Chapter 11

16 1 0
                                    

NATAPOS ang araw na pati ako iniiwasan na rin siya. I didn't even drink milk for that day. Itinulog ko na lang kahit sanay ako. And that night as well, I cried in fear and frustration. Sinimulan ko nang kuwestyunin kung 50% lang nga ba ang nararamdaman ko. Nakakatakot kasi baka...100% na pala.

But in a span of 9 months? Impossible. Don't think about it, Nadia. Ayaw niya sa iyon, ayaw mo sa kaniya. At hinding-hindi magiging kayo. Mananalo siya sa pustahan ninyo.

"Ate, are you okay?" Ayannie worriedly asked me.

Mabilis naman akong ngumiti at tumango. "Oo naman! Okay na okay si ate. Why wouldn't I be, baby?"

"You look sad kasi eh." She pouted.

Hindi ako nakasagot doon at hinaplos na lang ang buhok niya. "Just fix your things, okay? Anytime now dadating na si kapitan. Magte-training na kayo. Kaya ayusin niyo na ang mga gamit ninyo para ready na kayo sa pag-alis."

"Okay, ate." She said and kissed my cheek.

"Thanks." Naibulong ko na lamang.

These kids cheer me up as well. Kung hindi dahil sa kanila, hindi magiging maganda ang pagtira ko rito sa HQ. Mabuti na lang at pinayagan ako na mag-alaga sa kanila. My life became tolerable here.

"Nadj!" Biglang bumuka ang pintuan at nagtatakbong pumunta sa akin si Justine. Tumitili pa ito kaya ang unang hula ko ay may nangyari na namang nakakakilig sa kanila ni Benji. "Nadj! Nadj! Prepare yourself! Pinayagan tayong makalabas! Pinayagan tayong makalabas!"

"What?" Doon nakuha ang atensyon ko. "Bakit tayo papalabasin? Hindi ba mapanganib?"

"No. Hindi tayo sa unahan. Sa likuran lang." She said and shrieked.

"How about us, ate Tin?" Biglang tanong ni Liam. "Makakalabas din ba kami likr you?"

"Oo. Pero next year pa raw." Justine laughed nervously. "Papagalitan kami ng papa mo kapag pinalabas namin kayo. Gusto mo ba yon? Magalit ang papa mo? Nakakatakot kaya si heneral kapag nagalit. Parang halimaw na kakainin ka ng buhay."

Liam just shrugged and went back to playing. Mukhang hindi naman takot sa papa niya ang bata.

Napangiwi ako roon. "Kailan ba lalabas? Anong oras? And what for?"

"Una, ngayon na lalabas. Ngayon na talaga. At pinalabas tayo para makalanghap tayo ng hangin. Ilang buwan na kaya tayo rito sa labas. Ni hindi man lang tayo nakakatanggap ng init ng araw. Tsaka ang ganda ngayon ng panahon!"

Napailing na lang ako sa pagkasabik niya. But I nodded. "Okay. Pero hihintayin ko munang dumating si Neon para sure na may magbabantay na sa mga bata."

"Oki! Hintayin kita."

Ilang minuto lang naman kaming naghintay at dumating na si Neon. As usual, he greeted the children cheerfully especially his kid. At nagpaalam na rin kami sa kaniya. He wished us safety and enjoyment. Pero bago iyon ay may itinanong siya sa akin.

"Okay ka lang ba? Iyong tungkol sa kahapon, sinundan mo si lieutenant colonel, diba? Bad mood siya eh. Wala namang nangyari sa iyo, diba? Hindi ka naman nasaktan?" Worry is evident in his face.

Napatingin din sa amin si Justine.

I faked a smile. "Oo naman. Grabe ka naman kay Val. Hindi naman nananakit iyon. Tsaka mabilis lang ako kasi may gagawin pa ako sa kusina. Hindi naman pala siya galit sa akin."

"Okay..." Parang ayaw niya pa akong pakawalan at hindi pa siya kumbinsido pero napatingin siya sa mga bata. Then he smiled. "Okay. Take care and enjoy! Maganda talaga ang panahon ngayon. Kids, say bye to your ates na!"

BulletWhere stories live. Discover now