Chapter 12

18 3 0
                                    

"UMALIS ka! Hindi pa ako nakakapalit ng pajamas ko!" Naisipa ko ang mga paa sa ere habang pilit na tinatanggal ang mabigat niyang braso sa akin. It's wrapped around me and he's burying his face on my shoulder. "Val! Val, uy! Umalis ka muna!"

"Shhh. Sleep now." His voice, now hoarse, whispered.

"Ang init-init ng damit ko! Alisin mo muna ang braso mo at umalis ka na nga! You shouldn't even be here, this is not your quarters, lieutenant colonel. This is my room and you're invading my privacy AGAIN!" Halos makurot ko na ang tagiliran niya para lang umalis. Pero hindi ko magawa.

He's all over me. Kalaki niyang tao tapos nakayakap pa sa akin!

"Okay." Nagulat ako sa sagot niya at nakapikit itong bumangon. He sat while his eyes are closed. "I'll wait for you---"

"No. No, no." Bumangon na rin ako at inalis ang kumot sa akin. Umalis ako sa kama at tumayo sa harapan niya. "Inaantok ka na. Pagod ka, kaya please, bumalik ka na sa kuwarto mo, Valente. Mas magiging komportable ka roon. At mapapagalitan tayo. Please."

His eyes slightly opened as he softly sighed. "Aalis ako kapag nakabihis ka na."

Napasimangot na lang ako roon ngunit padabog na binuksan ang cabinet at kumuha ng pantulog doon. I opened the bathroom, took a last glance of him, and then closed the door. I locked the doorknob and stared myself at the mirror.

"Huwag marupok. Huwag marupok, Nadia." I'm just mouthing those words because I'm scared he'll hear me. Napakatalas pa naman ng pandinig ng lalaking iyon. "Push him away and make him go back to his room."

Nagbihis na ako at sinadya kong tagalan sa loob. Baka sakaling mainip siya at maisipang umalis na sa kuwarto ko. I'm just praying that if he did, no one will see him that he came out of my room. Baka kung anong isipin ng mga tao! Baka ma-cancel ako! Baka isipin nila na malandi ako!

Diyos ko. Tulungan niyo po ako.

2 hours had passed. At humihikab na ako. Masyado na akong naiinip pero wala pa rin akong naririnig na bumukas na pintuan. Ibig sabihin ay nakaupo pa rin siya roon, at baka nakatulog na.

Susuko na sana ako pero nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pagbukas ng pintuan. The sound of it sliding and closing again brought relief to my heart. Pinatagal ko muna ng isang minuto bago ako nagmamadaling lumabas sa banyo.

At kahit nakahinga na ako nang maluwag ay napabuntong-hininga pa rin ako nang makitang wala na siya. He left and to think that he was drunk tonight, maybe he'll forget everything after he wakes up tomorrow.

Inayos ko ang nakusot na bedsheet. The smell of liquor and his perfume mixed and lingered around the corners of my room. Amoy na amoy ko. Kahit sa kumot ko ngayon. Labag man sa kalooban ko pero ayokong pag-isipan ako ni Justine bukas kapag pumunta siya rito.

So I took my Johnson cologne and sprinkled some on my bedsheet and on myself. Pagkatapos ay humiga na ako at nagkumot. I snuggled on my pillow comfortably and I smelled his shampoo on it. Ngumiti na lang ako sa sarili ko at hindi na iyon binuhusan pa ng Johnson cologne.

Mabilis akong nakatulog habang yakap-yakap ang unan na iyon. I just shut down completely. Pero hindi dire-diresto ang tulog ko dahil naalimpungatan ako nang may gumagalaw sa tabi ko. At mas mainit na ngayon ang paligid kumpara kanina.

I groaned and changed my position. Tumalikod ako habang yakap-yakap pa rin ang unan.

Antok na antok ako pero halos tumakas ang kaluluwa ko sa katawan nang maramdaman ko ang pagpulupot ng isang braso sa beywang ko. Ang unang pumasok sa isip ko, bangungot at minumulto na ako. But when I felt his warm breath over my nape---I knew it was him!

BulletWhere stories live. Discover now