Chapter 29

21 2 0
                                    

NATULALA ako roon. Could it be...

"Hoy! Natulala ka na! Biro lang naman!" Nagising ako sa pagtapik ni Justine sa braso ko. "Baka may nakain ka lang na kakaiba kaya ka nasuka. Baka naghalo. Mamaya niyan, magtatae ka. Nakita kaya kita na uminom ng gatas, tapos nag lemon juice, tapos nag-mansanas. Ano yan, beh? Halo-halo?"

I swallowed the lump on my throat and faked a smile. "Yeah, yeah. Baka. Ayos na ako." Linagpasan ko na sana siya pero bigla niyang hinawakan ang braso ko.

My heart beats faster when I saw her serious expression. "Sa totoo lang, hindi ako nagbibiro, Nadj. Buntis ka ba talaga? Hindi ako magja-judge, puwedeng buntis ka talaga. Napapansin ko nitong mga nakaraang araw, medyo lumalaki ka. Your hips. And nagsusuka ka rin, kadalasan sa umaga."

Napalunok akong muli at huminga nang malalim. I glanced at Valente, who's still unconscious. Then I turned to look back at Justine. Seryoso pa rin siya at tinititigan ako. Hinihintay ang sasabihin ko.

I bit my lower lip. "P-puwede. Pero hindi ako sure. Baka...baka may sakit ako o baka nausog lang ako."

"Kailangan sabihin natin iyan kay Doc Annie. Para mapa-check natin if buntis ka talaga o may iba kang nararamdaman." She said and then sighed. "I know. Natatakot ka. At normal iyon. Pero nandito ako, kami. Nandiyan si lieutenant. Hindi ka namin papabayaan."

I inhaled air then exhaled deeply as I nodded. "O-okay."

Ngumiti siya at sumulyap kay Valente. "Try mong kausapin ulit si lieutenant tapos ibalita mo na buntis ka. Hihi."

"Justine, hindi naman sure."

"Sabihin na kaya natin kay Doc Annie? Para malaman ko rin kung kailan niyo ginawa si baby. Baka noong wala akong malay ah---"

Naputol na agad ang pagsasalita niya nang hampasin ko ang braso niya. "Justine naman eh!"

"Oo na, oo na. Halika. Iwan na muna natin si lieutenant. May nakabantay naman sa labas."

"Mamaya na lang---"

"Halika na, Nadj." Pilit niya kaya wala na akong nagawa kundi ang sumama. We went out of the room for the meantime to go to Doc Annie's office. Kinakabahan ako. Sobra.

I'm scared and happy at the same time. I'm new to this feeling. Like I can't imagine a small, precious life slowly forming inside me. Natatakot ako na baka hindi ko maalagaan ang sarili ko at ang anak ko kung buntis man talaga ako. I'm scared but I feel like crying in happiness because I could be a mother now.

Justine knocked twice.

"Come in."

Binuksan na namin ang pintuan at dahan-dahan kaming sumilip. It was only Doc Annie and Colonel Francisco in the room. And they are looking at us, waiting for us to enter the room. Pinauna ako ni Justine at sumalubong sa akin ang malamig na hangin galing sa airconditioner.

"Hi, Nadj." Bati ni doktora. She's smiling sweetly. "May kailangan ba kayo ni Justine? How's Apollo? Gising na ba siya?"

"May...may..." Justine glanced at me. I nodded. "May sasabihin lang po kami. At kailangan po namin ang tulong ninyo."

"Okay? What is it?" Tumayo si Doc Annie at lumapit sa amin. Habang ang kasintahan niya naman ay nanatiling nanonood sa amin. "Sit first, please. Luke, lipat ka muna. Let them sit there on the sofa."

Walang imik na tumayo si colonel at pinaupo naman kami roon ng doktora. Then she sat beside us. "Ano? What it is you're going to tell me? And how can I be of help? May sakit ba kayo? May kailangan? What is it? Perhaps you need advice or something?"

BulletWhere stories live. Discover now