CHAPTER 24

11 5 0
                                    


Chapter 24

Yorra

Patuloy kami sa pag-iwas ng mga natutumbang mga puno na tila'y pinipigilan kami. Kailangan ko silang mahanap sa lalong madaling panahon. Hindi ko alam kung anong mangyayari pag may mangyayaring masama sa mga kasamahan ko.

Napalapit na ang puso ko sa kanila. Binigyan ko ng paunang lunas ang aking saksak sa tiyan upang pigilan ang pagtulo ng aking dugo. Mabilis maghilom ang mga sugat ng bampira ngunit tila naging mabagal ito dahil ramdam ko ang mahikang binasbas ng nympho sa sinaksak niya sa akin.

Umihip ang malakas na hangin at halos napabalik kami sa aming dinaanan. Humambalos pabalik si Gildor at tumama ang katawan nito sa katabing kahoy. Ano ang pinaglalaban ng bundok na ito? Malinis ang aming intensyon!

Sinaksak ko ang aking sandata sa lupa upang bigyang supporta ang aking sarili upang hindi ako matangay ng malakas na ihip ng hangin. Nasira ang nakatirintas kong buhok at bumuhaghag ito sa hangin.

Yumayanig ang kalupaan.

"Noella!" Sigaw ni Gildor na ngayoy sinuportaan ang sarili upang hindi matangay ng hangin. Nakatingin ito sa aking harapan at nang ibalik ko ang aking paningin sa unahan ay nakita ko ang malaking bato na papunta sa gawi ko.

Gumawa ako nang harang sa aking harapan upang hindi ako nito tuluyang tamaan. Nabasag ang aking harang nang tumama ang bato dito  at nag-iba ang direksyon.

Tumingala ako sa taas nakita ko ang pinakatuktok ng bundok na humahalik sa madilim na ulap.

Gumapang si Gildor patungo sa aking tabi habang nakatusok sa lupa ang kanyang sandata. Nilampasan ako nito.

Sumabay ako sa kanyang hanggang sa mahigit isang oras ay humini na ang ihip ng hangin. Pinakiramdaman pa namin ito bago tumayo at pinagpatuloy ang takbo patungo sa unahan.

May narinig kaming sumabog sa di kalayuan at sigaw ng dalawang ibon.

Moiraine.

Mabilis naming sinundan ang pinanggalingan ng ingay at nabigla ako sa aking nadatnan. Mga Umbramancers!

Duguan ngayon si Moiraine habang nasa kanyang likod si Yorra na nakabulagta sa lupa. Nasa tabi niya si Wili na ngayoy nagtatangis ang pangil at mga kuko.

Lumilipad ngayon sa ere ang tatlong nagliliwanag na ibon at umaatake sa bawat Umbramancers na may kakayahang lumutang sa ere. Nakita ko pang gumawa ng dalawang bilog sa ere si Moiraine at lumabas ang dalawang Lion na ngayoy umaatake sa mga Umbramancers na nakapalibot sa kanya.

Pinalipad ko ang aking sandata sa isang Umbramancers na umatake sa likod ni Moiraine. Napatingin si Moiraine sa amin habang habol ang hininga.

Tumingin din sa amin ang ilang mga Umbramancers at tumakbo patungo sa amin. Mabilis kong pinakakalat sa lupa ang aking kapangyarihan upang pigilan ang apat na Umbramancers. Mabilis silang inatake ni Gildor at pinutol ang kanilang mga ulo.

Naramdaman ko ang tatlong presensya ng Umbramancers sa aking likod ngunit bago nila ako bigyan nang atake ay gumawa na akong harang bilang panangga.

Panibagong mahiwagang hayop ang inilabas ni Moiraine at natigilan ako habang minamasdan ito. Isang Kirin.

May malaki, elegante at matutulis na sungay. May katawan nang isang usa, mga paa na tila'y paa ng kabayo at mabalahibong buntot na tila pakpak ng isang ibon. Pinitik nito ang buntot sa ere at lumipad galing dito ang mga matutulis na balahibo na tumama sa limang Umbramancers.

Sumugod ito sa ibang Umbramancers habang naka-abang ang sungay nito sa unahan.  May ilang Umbramancers na hindi nakaiwas at natusok sa sungay. Iwinaksi ng Kirin ang kanyang ulo hanggang sa tumapon ang katawan ng Umbramancers sa katabing matutulis na mga bato.

Nakita kong gumawa nang harang si Moiraine sa kanyang palibot upang bigyan proteksyon ang kanyang sarili at Yorra. Lumalaban na din ngayon si Wili sa ibang Umbramancers.

