Chapter 48 - Curious

Magsimula sa umpisa
                                    

"You're the worst."

 

And then ini-snob ko na siya. Pinaupo ko sa bakanteng upuan ang teddy bear ko at nagsimula na kaming kumain.

Pagkatapos naming kumain ay nagdecide kami na magpahinga muna. Inilabas na ni Michael ang cards. Iyon kasi ang ibig sabihin ng pahinga sa amin eh. Nakita ko ang biglang pagliwanag ng mukha ni Annika. Isa pa tong adik eh.

Habang binabalasa na ni Michael ang cards ay siya namang dating nina Dominic at Albert.

"What are you doing?"

 

"We're going to play 1,2,3,4 pass Albert." -Chloe. May kasamang pagpapacute yan.

 

Napakunot noo ang dalawa.

"It's obvious na hindi niyo alam kaya ang mabuti pa ay umalis na kayo. Istorbo eh."

 

Natawa na lang kaming lahat sa ginawang pagtataboy ni Annika sa dalawa. Bigla namang tumayo si Nathaniel.

"Just stay here." sabi niya sa'kin saka sumunod doon sa dalawa. Kung makapag-utos naman siya. Just stay here. Ungas talaga.

Ipinagpatuloy na namin ang paglalaro. Pagkatapos ng ilang rounds ay hindi pa rin ako natatalo. Gumagaling na ako eh. Naistorbo ang paglalaro namin kasi may cellphone na ring ng ring. Siguradong hindi akin yun kasi nakasilent ang sa'kin. Tiningnan ko ang iba. Nagkibit balikat lang sila. Hindi rin sa kanila.

Ayaw pa rin talaga siya tumigil sa pagriring kaya hinanap na namin.

"Ayun." sigaw ni Ina sabay yuko. Ipinakita niya sa'min ang cellphone.

"Kanino naman kaya to?" tanong ko.

"Let me see."

 

Inabot ni Ina ang cellphone kay Annika.

"Kay Dominic yan." sabi niya.

"Pano mo nasabi."

 

"I just know." sabi niya sabay ngiti. "Dito lang muna kayo. I'll just hand this to him." Bago pa man makaalis si Annika ay may lumapit na sa kanya na isang babae.

"Miss Annika. May naghahanap po sa inyo."

 

"Sino?"

 

Mas lumapit pa ang babae kay Annika tapos may ibinulong ito sa kanya na sobrang ikinatuwa nito.

"Diana. Pakibigay na lang muna ito kay Dominic. Nandoon sila sa pinakadulo nitong booth. I just have to see someone."

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon