Hay nako!
Ba't ba ako may kasamang aso at pusa?

"Shhhh tumigil nga kayo!" saway ko sa kanilang dalawa.

"Siya kasi eh!/ Yan kasi!" sabay pa nilang sabi habang tinuturo ang isa't isa.

I rolled my eyes. Ang gulo nila!

"Tapos na ba? Pwede ng tumahimik?"

Magsasalita pa sana si Denver pero pinigilan ko na siya.
"Tama na shhhh! Alam niyo kayong dalawa, ang gugulo niyo! Para kayong mga bata na nag-aaway sa laruan eh!" talak ko sa kanila.

"Xy..." I shut him off.

"Ako muna ang magsasalita okay? Para walang gulo! Kasi ang ingay niyo!"

"Una sa lahat...hay nako may isa pang nakaalam sa sikreto ko pero ano pa nga bang magagawa ko nangyari na yun so okay na. At yung sa ate mo hmm nakilala ko nga siya nung makapunta kami sa resort ng boyfriend niya." mahinahong sabi ko.

"Huh?! May boyfriend ang ate ko?!" gulat na tanong niya at sumigaw pa. Kaya tuloy halos lahat ng tao dito eh napatingin sa gawi namin.

Napakamot ako sa ulo. Ano ba tong nangyayari ngayon.
"Hala! Hindi mo pala alam? Ay nako naman...." patay ako nito.

"Hindi! Sigurado ka ba dyan sa sinabi mo?"

I sighed.
"Hmm ewan sabi kasi ng ate mo complicated daw."

"Ahh baka hindi naman sila."

"Anong hindi eh naghalikan nga." bulong ko na lang.

"Teka nga! Na-oop na ako! Di na ako makakonek sa istorya niyo." singit bigla ni Denver.

"It's none of your business!" sagot ni Hazel dito.

"PSSHH!" inis na sabi ni Denver.

Kailan pa kaya magkakasundo ang dalawang to?



*
Kai's POV

"Sir nandyan po si maam Vanessa." sabi sakin ng secretary ko.

"Okay papasukin mo." sabi ko dito habang nakatuon pa rin ang pansin sa papers na binabasa ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napaangat ang tingin ko.
I saw her smiling at me.

"May problema ba sa site?" tanong ko kaagad sa kanya.

"Ahmm no, wala ka kasi dun kaya I decided na dumaan dito. Tapos ka na bang maglunch? Sabay na tayo." nakangiting yaya nito sakin.

Isinara ko ang folder na binabasa ko at tinignan siya.
"Sorry I can't, sabay kaming maglalunch ng asawa ko; so if you'll excuse me." sabi ko dito at agad na tumayo, pero bago ko pa man siya malagpasan ay hinawakan na niya ang kamay ko para pigilan ako.

"Then dinner maybe? May importante akong sasabihin sayo."

"Can't you say it to me right now? I need to go home early." anong bang trip ng babaeng to?

"Ang loyal mo naman, I like it." she ran her fingers through my shoulder.

Umatras ako para makalayo sa kanya. Hindi naman ako manhid, malandi akong tao kaya alam kong nilalandi ako ng babaeng to ngayon. Kung hindi lang sana siya ang kinuhang architect sa project na ginagawa namin, di ko talaga to pakikisamahan ng mabuti. Nasimulan na kasi eh! Magugulo lang pag may namuong problema.

"Vanessa I need to go. Let's just talk next time." iritableng sabi ko sa kanya.

"I'll wait for you later for dinner Kaizer."

Ughh binubwesit ako ng babaeng to!

"Okay." sabi ko na lang para di na niya ako kulitin.

Nagmadali na akong lumabas ng opisina at tinungo ang kotse ko.
Bwesit na babae!
Umiling iling na lang ako at pinaandar ang sasakyan.

Dumaan ako sa paboritong coffee shop ni Xyriel at bumili ng cheesecake, mahilig kasi siya nito.

Naglakad lakad na ako sa loob ng campus nila at tinawagan siya.

"Kai? Oh bakit?"

"I just wanted to have lunch with you." sagot ko.

"Ngayon na?"

"Oo, I'm waiting so please be quick." sabi ko sa kanya.

"Okay okay." tapos inend na niya ang tawag, psshh di man lang nag I love you?

Mga after 10 minutes eh dumating na rin siya.

"Tagal mo naman." sabi ko sa kanya.

"Eh kasi di mo naman sinabi na nandito ka sa may field! Sa parking kaya ako galing." pagrarason niya.

"Ohh nakalimutan ko eh, pero ito cheesecake! Para sayo." nakangiting sabi ko at ipinakita sa kanya ang paper bag.

Kinuha niya naman ito at ngumiti.
"Kala ko ba kakain tayo ng lunch? Ba't mo ako binigyan nito? Pero di bale na nga, paborito ko naman to eh"

"Alam ko, actually tapos na akong maglunch; naisipan ko lang pumunta dito at yayain ka, baka kasi di ka pa kumakain kahit past 12 na." sagot ko sa kanya.

"Ahmm oo tama ka. Pero kasi short lang ang break namin ngayon kaya mamaya na lang ako kakain ng lunch. Salamat dito ah!"

"Wag kang nagpapalipas ng gutom! Baka magkasakit ka." paalala ko sa kanya.

"Oo na po asawa ko, oh siya sige balik na ako dun sa room namin baka maagang dumating si prof." nakangiting sabi niya sakin bago tumalikod.

"Ui teka." pigil ko sa kanya. "Kiss ko."

"Baka may makakita!"

"Ano naman ngayon?" kunot noong tanong ko.

"Aisshhh, kung di lang kita mahal eh." nakangusong sabi niya at lumapit sakin and gave me a chaste kiss.

"I love you." sabi ko sa kanya.

"Oo na! Ang keso keso mo talaga kahit kailan." natatawang sabi niya.
"Sige na bye! Love you too!"

Napangiti na rin ako.
Kumaway pa ako sa kanya bago sumakay sa kotse ko.

Sana wala yung babaeng yun sa office pagbalik ko. Haist

-------
VOTE & COMMENT

Never_TheLess
Lex

Play With Me If You Dare {COMPLETED}Where stories live. Discover now