CHAPTER 15

18 5 0
                                    

Chapter 15

Magic book

"They wanted to have those powerful and mystical artifacts that holds elemental power. They wanted it to have in their hands to nullify and breaks its power because it is believed that when it is combine, it's capable of breaking the ancient curse."

Natahimik ako sa aking narinig at nakatitig lamang sa kanya habang naka-awang ang aking bibig. Yumuko ako at tumingin sa kalangitan. Di' ko mapangalanan ang nararamdam ko ngayon.

Magkahalong pagod, sakit, pangangamba, takot at nagtatanong na isipan.

Isang nakabinging katahimikan ang sandaling bumalot sa amin. Tumingin ako kay Yorra. May dumaan na namang kirot sa aking puso. Alam ko ang pakiramdam na mawalan ng mga mahal sa buhay. Kaya nakikiramay ako sa'yo Yorra.

Pinagmasdan ko ang kanyang kabuuan. May matulis na mga tenga, matangos na ilong, makapal na kilay, lumulubong pisngi, at may kataasan hanggang aking bewang. May dalawang uri ng elf  sa mundo ng Ellorin.

At isa na iyong mga konseho sa palasyo na may kataasan tulad namin. At ang lahing kinabibilangan ni Yorra ay sinasabing pinakamababa at mahina sa kanila.

Ilang daang taon na ang lumipas ay kalap parin ang diskriminasyon, patayan, at ubusan ng lahi sa mundo. Minsan nga'y may nadadaanan akong patay na diwata, lobo, bampira, trolls, shiftres, sirena't sireno sa bayan na kinalakihan ko.

May hari man kami ngunit tulad nga ng aking sinabi, walang batas na bawal pumatay lalo na't isang mababang nilalang.

Kinabukasan ay nagising kami dahil sa pag-unat ng katawan ni Wili. Sumilay ang ngiti sa aking labi dahil totoong nakakawili nga ito. Tinignan ko si Yorra na walang emosyong pumunta sa umaagas na ilog at naghilamos ng mukha.

Dumating namam so Moiraine na may dalang patay na katawan ng isang mabangis na uso. Mabilis akong lumapit doon at uminom ng dugo.

Maulap ang kalangitan ngayon at naliliparan sa himapapawid ang iba't-ibang klase ng ibon.

Tinignan ko ang aking mga sugat at nakita kong unti-unti na itong humihilom. Likas na kakayahan ng mga bampira.

"Lumapit kayo!"

Dalidali kaming tumakbo sa tubig nang narinig namin ang sigaw ni Yorra. At nang kamiy makalapit ay nakita namin siyang nagtampisaw sa mababang parte. Masaya naman naman naming nilubog ni Moiraine ang aming mga katawan.

Yumakap sa kabuuan ko ang lamig na dala ng tubig. Kay sarap sa pakiramdam. Nanghuli din kami ng isda para aming makain.

"Magbihis na kayo, aalis muna ako." Paalam ni Yorra.

"Saan ka pupunta?" Agap kong tanong.

"Maghahanap ng gulay, Noella. Nabubuhay ang isang katulad ko sa gubat at ang paghahanap ng masusutansiyang halaman ang aming pangunahing pagkain. Alam kong meron sa gubat na ito." May isang tipid na ngiti ang sumilay sa aking labi.

"Mag-iingat ka." Sabi ni Moiraine na walang pangamba.

At naglakad na ito papalayo patungong kagubatan. Nakatingin lang ako sa kanya habang hindi na siya abot ng aking paningin.

"May dala akong mga damit, Noella. Mag-bihis ka."

"Pa-papahiramin mo ako?"

"Bakit naman hindi?"

Nakalimutan kong nagtatanghal nga pala siya at bumabaybay sa bawat kaharian upang magbigay ng isang pagtatanghal. Pinili ko ang kulay asul na damit panlalakbay.

We both wore an attire exudes an air of silent prowess, reminiscent of an assassin type. wearing a fitted, hooded tunic in deep, earthy tones, adorned with little intricate embroidery. A utility belt clasped around our waist holds various concealed tools and pouches, emphasizing both style and functionality. Knee-high leather boots offer a blend of agility and durability, while fingerless gloves provide dexterity for intricate maneuvers. The hood, when drawn, concealing our identity, adding an element of enigma to this adventurous ensemble.

The World Of Ellorin (On-Going)Where stories live. Discover now