, yes! I have a right but when I'm thinking that he is my fucking boss. Para akong lalagnatin!

Pagpasok ko sa loob ay inaabot ko agad kay Chef Iris ang papel at sinabihan na rin ang lahat ng tao sa loob na simulan na ang mga gagawin para mamayang lunch time.

Wala rin ako sa sariling kumuha ng mga ingredients sa pantry namin para handaan siya ng makakain. I need to find a reason why I'm doing this because if I keep thinking that he's the only one benefiting from it, I feel completely lost. I can finished this without pouring my heart into it ngunit maaaring pangit ang kalalabasan.

"Para kanino 'yan?"

"Kay Sir Conrad," kalmadong sagot ko kay Iris ng makita akong mag-isang pinapainit ang wok sa sulok na burner.

Napansin kong tumango siyang may ngiti sa labi at upang hindi niya ako maabala ay iniwan niya muna ako sa ginagawa. I checked my ingredients at nandito na rin sa akin ang mushroom at truffle oil na gagamitin ko.

Wala akong kasiguraduhan kung magugustuhan niya ba ito dahil para lang itong lugaw na kaunti ang tubig. But the mushroom must be creamy. Italians love cheese so the recipe includes a parmesan cheese.

Tahimik lamang akong nasa sulok, at kapag may pinagkakaabalahan ako ay hindi ako pwedeng maistorbo. So in just 40 minutes, I already finish his first course meal.

"Hinahanap po pala kayo ni Sir, Chef. Akala niya raw po ikaw ang mag-se-serve sa kanya," ani Andrei, isa sa mga waiter namin na nag-serve ng niluto ko.

Kumunot ang noo ko ngunit inalis ko naman agad ito. "Sinabihan ko naman na siya na ipapa-serve ko na lang, baka hindi narinig. Thank you, Andrei," mahinahong sabi ko.

Tumango ang lalaki sa gilid ko at nagpaalam na babalik na siya sa station niya. Nag-bukas na rin ang restaurant at wala pang trenta minutos ay nakita ko na ang pag-aasikaso nila sa loob.

I was glad that Chef Theo didn't get a time to interrupt me on what I am doing. Iniiwasan ko na lamang siya para hindi niya ako pagkadiskitahan sa kung ano man ang reklamo niya sa buhay.

Habang minasamdasdan ko si Terrence na ginagawa ang pizza dough ay tila nabahala ako sa kung ano ang magiging komento niya tungkol sa natikma niyang luto ko. Lalo na't 'yun ang kauna-unahang ginawa ko sa kanya bilang Sous Chef.

Iniisip ko ring sana umuwi na ang lalaki upang wala na akong marinig mula sa kanya.

If he thought we were okay, he couldn't be more wrong. Hindi na kami magiging maayos pa at kung pakikipagplastikan tang tawag rito, then called it. I'm just doing this because Tita-Nang ordered me to do this and I have full respect for his family.

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum