Chapter 20

18 2 0
                                    

NAGING mahimbing ang tulog ko pero maaga akong nagising. When the events yesterday night snapped inside my head, I was quickly woken up. Nayakap ko pa ang sarili ko at tila namimilipit dahil pakiramdam ko ay may nagrarambulan sa loob ng sikmura ko. And I quickly felt the rush of my blood, the fast heartbeats, everything.

Valente.

Wala sa sariling hinawakan ko ang labi.

Diyos ko.

Maghunos-dili ka, Nadia Valencia!

Mabilis akong bumangon at inayos ang kama. I took my towel, my clothes, my toothbrush and toothpaste, and then I went outside of my room. Maingat kong binuksan ang pintuan, dahil baka nasa labas siya. Pero nang makita ko na wala naman ay dire-diresto ako sa banyo.

But I stopped. Bumalik ako. Sa tapat ng kuwarto ni Justine.

Nakabukas na ang pintuan nito. Ibig sabihin ay lumabas na siya!

Mabilis akong naglakad papunta sa banyo para makapag-ayos at makalabas na. Unang-una, gusto ko makita si Valente. At gusto ko na rin makausap si Justine. Buong araw siyang hindi lumabas kahapon---sandali. Hala! Halos buong araw rin akong natulog kahapon! Nalipasan ako ng gutom kahapon!

Kakatapos ko pa lang magsipilyo nang biglang bumukas ang isang cubicle. Linuwa no'n si Almarez.

Hindi ko na siya tiningnan pa at pumasok na sa isa pang shower room. Naghubad na ako at itinira ang underwear ko. I opened the cold shower and I hugged myself because the water is too cold for today. Pero nasanay na ako kalaunan. I washed my body and my hair, and after that, wore my white shirt and khaki pedal.

Paglabas ko ay tahimik akong nagpasalamat nang wala na si Almarez. If she's still mad at me, then I have no time for her today. Ayokong masira ngayon ang araw ko.

"Justine!" I called her and she turned around. Katabi niya ngayon si Ulysses at parehas silang napalingon sa akin. "Lumabas ka rin sa wakas! Ayos ka na? May masakit ba sa iyo? Tinatawag kita kahapon pa pero nakasara ang pintuan mo."

She smiled and held my hand. "I'm sorry, beh. Gusto ko lang talaga mapag-isa kanina. Hindi ko pa rin matanggap ang nangyari kay ate Hana. Parang nag-iisip na nga ako ng revenge plan eh." She laughed loudly.

I sighed. "We will be fine, Jus." Mahigpit ko siyang yinakap. "Sisiguraduhin natin na mahuhuli ang mga traydor na gumawa nito kay ate Hana. At magbabayad sila sa lahat ng mga ginawa at gagawin nila. Pinapangako ko iyon. Hindi ba, Uly?"

"Yes, Justine. We will. Just like I told you earlier." Pagsang-ayon ni Ulysses. Pagkatapos ay bumaling sa akin. "Are you okay now? Sorry. Hindi na kita nabalikan kahapon. Nakatoka na kasi ako, pinalitan ko si Almarez. Are you feeling fine now? You seem happy, that's good to see."

Ngumiti ako at bumitaw na kay Justine. I know I am grinning. Kaya binigyan ko sila ng thumbs up. "Okay na okay! No need to worry. Thanks."

Tumango roon si Ulysses at mas napangiti rin. "That's more like it. Kaysa naman kahapon na umiiyak ka. Hindi ko talaga alam ang gagawin. Nakakatakot kapag may nakikita akong umiiyak. I'm not good in comforting people. Pakiramdam ko ay inaway ko sila."

Mahina akong natawa. "It's okay, Uly. Nakapagpahinga naman ako."

"Wait," Pinaharap ako ni Justine sa kaniya. "Umiiyak ka kahapon? Ha? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak? May umaway ba sa iyo? Si Sergeant Almarez ba? Pinagsalitaan ka na naman ba no'n? What happened, beh?"

I shook my head. "It's fine. Naiyak lang. But it's really fine now, I swear. Nagkabati na kami ng umaway sa akin."

She gasped. "So may umaway nga sa iyo?!"

BulletWhere stories live. Discover now