Chapter 10

20 2 0
                                    

PUSTAHAN---iyan ang gusto niyang mangyari noon. And that I should be here long enough to witness if I lose or if I won the bet. 9 months ago, we officially became friends. It was good, plainly great. Noon, halos mag-iisang buwan pa lang ako at ang dami ng nangyari. Ngayon, halos mag-iisang taon na ako rito sa headquarters.

Routine. My life interestingly became a routine. Maliban kina Justine, Liana, ate Hana, at sa mga bata, naging malapit na rin ako sa mga iba pang utility members, at mga sundalo. Mas lalo kong nakilala si Ulysses, Lieutenant Martin, at Neon. At siyempre, ang friend ko, si Valente.

3 months ago, I was about to leave the headquarters. Makakalabas na sana ako. Kinausap na ako ni General Torres, na siyang ama pala nina Liam at Harry. I talked to him and he reminded me to be always careful. Babantayan pa naman ako ng mga Task Force member at lilipat na rin sana ako ng bahay.

Mangyayari na sana iyon kung hindi lang nagkaroon ng pag-atake sa San Juan. Until now, I'm grieving. There were a lot of victims---some were even kids. At isa sa mga nasawi ay ang kaibigan ko, ang isa sa mga co-teachers ko, si ma'am Grace.

"Aurora..."

I can feel my fingers trembling. Kahit ang labi ko ay nanginginig kaya hindi ako makapagsalita. I can't believe it. Hindi ako naniniwala na wala na si ma'am Grace! No, she can't be dead. They can't be dead!

"S-sigurado ka ba, Val?"

He sighed and I can see pity and sadness in his eyes. I don't need those. Ang kailangan ko ay pruweba na patay na nga sila! Hindi puwedeng nandito ako, ligtas, habang sila ay nadamay at nawala!

"I'm sorry."

"Huwag ka mag-sorry."

"Aurora---"

"Please. Huwag ka mag-sorry." Tuluyan na akong naiyak at napaluhod sa sahig. Paulit-ulit akong umiling. "They were my family, Valente. They treated me as their family. Anong nangyari? Bakit nangyari ito? Ano bang gusto ng mga Guerilla? Gusto ba nila tayong ubusin? They were innocents!"

I grieved and locked myself inside my room for weeks. Ginagamit ko na iyong intercom at hindi ko na rin mabisita ang mga bata. Si Justine ang nagsasabi sa akin noon na palagi raw nila akong hinahanap. Though if it wasn't for Ulysses and Neon, maybe I'm still here, inside my room. Alone.

"Hello!"

I tried a smile. Ang bastos naman kung hindi ko papansinin si Neon. Alam kong nandito siya para pilitin na naman akong lumabas ng kuwarto ko.

"Kasama ko ngayon si Ulysses."

I nodded.

"Nadia," I heard the familiar voice. Ulysses. Diresto ako nitong yinakap. "I promise you. Hindi kami titigil hangga't hindi nahahanap at napaparusahan lahat ng parte ng Guerilla. We will make them pay for killing your family and friends. Ipinapangako ko iyan sa iyo, Nadia. But for now. Please. Don't push as away anymore."

Napapikit ako at napabuntong-hininga.

Doon din kami mas lalong naging malapit ni Ulysses. May nahahalata na ako pero ayokong umasa. I don't want to assume. After all, he's a soldier. Hindi ko gusto ng sundalo. Pero kapag siya, ayos lang?

Nagpagulong-gulong ako sa kama. "Stop. Stop, Nadia. It is another day. Time to pretend. Galingan mo magpanggap, ha? Dapat manalo ka sa pustahan, pero hinding-hindi mo ipupusta ang puso mo, okay? Siyam na buwan ka na rito. Friends lang kayo, please, please."

Maybe it's true. What I have read about psychology. Once, I read about this thing when it comes to confession. That when someone confesses to you that they like or love you---1% of your self will feel the same towards that person.

BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon