CHAPTER 9

17 6 0
                                    

Chapter 9

Soaring bird

Nang makita ko ang papalayong pigura ng lalake sa malayo, napansin ko ang kakaibang pakiramdam na dala ng kanyang matalim na bala ng pana niya na tila'y kumikislap sa ilalim na sinag ng buwan. Isang misteryosong nilalang na tila'y may masalimoot na buhay at di' matukoy na layunin.

Habang siya'y papalyo, ay unti-unti akong umalis sa kumpulan ng mga nilalang. Hindi ko alam kung ano ang kanyang pakay dito, pero nararamdaman kong may kakaibang misteryo ang bumabalot sa buhay niya.

Bumalik ako sa palasyo nang hindi napapansin ng mga tao . Sa bawat hakbang ko, naiisip ko ang mga pangyayaring naganap sa araw na ito. Ang pag-usbong ng mga bagay na hindi ko inaasahan, at ang mundo ng Ellorin na puno ng lihim at kapangyarihan.

Habang ako'y naglalakad pabalik sa palasyo, napagtanto ko na marami pa akong dapat malaman at unawain. Ang aking pag-usbong bilang tulay at paraan para sa pagbabago at para maibalik  balanse ng mundo at ang misteryo ng mga pangyayari sa paligid ko ay nagbigay sa akin ng malaking hamon na kinakailangan kong solusyunan.

Pumasok sa aking isipan ang ilang ulit na pagyanig, pagka-sira at pagkamatay ng mga nilalang sa buong mundo ng Ellorin ay nagbigay sa akin ng kompiramasyon. Wala na talaga sa balanse ang mundo.

Sa aking pagdating sa palasyo, natagpuan ko si Alarik na naghihintay sa harap ng aking kwarto. Ang kanyang mga mata ay nagtataglay ng seryosong damdamin na tila'y may alam sa mga pangyayari.

"Noella, mayroon akong kailangang sabihin sa'yo," aniya habang tinitingnan ako ng masusing. "May dalawang kaharian ang nag-alsa ng digmaan, nagkakagulo ang dalawang kaharian dahil sa hindi malamang dahilan. Nagpadala ang hari at mga konseho ng ibon upang humagip ng balita ngunit nalaman na lang namin na ito'y tinugis at pinatay ."

Biglang tinubuan ng kaba ang aking puso.

"Digmaan?" Gulat na tanong ko, isang bahagi ng kwento ang sumilay sa aking isipan."May nakita akong misteryosong nilalang na umaaligid sa kaharian."

Bumaling si Alarik sa akin ng masusi. "Hindi mo siya kilala? Namumukhaan?

"Sa ngayon, hindi pa. Pero aalamin ko."

"Tila may malalim siyang layunin," sabi ni Alarik. "At hindi natin alam kung anong puwedeng niyang gawin kaya kailangan nating mas mag-ingat at maghanda."

"Ikaw, Alarik, mayroon ka bang alam na maaaring makatulong sa atin?"

Napailing siya at muling tiningnan ako. "Wala akong malaman, ngunit tayo'y mag-ingat. Hindi natin alam kung ano ang maaaring mangyari. Kaya mabuting mas maging handa ka sa paglalakbay na kakaharapin mo, Noella."

Sa aming pag-uusap, naramdaman ko ang pangangailangan na maging mas matatag at handa. Ang mundi ng Ellorin ay puno ng hiwaga at panganib, at kailangan kong mahanap ang kasagutan upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan. Kailangan ko maging malakas dahil ako ang ina-asahan nilang tulay.

Binuksan ko ang pintuan ng aking kwarto at iniisip ang mga maaring darating na pagsubok. Ang landas na aking tinatahak ay puno ng kakaibang kaba at misteryo, ngunit handa ngaba akong harapin ang anuman para sa kaharian at mundo?

Sumasakit ang ulo ko sa malalim na pag-iisip.

Sa pagpikit ng mga mata, nagsimula akong magdasal para sa gabay at lakas na kinakailangan ko sa pagtahak sa landas na ito.

***

Sa paglipas ng mga araw, mas bumigat ang pasanin sa aking mga balikat. Ang bawat oras ay nagiging pagkakataon para masaktan, para matuto, at para maging mas malakas. Ang mga gabi ay nagiging saksi sa mga tagumpay at pagkatalo, at sa bawat paggising ko.

The World Of Ellorin (On-Going)Where stories live. Discover now