Chapter 31

25 1 0
                                    

IT was already nighttime. Gabi na. Ala siete na sa gabi. And I'm here, at the canteen, with Justine and Liana. Tahimik akong kumakain habang sila ay paminsan-minsang nag-uusap. They felt and understood my silence. Nagpapasalamat ako na hindi nila ako ginugulo.

"Eat more. Para mas mabusog si baby, hehe." Liana pushed my plate nearer to me. Napatingin naman ako roon. "Alam mo bang kapag sad ang mommy, sad din ang baby? Gusto mo sad ang baby mo?"

"Hindi ko rin naman mapilit ang sarili ko na maging masaya, Liana. My child would grow fake, I don't want that." Mahinang sabi ko sa kaniya.

Justine tapped my shoulder. "Alam ni lieutenant na galit ka. Kaya hindi makalapit. Kausapin mo na kaya? Aalis na sila bukas. Baka magsisi ka na hindi mo siya kinausap at pinatawad, beh. Pero kung hindi ka pa talaga handa, huwag muna. Huwag mong pilitin ang sarili mo."

I just sighed as I finished my food. Hindi kalaunan ay napagpasyahan ko na lang na mauna na sa kuwarto ko kaya nagpaalam na lang ako kina Liana at Justine.

Gusto pa sana nila akong ihatid pero tumanggi na ako.

I was silently walking on the hallway, passing by soldiers who are marching with their heavy boots and rifles. Naghahanda na talaga sila sa pag-alis bukas. Malapit na sana ako sa kuwarto nang tumigil ako sa paglalakad. I closed my fists.

I turned around then changed my course. Alam kong nagalit ako kay Valente, pero may gusto pa rin akong gawin. That's why I'm here in front of the General's office, knocked thrice, and wait for his response.

"Come in."

Binuksan ko ang pintuan at sinarado iyon. Nang tahimik pa rin ako ay tumingala na siya at nakita ko ang bahagyang panlalaki ng mga mata niya nang makita ako.

"Nadia? Hija? Why are you here? What do you need? Si Apollo ba hinahanap mo? I think he's---"

"I'm begging you, General," Napayuko ako habang nakakuyom ang mga kamao. "K-kailangan na po ba talagang umalis ni Apollo bukas? Kailangan na po ba talagang bukas na agad? Can you please make him stay a little bit longer? With me? Alam kong makasarili ang hinihingi ko, pero hindi po ba puwede?"

"Hija, you should rest. You're pregnant." He said, instead of answering me. "You need enough sleep to be healthy. Kung magpupuyat ka, masama iyan para sa anak mo."

"General, please." Nakagat ko ang labi dahil naiiyak na naman ako. "Apollo left me. Galit din po ba siya sa akin?"

"I know Apollo did what he had to do. And that boy? Nadia, you know how much he cares for you. Hinding-hindi iyon magagalit sa iyo. Please. Rest. Bumalik ka na sa kuwarto mo at magpahinga ka na. The soldiers outside will escort you back to your room. Sige na."

Napailing ako. "Please, general. Tell me. Ano po ba talagang nangyayari?"

"He already set the stone, hija," Naging malungkot ang mga mata niya. "Apollo proposed this plan and we all agreed. Kung hindi siya papayag, wala rin akong magagawa dahil ito ang kailangan naming gawin. He wants to find the Guerilla camp and end them all. He wants to put an end to this fight."

"S-siya po ang may gustong umalis?"

"Yes."

That broke my heart. Napayuko na lang ako ulit at napatango kahit masakit. "Sige po. S-salamat, General Torres. Salamat po. Tama po kayo. Kailangan ko nang magpahinga. Babalik na po ako sa kuwarto ko."

"The soldiers outside will escort you."

"No need po. Okay lang po ako. Sige po."

Bagsak ang mga balikat na umalis ako sa opisina ng heneral. Habang nakayuko, naglalakad, pinupunasan ko pa ang luha kong tuloy-tuloy sa pagtulo. Nadaanan ko pa si Lieutenant Martin at tinanong niya pa kung ayos lang ako pero nginitian ko lang siya. Pinilit kong tumango kahit hindi naman talaga.

BulletWhere stories live. Discover now