Chapter 2

26 3 0
                                    

DIYOS ko. Anong pinasok ko? Lord, tell me, are these really all meant to happen to me? Ano pong magiging karakter ko sa nangyayaring kaguluhan na ito? Tell me, Lord. Bakit kailangan kong madamay? Bakit nandito na ako? Mas magiging masaya ba ako rito? Dito ba ako mamamatay? O baka dito ko makikilala ang mapapangasawa ko?

Please lang. Mababaliw na ako.

Why did I even allow these to happen in the first place? Stupid Nadia!

I hugged one of the pillows and screamed there. Pinagsisisipa ko ang kama habang nagpapagulong-gulong sa inis. I want to scream! Ngayon lang rumehistro sa akin lahat! That my life will never be normal anymore!

Napapikit ako at tumigil. I opened my eyes then stared at the ceiling. Huminga ako nang malalim at malakas na bumuntong-hininga. "Lord, mamaya po, kapag nakatulog na ako, sana mapanaginipan ko ang sagot Mo sa tanong ko. Okay po? Salamat. Maraming salamat."

I nodded to myself in confidence. Lord never failed me. Kahit hindi direktang natutupad ang mga ipinagdadasal ko, nagiging masaya pa rin ako. I am still walking the path I know I will be happy and contented. Pero ngayon, hindi na ako sigurado.

Kaya nagdadasal ako nang matindi.

Ilang oras na ang nakalipas pagkatapos kong dumating dito sa headquarters ng Task Force 157. Naiayos ko na rin ang mga gamit ko. I even checked out the bathroom and it was nice. Nakaligo na ako, nakapagbihis.

I even read one chapter of my favorite book. I ate a little. I peeked outside and greeted a soldier. Marami na akong nagawa pero hindi pa rin ako mapalagay.

This is so wrong. Ang bilis kong pumayag, tapos nandito na ako agad. Lutang talaga ako kanina. Natataranta. Natatakot para sa kaligtasan ko. Kaya sumama ako.

But now, I realized I can't go back to being a normal teacher. Ayoko namang umalis at puntahan ang mga estudyante ko dahil mapanganib. Baka kilala na ako ng mga kalaban at sundan ako. Ikakamatay ko kung madamay ang mga bata dahil sa kapabayaan at kabobohan ko.

So there is no choice but to stay here.

Mabilis akong napabangon nang may narinig akong parang doorbell sa may pintuan. Pagkatapos ay sinundan iyon ng boses ng isang babae---hapunan ko raw.

I looked at the wall clock and it is exactly 7 in the evening.

"Salamat po!" Pasasalamat ko kahit hindi ko alam kung nandiyan pa ba ang naghatid ng pagkain o umalis na. Even so, I did not get a reply anymore. Basta nagpasalamat na ako, iyon na iyon.

Binuksan ko ang pintuan ngunit nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa akin ang isang babae. She has this rolling tray and there's my food. May sabaw, isda, kanin, at isang baso ng tubig.

I smiled. "Thank you po." I took the tray and she helped me. "Thanks ulit."

"Bago ka rito." Malumanay na sambit niya pagkatapos ilapag sa kama ko ang tray ng pagkain. I saw how she wiped her hands on her shirt. "Ako po pala si Justine. One of the utility people here. Masanay na po kayo sa mukha ko dahil parang ako ang maghahatid ng pagkain sa inyo araw-araw."

I chuckled and took her hand. We shook hands and she looked at that. "Nice to meet you, Justine. I'm Nadia. Baka nagtataka ka kung bakit ako nandito. But I'm here because they just took me in. For protection, I believe."

Yumuko siya na tila bumabati katulad ng isang Hapon or Koreano. "Opo. Alam ng lahat. Grabe. May asawa na po pala si Colonel Santiago. Napakaganda niyo po at napakabait. Sa totoo lang po, ma'am Nadia, kinakabahan ako sa inyo kanina noong makita ko kayo. Akala ko po ay masungit kayo! Pero ngayong nakita ko na po kayo ng malapitan, hindi pala---"

BulletWhere stories live. Discover now