Chapter 18

14 2 0
                                    

HINDI ko alam kung ilang segundo na akong nakatulala sa kawalan. Pero hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga nangyayari. How the spy apparently assassinated three soldiers, and how it shot two soldiers on their shoulders, and stabbed a lieutenant. Umatake raw ito sa likod at hindi agad nahuli ni Valente.

"Beh, ayaw akong kausapin ni Hana." Umiiyak na sabi sa akin ni Justine. "Ayaw niya magsalita. Kung hindi siya magsasalita, mas lalong iisipin na guilty nga siya! Na siya ang spy! Pero naniniwala akong hindi siya ang spy ang sinasabi nila!"

Yinakap ko na lang siya at inalo. How cruel this world I entered could be. Hindi naman matatanggi na baka nga si Hana talaga at nagkataon na naging malapit siya sa amin pero masakit pa rin sa amin ni Justine at Liana. Hana was our big sister, she's also the children's big sister.

"Basta! Papatunayan ko na hindi si Hana ang spy! Hindi puwede!" Mas lalong lumakas ang paghikbi ni Justine.

"Nadia, Justine. Halika."

Parehas kaming napatayong dalawa nang bigla na lang magbukas ang pintuan ng kuwarto ko. Humihingal na Neon ang bumungad sa amin. He pointed my things, while still catching his air.

"Bakit?" I asked.

"Need to pack now. We're leaving. The General has put down orders. The civilians will be evacuated from the HQ. The Task Force 122's base will be your temporary home while we are fixing the mess here." Mabilis na pagpapaliwanag niya na halos hindi ko na maintindihan ang iba.

Binigay niya sa akin ang isang malaking duffel bag.

"How about you? The other soldiers? The doctors? The other personnels?" Nagsimula na akong gumalaw at linagay ang mga importanteng gamit ko sa duffel bag. "Are we being ambush now?"

"There's no time to explain but you should move faster. Ipapaliwanag ko na lang mamaya. We'll go with you." Iyon lang at tumakbo na siya paalis. In the hallway, many are also running, swiftly moving for the evacuation.

"Aayusin ko na rin ang mga gamit ko. Magkita na lang tayo mamaya, beh." Paaalam sa akin ni Justine at mahigpit akong yinakap. "Mag-iingat ka. Mag-iingat ka, Nadia. Magkikita tayo mamaya."

I hugged her back with the same tightness. "Of course. Go, Justine. I'll see you later."

Umalis na ang kaibigan ko at naiwan akong mag-isa sa kuwarto. I closed the door for the meantime while fixing my things. Kahit hindi na maayos ang pagkakatupi ng mga damit ko ay ayos lang. Basta linagay ko sa duffel bag lahat. Kahit ang mga retrato ko, iyong mga dati at bago. I also took with my my favorite pillow.

"I'll be back." Mahinang bulong ko sa hangin bago huling pinagmasdan ang kabuoan ng silid ko. Nasanay na rin ako rito. This room became my safe space for two years and a half. And I'll miss this. "I'll be back. Makakabalik pa ako rito. Makakabalik ako."

I snapped back into the reality when someone barged in. Malakas na bumukas ang pintuan ko at isang sundalo iyon na naka-full suit. From the tactical attire up to his mask. Sinenyasan lang ako nito na lumabas na itinuro ang kaliwang direksiyon. I nodded and took my duffel bag.

Nakita ko ang pila ng mga tao.

"Ate Aurora!"

"Ate!"

Lumingon ako at nakita ang mga bata na nakapila rin. They looked so scared as they are being escorted and rounded up. Umiiyak na rin si Deon. Kaya mabilis akong umalis sa pila at linapitan sila.

"Ate!" Sinalubong ako ng yakap ni Deon.

"Ma'am, you should go back to your line. Aalis na po kami."

"W-wait lang, sir. Mabilis lang." Sabi ko sa sundalong kasama ng mga bata. Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Deon at pinunasan ko ang luha sa pisngi niya. "Shhh. You'll be fine. You'll be safe. We'll protect you, alright? Kaya kailangan niyong sumama sa kanila para makalayo kayo sa mga monsters."

BulletWhere stories live. Discover now