Posibleng may nira-rant na naman ang kanyang Tiyuhin.

"Hi, ito na po pala 'yung menu for today. I'll give you a time to check it para ma-prepare na pagsapit ng 9."

Lumabas na ako ng mapansin kong pumasok na si Chef Theo sa loob at pasimple na rin akong pinuntahan ang lalaki. Naabutan ko siyang may nakatingin sa nakalapag na puting folder sa table at ng maramdaman ako malapit sa kanya ay umangat ang kanyang mukha sa akin.

"Hi, sure, but you can wait this while I'm checking. Baka may itatanong ako tungkol sa mga isinulat niyo," seryosong boses na usal niya.

Malalim akong huminga ng maisalpak ko lahat ng sinabi niya sa utak ko at mabagal na umupo sa harapan niya. What kind of punishment is this? Pumikit ako para igala ang tingin sa loob na kung tutuusin ay halos kabisado ko kung gaano kalawak ang Cucina.

Conrad raised his face at me again, "I like how you include our traditional pasta carbonara in the first course. I'm curious about Risotto ai Funghi and Penne Arrabbiata— did I pronounce it correct?"

Nabigla ako ng bigla siyang magtanong.

"Ye-yes... tama sila," tugon ko at maliit siyang ngumiti.

My eyes flew on the left side of his ear to find his little earrings that he always wear. Wala na ito rito. Baka nagbabagong buhay na kaya wala na ang dating Conrad na maangas.

"You can try it later, papagawa ako kay Chef Iris para matikman mo," I smiled.

He closed his eyes as he bit his lower lip. Tila binasa niya ito sa dahil siguro sa lamig ng aircon na dahilan para matuyo ang labi niya.

"Maybe you can cook it for me? Nung isang gabi si Chef Iris na nag-prepare ng dinner ko, and speaking of isang gabi. I was looking for you yesterday, day off mo pala kapag Sunday?"

Nakatikom ang aking bibig na tumango at mahinang inilabas ang hangin sa ilong ko upang huminahon.

"Yes, and I'm sorry if I haven't told you," I answered, my voice quivering.

Kinakabahan ako. I am not used to this.

"Uhm, are you done checking them? Kunin ko na sana para i-report ko na sa loob for them to start," pagbabali ko sa koneksyon naming dalawa.

"Are you going to cook the Risotto ai Funghi for me?" tanong niya ng ulitin niyang tingnan ang pangalan sa papel na iniabot ko.

"Pwede ako umutos ng iba, Sir," saad ko.

A sly smile played on his lips, but it vanished the moment he noticed me watching him intently. Hindi ko magawang gumalaw sa iuupuan ko ng simulan niya akong titigan at dahil dito ay ramdam kong nanunuyo ang buong lalamunan ko.

Dapat may sabihin ako.

"You're not wearing your eyeglasses anymore?" he asked right in front of me.

Mabilis na dinaga ang aking buong dibdib ng itanong niya ang tungkol sa eyeglasses ko. He was looking for it? Wala akong imik na tumango at pilit na iniiwasan ang mata niyang gusto idikit sa akin.

His face had taken on the strong, defined features of a man who had grown into himself, but I'm not sure kung mature na rin ba ang utak niya kasi sa pagkakaalala ko ay hindi pa. A faint shadow of a beard traced his upper lip, adding a rugged charm to his already handsome features.

Sa ganitong mukha ang masisilayan mo sa umaga ay mapapaisip ka talaga kung turista ba ito o hindi.

"Since when?"

"Last week lang," walang emosyong sagot ko.

He nodded bago iabot sa akin ang papel ng mga menu, "Bagay sana sa 'yo ang may suot, Nate."

Strings in the Beginning (Abrupt Series #2)Where stories live. Discover now