Nakita kong gumawa nang ingay ang isang lion at doon ko nakita na duguan na ang katawan nito. Lumabas madilim na parte ang isang Umbramancers at hinaplos ang dugo ng lion na kumakalat sa lupa.

Nanlalaki ang aking mga mata. Isang shiftres!

Dinilaan nito ang mga kamay na nababahiran ng dugo ng lion at di kalaunay nagpalit ito ng anyo kawangis sa lion na galing sa kapangyarihan ni Moiraine.

Tumakbo ito patungo sa akin, tumalon at binigyan ako ng isang napakalakas na sipa. Tumapon ang katawan ko sa katawan ni Gildor.

He hissed under his breath and stood up to fight with the other Umbramancers. Nakita kong sumugod sa gawi ni Moiraine ang shiftres na naka anyong lion at tinalon ang harang na gawa ni Moiraine. Nakita ko ang pagbitak nito kaya nagpalipad ako nang bolang enerhiya na tumama sa katawannng shiftres.

Nang sandali itong tumama sa kanyang katawan ay mabilis ko itong pinapasok sa katawan ng shiftres hanggang sa maramdam ko ang puso nito. Walang pag-alinglangan ko itong pinipiga hanggang sa nahulog ito at nawalan ng buhay.

May tumalon na tatlong Umbramancers kay Moiraine ngunit pinatigil niya ito sa ere gamit ang kanyang kapangyarihan at piniga ito ng may diin at galit.

Nasaksihan ng aking mga mata ang paglukot ng mga katawan ng Umbramancers at narinig ko ang pagkabasag ng mga buto nito.

Sumigaw si Moiraine at nagpakawala ng isang liwanag. Tumama ito sa isang Umbramancers na malapit sa kanya at malakas niya itong pinalutang at hinambalos sa katabing puno.

Biglang may humuli sa aking leeg galing sa aking likuran. Marahas ko itong kinagat at nang lumuwag ang kanyang pagkakasakal ay mabilis at malakas ko siyang binalibag sa aking harapan.

Nakita ko ang espasyo sa kanyang dibdib kaya binigyan ko ito nang malakas na suntok at kinuha ang kanyang puso gamit ang aking kanang kamay.

Mabilis akong lumapit sa gawi ni Moiraine na ngayo'y nakaluhod at nakayakap sa katawan ni Yorra. Lumuluha ito habang paulit-ulit na tinatawag si Yorra.

Biglang nanubig ang aking mga mata.

"Y-orra." Hindi ito tumugon sa amin. Namumutla na ito at may malaking saksak sa kanyang dibdib. "Gagamutin ka namin."

Humihikbi na ako ngayon. Tumingin ako kay Moiraine na ngayoy kumikibot ang mga labi at umiilang sa akin.

"W-ala na siya, Noella. Hindi na tumitibok ang puso niya. Kahit gamutin man natin siya'y hindi pa rin niya imumulat ang kanyang mga mata. Kaya nating manggamot ngunit hindi natin kayang bumuhay ng mga patay." Sunod-sunod ang pagtulo ng kanyang mga luha.

Hinaplos ko ang mukha ni Yorra at ramdam ko ang kirot at sakit sa aking puso. Sumigaw ako dahil sa sakit at piniga ang puso ng mga nagtatangkang Umbramancers na lumapit sa amin.

Umiiyak ang puso ko ngayon. Panibagong buhay na naman ang nawala dahil sa misyong ito. Nanlalabo man ang aking paningin ay lumaban ako kahit nanghihina at nagdurugo ang aking katawan.

Hindi ko hinayaang may makalapit sa gawi ni Moiraine dahil piniga ko ang kanilang mga puso at pinalipad ang aking sandata sa kanila.

Nanginginig ako sa galit at poot.

Pumasok sa aking alaala ang mga ngiti at boses ni Yorra at sa mga sandaling nakasama ko siya.  Umusal ako nang dasal sa hangin na sana'y dalhin niya si Yorra sa lugar kung saan magkikita sila ni Yorri.

Sinuntok ko ang lupa at pinagapang ang aking kapangyarihan upang pigilan sa pagkilos ang mga Umbramancers. Malakas at mabilis silang pinugutan ng ulo ni Gildor.

Narinig ko ang paghihinagpis ni Moiraine habang tinatawag ang pangalan ni Yorra.

Sunod-sunod ang pagtulo ng aking mga luha habang nanginginig sa galit ang aking kalamnan.

---

Kamusta kayo? Haha

The World Of Ellorin (On-Going)Where stories live. Discover now