CHAPTER 27

12 5 0
                                    

Chapter 27

Stars

Isa lang ang pumasok sa aking isipan. Isa siya sa kasamahan ng mga konseho. Naalala ko ang kuwento nila - may namatay sa kanila at malakas ang kutob ko na isa ito sa kanilang kasamahan.

Tinignan kami nito isa-isa at gumuhit ang isang maliit na ngiti sa labi.

Tinignan ko si Gildor at nakita ko ang bahadyang gulat na gumuhit sa kanyang mukha. Saglit kong ninakawan ng tingin ang bampirang lalaki na nakatingin parin sa nilalang na nasa harapan namin.

Mabilis ako nag-iwas ng tingin nang maramdam nito ang aking paninitig.

"Apat na nilalang, iisang layunin ngunit iba't-ibang ugat ng emosyon ang pinanggalingan." Tumaas ang sulok ng labi nito.

Humakbang ako sa unahan at tumabi kay Moiraine. Tumama ang mga mata sa akin ng Elf.

"Paano niyo nasisiguro na aalagaan niyo ang aetherian crystal at gagamitin ito sa tamang paraan?" Nanghahamong sagot nito habang mariing nakatitig sa akin.

I felt the lump in my throat.

"Buhay," mahina kong sabi. Nakita ko ang pagtaas ng noo nito habang hindi inaalis ang tingin sa akin. "Buhay ko ang aking ilaalay para sa makapangyarihang bagay na iyan."

"Mag-iingat ka sa sasabihin mo, babae." Tumaas ang sulok ng labi nito. "Dahil sa oras na mapapahamak ang bato nito'y buhay mo ang magiging kapalit."

Bigla tumubo ang kaba sa aking dibdib. Natahimik ako.

Natatakot ako sa maaaring mangyari pag makuha ito sa amin.

Ano ang pwedeng maging ialay upang ipagkatiwala sa amin ang aetherian crystal?

I saw Gildor stepped closer to the elf and bended his left knee whole bowing his head.

"Hayaan mong ibigay ko sa iyo ang kalahati ng aking kakayahan. Gagawin ko sa aking buong kakayahan at lakas upang bigyang proteksyon ang Aetherian crystal. Nawa'y tanggapin mo ang alok ko, Maestro Olla." Sambit nito na may paggalang at pagkilala.

"Kilala mo ako." Mahinang saad nito.

Matagal sumagot si Gildor habang nanatili itong nakaluhod at nakayuko.

Nanlalaki ang aking mga mata sa aking narinig sa kanya.

"Dahil iisang dugo lamang ang nanalatay sa atin." May diin nitong sabi. Dahan-dahan itong tumayo habang hindi inaalis ang tingin kay Maestro Olla. "Ako ang kahulihulihan at buhay na Lifino sa panahong ito, maestro Olla Lifino."

Isang nakakabingin katahimikan ang namayani sa pagitan nila ni Maestro Olla na mariin paring nakatitig kay Gildor.

Biglang nagliwanag ang dibdib ni Gildor hanggang ito ay naging sinulid na lumalapit sa kamay ni Maestro Olla. Tumigil na sa pagliliwanag ang dibdib ni Gidlor.

"Sa oras na may mangyaring masama sa Aetherian Crystal - tuluyan nang kukunin ng hangin ang iyong buong kakayahan, Gildor Lifino. Pero kung mabibigyan mo ito ng proteksyon at mananatili ito sa iyo o sa inyong proteksyon - malaya mo paring magamit ang iyong kakayahan."

Pagkatapos niya itong sabihin ay biglang nagkaroon ng isang malakas na hangin sa buong kapaligiran at kalingitan, umihip ang malakas na tunog ng hangin. Sumasayaw ang mga puno't halaman. Pinaparamdam nito ang aking kakayahan sa amin.

Ramdam ko ang pananabik ng aking puso para sa Aetherian Crystal... Nagsamasama ang hangin sa kalangitan at bumuo ng isang malaking bilog na kahanginan habang may nagliliwanag sa loob nito.

Ang Aetherian crystal.

Napatingala kami sa taas at mariing tinitigan ang bilog na hangin na bumababa sa aming harapan. Nawala ang bilog na hangin at iniluwa nito ang lumulutang na isang mala balahibong bagay at sa ibaba nito ng tangkay nito ay ang kumikislap na Aetherian Crystal.

The World Of Ellorin (On-Going)Where stories live. Discover now