CHAPTER 12

13 5 0
                                    

Chapter 12

Oledor

"Sandali!" Isang malalim at malaks na boses ang umalingawngaw."May nararamdaman ako."

Biglang kumabog ang dibdib ko sa kaba.

I immediately casted a spell to hid my presence.

I heard their footsteps roaming around, looking for my presence and scent.

I even tiptoed as I leaned myself against the most dark corner. I listened keenly to their movements and my heart pounded so fast and heavily when I heard footsteps coming closer to where I am.

Nakita ko sa harap ko ang anino ng isang lalake na sumisilip sa bangin. Mas hinilig ko ang aking sarili. Shit!

"Mag matyag kayo. Nandito lang iyan sa paligid, lahat ay maghanap!"

Sandali akong napapikit dahil sa kaba at may namumuong pawis sa aking mukha. May mga dala silang armas at dinig ko ang mga mabibigat nilang yapak.

"Pakawalan ang oledor!"

Nanlaki ang aking mga mata sa aking narinig. Ang oledor ay isang klase nang mabangis na hayop, na may malakas na pang-amoy. Kahit mahika ay kaya nitong sundan. Para itong uso na may malaking bibig, matutulis na pangil at kuko, at may hindi pangakariniwang laki.

Napamura nalang ako sa aking isipan. Mukhang mapapalaban ako.

Isang kalinsing ng bakal ang aking narinig, indikasyon na pinakawalan na nila ito.

Inihanda ko ang aking sarili sa maaari nilang kilos at galaw. Pinaningas ko ang aking mga mata at ramdam ko ang paglabas ng aking pangil at matutulis na kuko.

Isang mabigat na hayop ang tumalon sa bangin na hinulugan ko at lumapag ito sa aking harapan, kung saan mismo ang walang buhay na katawan ng mag-ama.

Dinig ko ang pagkabasag nang mga buto nito dahil sa angking bigat ng oledor.

Malakas itong umungol kasabay nito ang pagtalon ng apat na nilalang sa aking harapan.

Nananaliksik ang kanilang mga mapupulang mata habang naka abang sa kanilang harapan ang kanilang mga sandata.

Mabilis umatake sa akin ang hayop kaya naman ay tumalon ako para iwasan ito ngunit ramdam kong nahagip ng kanyang mahabang kuko ang aking talukbong at inilantad ang aking mukha.

Mabilis umatake sa aking kanan ang isa sa kanilang kasama at mabilis kong nahuli ang kanyang kamao at madiin itong pinisil at hinila  na siyang naging dahilan upang sumabay ang kanyang buong braso patungo sa akin. Malakas ko itong binigyan ng isang atake gamit ang aking siko.

Umungol ito sa sakit pero nang nagkahuwisyo ito'y malakas niya akong binigyang ng sipa sa tagiliran. Namilipit ako sa sakit ngunit buong lakas kong kinulong ang kanyang paa at binigyan ito ng isang malakas na suntok na siyang dahilan nang pagkabali ng kanyang kanang paa.

"Ahhh!" Umungol ito dahil sa sakit.

May naramdaman akong presensya sa aking likuran kaya mabilis kong iniwas ang aking katawan sa sandatay ginamit niya upang sana'y itusok sa aking likuran.

Nahagip ng aking mga mata ang mabilis na pagtalon ng oledor patungo sa akin habang naka-abang ang kanyang mga pangil.

Hinila ko ang sandata ng lalake at mabilis itong ginawang harang sa kanyang bibig. Napahiga ako habang madiing nakahawak sa sandata at ipilit nilalayo ang bibig nito sa aking mukha.

Pinagliwanag ko ang aking mga kamay, gamit ang aking kapangyarihan, binigyan nito ng basbas ang aking mga kamay upang malayo sa aking mukha ang bibig ng oledor. Nakita ko sa taas ang ilang mga nilalang na tumalon patungo sa akin.

The World Of Ellorin (On-Going)Where stories live. Discover now