Chapter 16

18 1 0
                                    

DALAWANG buwan silang mawawala. Dalawang buwan na rin akong naghihintay. It seems long, but days pass by like a swift breeze of the wind. Dapat ganoon, pero para sa akin, sa tuwing iniisip ko si Valente, napakabagal ng panahon. Napakabagal na nababagot na ako.

"Natanggal na ang suwero ko. Can't I just sit on that wheelchair? Tapos ilabas mo na ako rito?" Nakapikit kong sabi kay Justine. I opened my eyes then groaned. "It's almost 3 weeks, Justine. Kaunti na lang at mag-iisang buwan na ako rito. Peklat na ang tahi ko pero hindi pa rin ako nakakalabas."

"Huwag ka ngang makulit! Makakalabas ka na rin, soon. Malapit na. Huwag kang atat. May one month ka pang hihintayin." She sounded so stress because of me.

Napangiti naman ako roon. Ilang beses na bang sumakit ang ulo ni Justine dahil sa akin? Palibhasa palagi kong kinukulit. It's either about Valente's arrival or my freedom from this white room. Na-i-stress na siya sa akin dahil kahit ang isa sa dalawang bagay na iyon ay hindi pa nangyayari.

Kumusta na kaya siya?

I hope he's fine and doing well.

Sana maging matagumpay ang misyon nila para makauwi na sila agad.

Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga niya. Pagkatapos ay bumaling sa akin. "Ano ba't grabe ang paghihintay mo kay lieutenant? Akala ko ba move on ka na? Bakit hinihintay mo pa? Sinasabi ko sa'yo, Nadj, inlababo ka na!"

I just smiled and shook my head.

"HOY, babae! Huwag mo akong ilingan diyan! Halos sampung buwan ka ng ganiyan! Akala mo hindi ko naririnig iyang mga mahihina mong dasal na sana bumalik na agad si lieutenant at sana palagi siyang safe? Aysus. Kung hindi mo siya mahal, edi sana, matagal mo nang gusto si Lieutenant Zamora!"

Gusto ko siyang batuhin ng unan. "Sabihin mo iyan pagkatapos ng isang taon, okay? But I really, really care about Valente. Gusto ko na siyang bumalik."

She gave me a teasing smile. "Sige, ha? Pagkatapos ng isang taon. Huwag mong sasabihin na kapag hindi ka pa naka-move on ng isang taon, ay gusto mo lang si lieutenant! In love ka na nga kasi! In love na!"

Napatakip ako sa tenga ko. "Nakakarindi ka! Ano bang alam mo sa love?"

"Hoy, babaita! In love ako! Nagmamahal ako ngayon! At minamahal din ako."

"Hoy ka nang hoy! Ikaw kaya hoy-hoyin ko!"

"Kumain ka na nga lang mansanas!"

Magsasalita pa sana ako pero bigla niyang pinasakan ang bibig ko ng malaking mansanas. I glared at her but she just put out her tongue and said 'bleh'. Nakakawala talaga ng pasensiya ang babaeng ito. Mabuti na lang at kaibigan ko siya, kundi naihulog ko na ito sa gusali.

Kinuha ko ang mansanas at kinagatan iyon. I heard the crunch as I munched the apple and tasted its sweet juice. Humaba ang buhok ko nang kaunti at pakiramdam ko ay ang baho-baho ko na. Not that I didn't take a bath ever, but I wasn't able to take a bath everyday.

"Oh? Natulala ka na naman diyan."

I chuckled. "May iniisip lang."

"Si lieutenant? Sana iniisip ka rin no'n."

Napayuko ako roon at maliit na lang na napangiti. Is he thinking about me too?

"Oh! Overthink na si ateng mo. Ubusin mo na nga lang iyang mansanas mo para healthy ka. An apple a day keeps the doctor away, diba?"

Mahina akong tumawa. "Right."

One month had passed, and finally, I was able to walk out of my room. Malakas na ako at hindi na rin masakit ang sugat ko. Pero lilinisan pa rin ang mga ito kada dalawang linggo. Masaya akong nakabalik na ako sa kuwarto ko, at pakiramdam ko ay bumabalik na sa dati ang lahat.

BulletWhere stories live. Discover now