Chapter 25

22 2 0
                                    

"LIEUTENANT Zamora is awake! Gising na siya! Gising na siya, lieutenant!"

Kapwa kami napalingon ni Valente sa sundalong sumigaw no'n at pagkatapos ay tumakbo rin naman paalis. We're currently here in the gym. Gusto kasing magpapawis ni Valente kaya sumusuntok siya ngayon sa punching bag. He's not moving a lot, though. Because of his cemented shin.

"Val, bisitahin natin si Ulysses." I told him as I handed him his bottled water. Pinunasan ko rin ang pawisan niyang mukha. "Ito iyong pampalit mo. Magbihis ka. Baka matuyuan ka ng pawis."

"Yes, ma'am." He just said and took his white shirt. Pinunasan ko pa ang likod niya at pagkatapos ay inabot ko ang ulo niya para punasan ang buhok niya. Para siyang bagong-ligo dahil sa pawis niya ngayon. Basang-basa ang buhok.

Nang makapagbihis ay umalis na kami sa gym. I followed him as he led the way towards the room where Ulysses is. Doon siya nagpapagaling at base sa sinabi ng sundalo kanina, ay nagising na raw ang lalaki. Nakahinga ako roon nang maluwag. Salamat sa Diyos at gising na rin siya.

Valente knocked on the wooden door.

"Come in." Boses iyon ni Ulysses. Gising na nga siya!

I twisted the doorknob and the door creaked as I slowly opened it. Agad na nagsalubong ang mga mata namin at ngumiti ako nang makita siya. Ulysses, on the other hand, was shock upon seeing us both. Nanlaki ang mga mata niya at nakita ko ang pagbuka ng kaniyang bibig.

"Lieutenant Zamora." Valente greeted. "Glad you're awake now. Aurora wants to visit you the moment we learned about that."

"Mabuti at gising ka na. You're safe, Uly." Nakangiting sabi ko sa kaniya.

Tila bugbog-sarado siya, aaminin ko. May suwerong nakaturok sa kaniya at nakasuot din siya ng hospital gown. He has these several bruises in his cheek and in his arms. Pero nagpapasalamat ako na tanging suwero na lang ang nakakabit sa kaniya at hindi na kung ano pa mang makina.

"T-thank you, lieutenant. Thank you, Nadj." He said, slightly stuttering. Parang nahihiya siya. "Nag-abala pa kayo. Makakalabas naman na ako eh. Naghahanda na nga ako. Gusto ko nang maligo. How long did I pass out?"

Valente scoffed and laughed. "Pass out? Lieutenant, it's not that you just simply pass out. You've been lying unconscious for almost 4 days. Kung hindi ka pa nagising ng isang linggo, ay comatosed ka na yata. Good thing you're awake now. Martin can stop worrying about you."

Natawa si Ulysses. "Mahal na mahal talaga ako ni Kion. Hah!"

"Appears so." Ngumisi si Valente.

We fell silent for about 2 minutes. Then I saw how Ulysses' expression changed into a more serious one. "Lieutenant, kumusta pala si Sergeant Almarez? Is she here? Is she okay? Sinabi kong umalis na siya pero binalikan niya pa rin ako."

"Almarez is okay. She just broke her arm but it's okay now. Nakakalakad pa rin iyong tao. Hindi katulad mo na natamaan na naman ng bala, na malapit pa sa puso. You're very bad at dodging bullets, I gotta say." Naging seryoso na rin si Valente kahit pa nagbiro siya nang kaunti sa huli.

"Maupo muna kayo." Sabi niya.

Umupo naman ako sa sofa at inalalayan kong makaupo sa tabi ko si Valente.

"I apologized, sir, for failing to be an aid during the escape. Hinahanap ko sana ang ang iba pa, sina Justine dahil may dalawa pang truck na nakaligtas. Pero hindi ko na nagawa dahil dumating na ang mga taga-Guerilla. I saw Almarez, that time, she was caught, tried to fight but failed. I also tried to shoot of them using my pistol but guess what, lieutenant?"

"What?"

"My pistol was broken."

Napakunot ang noo ko. "Paano naman nangyari iyon?"

BulletWhere stories live. Discover now