Chapter 9

18 1 0
                                    

OPLAN: Iwasan forever si Valente hanggang sa makaalis dito sa headquarters at bumalik muli sa normal ang lahat.

"Ugh." I groaned as I put my toothbrush back to the plastic cup. Hinugasan ko ang bunganga at mabilis na naghilamos. Then, I stared at my reflection. Halos kilabutan ako nang mapansing nakatulala lang pala ako sa pulang pula na labi ko ngayon.

"Paano na ako nito ngayon? Paano na ako makakalabas? Paano ko na siya makakausap nang matino? Paano ko siya maiiwasan forever?" Parang baliw na tanong ko sa sarili.

Hindi ko na maalala kung paano ako nakabalik sa kuwarto ko. Argh! Napakalandi ng lalaking iyon! At napakayabang pala! May kapal pa siya ng mukha na ihatid ako sa kuwarto ko at siya pa ang nagsara ng ilaw.

"Ang laki na ng eyebags ko." Ang kinalabasan, hindi ako nakatulog buong magdamag. Siguro kaunti lang pero hindi tuloy-tuloy.

That kiss occupied my thoughts all night long!

Hindi. Those kisses pala!

Nakadalawa ang gago!

Profanities became my breakfast that day. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko pagkatapos maligo. Dahil ibig lang sabihin no'n ay kailangan ko nang lumabas. Plano ko nga sanang magkulong lang sa kuwarto buong araw, pero baka magtaka siya at bigla akong bisitahin dito.

Kaya plano ko na lang puntahan ang mga bata. He doesn't like children, he won't go there for sure.

"Hello, ate Aurora!"

I shrieked and pinched Ayannie's cute cheek. When she finished giving me a good morning kiss, she pulled me towards a chair.

"Guess what, ate? Hindi na si ma'am Sergeant ang magte-train sa amin!" She said, excitedly.

"Wow." Napatango-tango ako. "Edi sino na pala ang magte-train sa inyo?"

"Si kapitan!"

"Kapitan? Sino si kapitan?"

She giggled. "Kasama niya rin si kuya Ulysses kaya happy kami! Kasi hindi na si ma'am Sergeant ang magte-train sa amin. Scary siya, ate. Nakailang beses na ngang nag-cry si Deon dahil sa kaniya."

Nakahinga ako nang maluwag sa ibinalita ng bata. Kahit papaano ay mapagkakatiwalaan na ang hahawak sa kanila. The only thing though is I still haven't met this kapitan Ayannie is talking about. But maybe he or she is nice. Mukhang masaya naman si Ayannie nang ikuwento iyon sa akin.

Ako na muna ang nag-alaga sa mga bata. We took hours and hours just playing together. And then I prepared their lunch.

Noong una ay kinakabahan ako. Dahil baka bigla na lang siyang sumulpot at maaalala ko na naman ang nangyari kagabi. Pero kalahati na ng araw ang lumipas at hindi man lang ito nagparamdam. Kaya nakahinga na ako nang maluwag.

We are in the middle of a storytelling activity when someone knocked on the door.

"Wait lang, ha? Buksan lang ni ate. Baka si ate Hana niyo yan." Pagpapaalam ko at tumayo.

Binuksan ko ang pintuan at napatitig ako sa taong bumungad sa akin. A tall man in his uniform, with a small smile on his lips greeted me. He has badges as well.

"Hello!" Nagulat ako nang bigla siyang sumilip sa likuran ko at binati ang mga bata na nasa loob.

"Kuya!" Deon screamed in excitement. At namalayan ko na lang na tumakbo siya papunta sa sundalong nasa harapan ko ngayon. Wait, what? He's Deon's brother? How? Ang laki naman ng agwat ng edad nila.

"Good afternoon, ma'am. Sorry for barging in pero gusto ko lang kasi silang bisitahin." He smiled warmly. "After all, bukas na ang simula ng training namin. Gusto ko lang i-check kung kumakain ng gulay ang mga batang ito."

BulletKde žijí příběhy. Začni objevovat