CHAPTER 17

17 4 0
                                    


Chapter 17

Tiwala

Ang aming mga paa ay patuloy na humakbang sa lupa habang ang aming mga puso ay puno ng kaba at takot sa mga bagong pagsubok na naghihintay sa amin.

Habang kami'y naglalakad, nagkaroon kami ng pagkakataon na mas makilala ang isa't isa. Nagkuwentuhan kami tungkol sa aming mga pamilya, mga pangarap, at mga karanasan sa nakaraan. Lumalim ang aming pagkakaibigan at pagtitiwala sa isa't isa sa bawat salitang binitawan.

Sa sandaling aming pinagsamahan, di ko mawari sa aking puso't isipan na humiling na sana'y lalalim pa ang aming pagsasamahan.

Pero di ko rin mawari ang kaba at takot sa aking puso. Paano kung mag ka iba ang aming intensyon? Ipinilig ko ang aking ulo nang sumagi sa isip ko ang salitang tradyor.

"Ayos ka lang, Noella?" Napatingin ako kay Moiraine na sandaling pinatigil si Wili sa paglalakad upang tignan ako na may pag-aalala at sinserong mga mata.

"W-ala 'to." I forced a smile.

Ngunit hindi ko naman masisisi ang aking isipan. Hindi biro ang misyon ko. Dumaan sa aking pandinig ang sinabi ni Alarik sa akin.

"Ano ang isa sa kinatatakutan mo, Alarik?" Tanong ko habang hindi inaalis ang mata ko sa librong binibasa ko.

"Mga traydor."

Tinitigan ko ang likod ni Moiraine at Yorra sa aking unahan. Wala akong kakaibang maramdaman sa kanila, payapa ang aking puso sa kanilang presensya.

Ang biglaan nilang pag-sulpot sa kalagitnaan ng aking paglalakbay ay isang matinding misteryon para sa akin.

Ano ang papel nila sa buhay at misyon ko?

Sino ang babaeng bumulong kay Moiraine?

Hindi mawala sa aking isipan si Moiraine. Matagal na itong bumabagabag sa aking isipan. Kilala niya ba ang lalakeng may pana sa likod?

I saw her watching the mysterious man from a far.

Biglang nag-wala at tumigil ang kabayong sakay dahil sa biglaang paglindol. Nahulog ako sa lupa't pilit pinapakalma ang kabayo.

"N-awawala na sa balanse ang mundo." Mahinang sambit ni Moiraine habang pinakiramdaman ang buong paligid.

Nagsilipara ang bawat ibon sa kalangitan at nagsitakbuhan ang mga kahayopan sa kalupaan.

Mabilis tumalon si Wili para umiwas sa malaking puno na natumba sa kinatatayuan nila.

"Shit!"

I immediately rolled when a branch of the fallen tree almost hit me. The ground is shaking and I can see cracks every where.

Nagwawala pa rin ang aking kabayo at pilit tumatakbo palayo ngunit hinihila ko ito pabalik sa akin para pakalmahin.

Tumigil na ang lindol.

"Natatakot na ako sa possibling mangyari." Nanginginig na takot ni Moiraine.

"Wala na talaga sa balanse ang mundo." Saad ko din habang pinakiramdaman ang kapaligiran.

"Kailangan na natin magmadali bago ta'yo maunahan ng umbramancers." Moiraine said with conviction.

Sumakay na ulit ako sa aking kabayo at sinabayan sa pagtakbo sina Wili. Lumilipad ang aking buhok sa hangin habang mariing nakatitig sa aking harapan.

Tumingin ulit ako saglit kay Moiraine. Sino ka nga ba talaga?

She looked back at me and gave me quick nod and genuine smile.

The World Of Ellorin (On-Going)Where stories live. Discover now