Chapter 48 - Curious

Start from the beginning
                                    

 

Hindi pa man ako nakakasagot ay nagmadali na itong umalis kasabay nung babae. I wonder kung sino iyong naghahanap sa kanya at mukhang sobrang excited niya.

Naglakad na rin ako papunta doon sa direksiyon na sinabi ni Annika. Iyong mga nasa ibang tables na madaan ko ay nakatingin sa akin kaya hindi ko mapigilang mailang.

Nakarating na nga ako sa dulo pero hindi ko pa rin makita kung nasaan sila. Wala na rin akong makitang ibang tao. Ano ba kasi ang ginagawa ng mga yun dito? Bakit ang layo naman yata nila? Baka may kung anong kababalaghang pinaggagawa ang mga yun? Baka nambababae ang mga yun.

Pakialam ko ba. Buhay nila yun. Kaya wala akong pakialam kahit na ano pa ang gawin nila.

 

Nagtuloy-tuloy pa rin ako sa paglalakad. Hanggang sa nakarinig ako ng mga nag-uusap. Sinundan ko ang pinanggalingan ng boses. Galing sa isang pinto.

"I said no."

 

Boses iyon ng ungas. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya lang naman kasi ang kilala ko na ganun kasuplado ang tono. Idinikit ko ang tenga ko sa may pinto.

Eavesdropping to. Tsssk. Pero sige na nga. Ngayon lang naman to eh. Ngayon lang talaga. Promise.

"Pero James naman. Naka-oo na kaming dalawa ni Albert."

 

"And who told you to decide all alone?"

 

"Pumayag ka na kasi. Hindi na kami pwedeng umatras."

 

"Ayoko nga Albert. You knew that already."

 

"Eh bakit kanina naglaro ka? Tapos ngayon ayaw mo na naman."

 

Laro. Tungkol kaya ito sa laro kanina?

"That was different Dom."

 

"Yeah. I know. It was different. Kasi kanina involved si Diana."

 

Nanlaki ang mga mata ko. What the---. At paanong napasok ang pangalan ko sa usapan nila?

"Shut up Dom. I don't know what you are talking about."

 

Narinig ko ang pagsigaw ng dalawa. Kinakantiyawan yata nila ang ungas.

"Para namang hindi ka namin nakita. Kung nakita mo lang sana ang mukha mo kanina. Matatawa ka talaga. Hahahahahaha."

 

"Alam naman namin na wala ka talagang balak maglaro kanina or kahit kelan pa. Kaya lang bigla na lang nagbago ang isip mo sa kadahilanang---------------------------"

When Suplado Boy Meets Palaban GirlWhere stories live. Discover now