"Sira syempre sinuntok." natatawang sagot ko.

"Kasi....di ba bakla yun?"

"H-huh? O-oo" pero parang di na ako sigurado dahil sa nangyari kanina, para kasing hindi naman gawain ng bakla yung ganun? Ay ewan. Iba kasi talaga yung nangyari kanina! Parang may other side si Denver na ngayon ko lang nakita.

"Sigurado ka bang bakla talaga yun?" nakakunot ang noo niyang tanong.

"Bakit?" kung noon siguro ako tinanong, mabilis na oo ang naging sagot ko pero ngayon... Nagdadalawang isip na ako.

"Para kasing hindi eh." kinabahan naman ako bigla. Nahahalata niya rin yun? Alam niya? Ano ba? Huh? Ang gulo, ano namang malalaman niya? Psshh bakla si Denver! Tapos!

"Ganun talaga yun pero bakla siya." sagot ko. Bakit ko ba kasi iniisip na hindi bakla si Denver dahil lang sa ginawa niya kanina? Adik na ata ako eh.

Hinawakan niya ang kamay ko.
"Ohh okay then, magbihis ka na at bumaba pagkatapos." sabi niya.

Ngumiti ako sa kanya.
"Eh di bitawan mo na ako."

He grinned.
"Tinatamad ako eh."

"Gusto mo akong samahan?" gatong ko sa trip niya.

"Sure!" aba aba talaga, hindi man lang umayaw.

Napa-iling ako.
"Joke lang." nakangiting sabi ko.

"Wag mo akong binibiro ng ganun baka totohanin ko na talaga." tumawa ako ng malakas.

"Next time na pagkagraduate ko." I playfully answered and winked at him. Mabilis kong hinila ang kamay ko at pumasok sa banyo.

"Promise mo yan ha!" rinig kong sigaw niya mula sa labas.

Sira talaga. Hahaha.
Na-iimagine ko tuloy na nakangiti siya ngayon ng todo. Ganun ba talaga ang mga lalaki?

*****

"Ija malapit ka na palang gumraduate." sabi ni manang sakin. Nandito kami ngayon sa dining at sabay sabay na kumakain ng hapunan.

"Oo nga po eh, sa wakas." nakangiting sabi ko.

"Yes just two weeks two go, can't wait." sabi naman ni Kai.
Umiling ako, if I know excited lang siya dahil sa sinabi ko kanina.

"Mabuti na lang ija at di ka nabuntis kahit may asawa ka na." nanlaki ang mga mata ko at napa-ubo dahil sa sinabi ni manang.

"Manang naman!" nakangusong sabi ko.

Tumawa naman sila manang at Kai. Sinamaan ko ng tingin si Kai.
"Mga bully!"

Tumikhim si Kaizer bigla.
"Manang wala pa yun sa plano namin at gusto ko rin naman na makapagtapos ng pag-aaral si Xyriel." sagot nito kay manang. "Pero soon manang, magkakaroon na rin kayo ng little Villarreal na aalagaan dito." nakangiting dagdag nito.

"Mga bata pa kayo tsaka nagbibiro lang naman ako kanina, bago kayo pumasok sa bagay na yan dapat siguraduhin niyo munang handa na kayo sa mga responsibilidad ng pagiging magulang dahil hindi yun madali."

"Manang alam po namin yun, wag niyo pong seryosohin ang sinabi ni Kai." nakangiting sabi ko kay manang. "Pero thank you po sa pag-aalala."

Nilingon ko naman si Kai na ngayon ay pinagpapatuloy lang ang pag-kain. Di na ito muling nagsalita.

"Ang tahimik mo, kanina pa. May problema ba?" tanong ko kay Kai at umupo sa tabi niya, nanunood kasi siya ngayon ng tv.

Play With Me If You Dare {COMPLETED}Where stories live. Discover now