CHAPTER 37

5 1 0
                                    


Chapter 37

Pagkalabas ko nang kwarto ay mabilis akong naglakad ng mabilis patungo sa beranda. Mas lumukso ang saya sa aking puso nang makita ang si Moiraine.

"Noella!" niyakap niya ako nang mahigpit pagkalapit ko.

Gumanti rin ako sa kanya ng yakap. "Kamusta?"

"Nasa maayos na ang kalagayan ko, Noella."

I stared at her beautiful face with eyes full of love and courage. She's really beautiful.

"May sasabihin ako."

Mabilis gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang mukha. "Alam ko na ang sasabihin mo, Noella. Masayang masaya ako na natagpuan mo na ang nakatakda sayo."

"Masayang-masaya rin ako, Moiraine. Isang magiting at makisig na bampira ang itinakda sa akin."

"Simula't una palang, alam ko nang siya ang itinakda sayo. Iba siya kayong tumingin sa isa't-isa."

Napakagat labi ako nang maalala ang nangyari sa amin ni Trevor. Iniwan ko muna siya sa kwarto na natutulog.

"Halos isang linggo kayong hindi lumalabas ng iyong kwarto, Noella."

Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi dahil sa kanyang sinabi.

"Kamusta ang kaharian ng Encantias?" pag-iiba ko sa usapan.

Tumingin ang babae sa malayo at tinatanaw ang bayan ng Encantias. Tumanaw rin ako at nakita ko ang mga mamayan ng Encantias na nagtutulong-tulong gumawa ng mga tirahan at inaayos ang ilang mga nasira.

Bumuntong hininga si Moiraine kaya napatingin ako sa kanya.

"Mabigat and dibdib ko ngayon, Noella."

"Maari mo ba itong sabihin?"

"Nalulungkot ako sa mga buhay na nawala dahil sa mga kagagawan ng Umbramancers. Galit na galit ako para sa mga buhay na nawala dahil sa kanilanh ganid at kahayok sa kapangyarihan at posisyon. Alam kong hindi lang iyon ang kaya nilang gawin... nagsisimula palang sila."

"Malakas sila at madami sila, Moiraine. Kahit ako hindi ko maiwasang matakot dahil alam kong hindi lang iyon ang kaya nilang gawin." saad ko naman.

"Si Gildor..." mahina niyang sabi kaya napalingon ako sa kanya na may kaba sa dibdib.

"A-anong nangyayari kay Gildor?"

Sandaling pumikit si Moiraine at nang muli itong nag-mulay ay bumakas ang pagkabaha at lungkot sa kanyang mata.

"She's mated to an Umbramancers."

Biglang nangunot ang aking noo at napalunok ako dahil sa narinig. Hanggang sa naalala ko ang nakatagpo naming kauri niya.

"Natatakot ako para kay Gildor at sa Aetherian Crystal... alam naman natin kung anong kayang gawin ng dalawang itinakda sa isa't-isa."

Humampas ang marahan na hangin na siyang dahilan nang pagsayaw ng aming mga mahahabang buhok sa hangin. Sandaliy namayani ang katahimikan at tanging hapyos na tunog lamang ng hangin ang aming naririnig.

"Gildor can influence the woman he's mated with... maari niya itong kumbinsihin na sumama at pumanig sa atin." tulirong saad ko.

Bakas ang takot sa mata ni Moiraine nang tumingin ito mismo sa mga mata ko.

"Paano kung ang babae itinakda sa kanya magkumbising pumanig si Gidlor sa kanila?" parang may humampas sa dibdib ko nang marinig ko ang sinabi ni Moiraine.

Paano?

Ipinilig ko ang aking ulo...

"H-indi pwede." mahinang sabi ko. "Moiraine, may be we can do something." punong-puno ng pag-asa ang dibdib ko dahil sa naisip ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 14 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The World Of Ellorin (On-Going)Where stories live. Discover now