Chapter 38

24 2 0
                                    

"CHIKADING, chikading, chikading. Ano po, ano po? Ang cute, cute naman ng mga pamangkin ko! Kiss tita Annie! Kiss,  kiss!"

"Kung naiinggit ka, Annie. Halika. Gawa na tayo. Tapos papakasalan kita bukas."

Wala sa oras na napalo ko si Luke. "Bwi---nakakainis ka talaga. Lumayas-layas ka nga muna rito. Baka magbago pa isip ko at hindi ako sumipot sa kasal natin bukas, sige! Maghihintay ka sa altar tapos magiging runaway bride ako---"

"Fine, fine. Aalis na, aalis na, ma'am. Eto na. Mawawala na ako sa paningin mo." He raised his hands as if surrendering and rose up from the bed. Tumalikod na siya pero biglang lumingon. "But let me play with the twins as well mamaya. Okay?"

"Fine. Sa akin na muna ngayon ang mga pamangkin ko." I rolled my eyes and then went back to my niece and nephew. "Achuchuchu, ang cute-cute naman ng mga babies na ito! Ang tataba ng cheeks niyo, cutie! Puwera usog pala."

"Ugh! This baby fever is killing me, Annie!" Natawa ako sa sigaw na iyon ni Luke habang papalabas ng kuwarto.

Apollo and Nadia's twins are very cute and charismatic. Hindi maitatanggi ang pangmalakasan nilang face card. Their first child is Adonis Naveen, a healthy and handsome baby boy. And then, the second is my pretty lady, Athena Vanessa. Dalawang minuto ang pagitan nila. Ang astig din dahil parang nag carbon copy lang ang dalawa.

Pareho silang may hawig sa mga magulang nila. Parang makikita mo si Apollo at Nadia sa kanilang dalawa. Pero may lumalamang. Adonis is like the male version of Nadia. And Athena is like the female version of my brother. Namana ng dalawa ang mata ng ama nila.

"Hungry na ba kayo?" I gently shook their cute, fluffy arms. And then I softly kissed their foreheads. "Nagpapahinga lang si mommy ninyo, okay? Gigising din siya mamaya tapos mag-mimim na kayo."

Both sucked their thumbs. Nakatitig lang sa akin si Athena habang bahagyang kumukulit ang lalaki kong pamangkin.

"You are so pogiii and gandaaa..." I kissed their tummies. "Pati ako nababaliw na sa baby fever."

Natigilan ako nang bumukas ang pintuan. Bumaling ako roon at nakita ang pumupungas na si Nadia. Kakagising pa lang nito.

"Ate, thank you. Gutom na ba sila?"

"I think? Dito ka na oh." Lumipat ako sa kabilang parte ng kama. Then I watched Nadia sat at the other side. Mahahalata ang pagod sa mga mata niya pero awtomatikong nagliwanag ang mga mata niya nang makita ang mga anak.

Napangiti ako habang pinagmamasdan sila.

Look, Apollo. Your family. They're doing good, right? Malakas ang asawa mo. Pati ang mga anak mo. Hindi mo kailangan mag-alala. Magiging maayos sila. Makakaya namin ito.

It's been one year. Isang taon pa lang. Labing-dalawang buwan simula nang matapos ang giyera. Mapayapa na at tapos na ang laban. Everyone settled down. Ni hindi tumigil ang pag-ikot ng mundo. But ours did. Especially Nadia's. Sa tuwing inaalala ko ang mga nangyari, naiiyak ako.

"Tawagin mo na ang doktor, Luke! Tawagin mo na! Manganganak na si Nadia! She's in so much pain, go!"

Kumaripas ng takbo si Luke. Papunta na kami sa ospital. Pumutok na ang panubigan ni Nadia at umiiyak na ito dahil sa matinding sakit. She's in labor and we have to hurry. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko habang mabibigat ang bawat paghinga.

Butil-butil ng pawis ang tumutulo sa noo niya, kasabay ng mga luha.

But then she sobbed heavily.

"Malapit na tayo. Malapit na. I know, sobrang sakit---"

"Si Valente, ate. Ang asawa ko..."

BulletWhere stories live. Discover now