"Kasi naman eh! Hay nako nakakabaliw!"

"Ang manhid mo kasi eh, no wonder ang tagal mong narealize na mahal ka ng asawa mo, mabuti pa si Hazel sayo." sabi nito at kinuha yung junk foods na kinakain ko.

"Hala shoot! Tama sabi nga pala ni Hazel magreply ka daw sa kanya." sabi ko nang maalala ko yung bilin ni Hazel sakin. "Pero teka anong ibig mong sabihin na mas mabuti pa si Hazel?"

"Nagreply na ako sa kanya." sagot nito. "At yung kay Hazel alam mo bang matagal na niyang alam na lalaki naman talaga ako? Sabi niya nahalata niya lang daw."

"Wow grabe, tayo yung palaging magkasama at matagal ng magkakilala pero hindi ko man lang yun napansin?"

"Manhid ka nga kasi."

"Ang sama mo." nakasimangot na sabi ko. "Kailan ka pa ba nagsimula sa acting mo?"

"Simula nung magkakilala tayo, napagkamalan mo kasi akong bakla kaya napasubo ako, yun na lang talaga ang ginawa ko para maging magkaibigan tayo."

"Grabe ang sama ko talaga." malungkot na sabi ko.

"Wag mo nga akong dramahan! Leche to oh."

Sinamaan ko siya ng tingin.
"Para ka na talagang bakla."

"Halikan kita jan eh!" omg! I never imagined na pagbabantaan ako ng ganito ng isang bakla! Scratch that, hindi pala siya bakla.

"Oh di natakot ka?"

"Sumbong kita kay Kaizer eh!"

"Psshh kung wala ka lang talagang asawa eh..."

"Kung wala akong asawa baka pinatulan na kita." I kidded.

"Pinapaasa mo ako just so you know."

"Oppss sorry." nagpeace sign ako.

"Tara na nga, puntahan na natin si Hazel." yaya niya sakin at tumayo.

Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya.
"Ayaw mo ba kay Hazel? Bagay kayo."

"Ganun? Porke ayaw mo sakin eh pinapamigay mo ako?" inis na sabi nito.

"Ito naman, sobrang seryoso."

"Haist.. Alam mo di kami pwede nun, in love pa yun sa ex niya eh kaya nga pinagseselos namin tsaka di ko naman type yun." sagot niya sakin.

"Ay? Sayang naman kayo, pero nako number one fan niyo ako! Pag naging kayo balitaan mo kaagad ako ha." nakangising sabi ko.

"Malabo yan."

"Walang malabo! Sige ka ikaw rin baka kainin mo yang mga sinabi mo."

"Psshh. Ang kulit lang." naiiritang sabi nito sakin.

Ngumiti lang ako sa kanya. Sa wakas okay na kami. Makakalimutan din naman ako ng kumag na to eh, kaya lang di nakapagmove on kasi kami palagi ang magkasama, di nalilipat ang atensyon niya sa iba pero ngayon nandyan na si Hazel. Ipupush ko talaga ang tambalang DenZel! Ang ganda ng shipping name! Hahaha

"You're drifting." puna ni Denver sakin.

"Uhmm sorry, may iniisip lang." sagot ko habang nakangiti pa rin.

"Stop smiling." saway niya sakin.

Napairap na lang ako, ang init ng ulo talaga.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad pero napatigil na lang ako ng makita ko si Hazel habang may kausap na lalaki.

Play With Me If You Dare {COMPLETED}Where stories live. Discover now