Chapter 40: Bitch

Start bij het begin
                                    

I need a cold shower. Darn it!
Ganito ba sya matulog? As in, inaalis nya talaga?

Binuhay ko ang shower at muntik nang mapasigaw sa lamig.

Control yourself V.
Bawal mo syang galawin kung ayaw mong ikaw ang masipa sa balls!

Matapos kong maligo, nagbihis ako ng jacket at jogging pants. Balak ko sanang magsuot ng mascot ni jollibee para mas mahirap hubadin pero OA na.
Bahala na. Hindi naman siguro ako huhubadan ng girlfriend ko hindi ba?
Pero kung sakali naman.... Hmmm. Game ako dyan. Hahaha

Oi joke lang! Toh naman!

Nakita ko syang nakapikit na sa kama at mukhang mahimbing na ang tulog kaya naman dahan dahan na akong humiga sa tabi nya.
Maingat ko ding ipinasok ang sarili ko sa ilalim ng comforter.

Yung balak ko kaninang yakapin sya hanggang sa dalawin ako ng antok,nabago na. Change plan kumbaga.
Baka kasi kapag niyakap ko sya, meron akong matamaan. if you know what i mean.

Hinalikan ko nalang sya sa noo bago tinalikuran.

Magkatalikod tuloy kaming nahiga.

Pumikit ako at nagbilang ng tumatalong tupa sa isip pero bigla akong niyakap nung tupa.
Este ni Louisa pala kaya napabalikwas ako ng gising.
Umikot ako para harapin sya at napagtanto kong tulog na sya.

"Grrrrrkkkkkhhhh"

Kumunot ang noo ko.
Sya ba yun?

"Hmmmm grrrrrrkkkkhhhhh"

Lumawak ang ngiti ko.
Haha. Sya nga. Naghihilik ang girlfriend ko. Haha.

Sumiksik pa sya saakin at hindi ko na ininda yung dibdib nyang tumatama na. Hinalikan ko sya sa labi pero hindi sya nagising.

"Grrrrrkkkkkhhhhh"
Dama ko yung mainit nyang hininga na tumatama sa labi ko.

"Mahal na mahal kita." hinawakan ko yung mukha nya. "Hinding hindi na kita pakakawalan ha."

I fell asleep with a genuine smile on my lips.

Nagising nalang ako dahil sa likot nyang matulog. Kumikirot pa ang pwetan ko mula sa pagkakahulog. Bakit ba naman kasi nya ko sinipa?

"Oh my gosh. Sorry!!" Nagising din yata sya dahil sa lakas nung galabog ng puwet ko.

"Ok lang babe" sagot ko habang hinihilot ito.
Inalalayan nya kong bumalik sa kama at niyakap nya ko ng mahigpit.

Kung alam ko lang na may yakap na kapalit, edi sana paulit ulit akong nagpahulog. Try ko ding unahin ang nguso, baka maging halik sa halip na yakap. Hehehe.

"Alas onse na pala." Gulat na sambit ko nung makita ang orasan sa pader. Tinignan din nya ito bago dahan dahang bumangon.
"We still have a party to attend babe" hinarap ko sya. Hinawi ang mga takas na buhok sa mukha nya. "Come on. We have to move"

Ngumiti sya at tumango.
Nahawa naman ako sa ngiti nya at syempre, naakit na din kaya dinampi ko ang labi ko sa kanya.

"Good morning nga pala" nakangiting bati ko.

"Hmmm Good morning".

Another relationship goal's achieved. Ang matulog at magising katabi ang pinakamamahal mo. Nung nakiki sleep over kasi ako noon sa dorm nya, sa kama ako ni Jin humihiga. Haaaay.

Kumain kami at nag ayos bago ko sya hinatid sa dorm nila.
I told her to ready her clothes para sa party mamaya at susunduin ko na lamang sya.

When the clock strikes 5, umalis na kami.
Hinayaan ko muna syang magpalit ng dress sa loob ng kotse ko bago kami lumabas ng Academy at nagstop over na din kami sa mall para makapag make up sya.

When she entered Adonis Academy (complete)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu