CHAPTER 7

25 7 0
                                    

Chapter 7

Ensayo

Maaga akong ginising ng mga tagasunod sa palasyo. Nagulat na lang ako nang bigla nila akong hinubaran at dinala sa malaking paliguan sa aking kwarto. Yakap ko ang aking sarili habang hinila nila ako ng marahan patungo sa bukal na tubig.

Pagpasok ko ay tumambad sa akin ang pamilyar na bukal napapalibutang ng mga halaman. Nasisinagan ang tubig ng sinag ng araw na siyang nagpapakislap nito.

Nangamba pa ako nong una kong pagtapak dito na baka may makakita sa aking buong kahubaran dahil sa pagkaka-alam ko'y may mga nakabantay na mga kawal sa bubong ng palasyo.

Pero nakakalimutan ko atang na walang possible sa mundong ito. Lahat ay punong-puno ng misteryo at kahiwagaan.

"Lumubog na po kayo sa tubig, binibini." Mahinang usal ng isang tagasunod na babaeng lobo upang paliguan ako.

"Ako na."pagpumilit ko.

"Ngunit binibini, utos po ito' ng general." Sabat ng isa pang tagasunod na babae. Isang diwata.

"Kung gusto niyo'y sabayan niyo nalang ako." suhestyon ko.

"Hindi na po, binibi-"

"Noella." Pagpapakilala ko. "Kayo? Anong mga pangalan niyo? Bakit kayo nandito sa palasyo?" Sunod na sunod ang tanong ko.

Nagtitigan pa sila bago nagsalita.

"Liezel ang pangalan ko." Pagpapakilala ng lobo.

"Ako naman si Kara." Ani ng diwata.

"Masaya akong malaman ang inyong mga pangalan." Binigyan ko sila ng isang matamis na ngiti.

Sinuklian naman nila ito.

"Pinili naming magtrabaho dito para mabuhay. Wala na kasi kaming pamilya na mauuwian, namatay ang aming mga magulang at kapatid sa pagkaubos ng kanilang mga kapangyarihan. Hindi kinaya ng kanilang mga katawan ang sakit na dala nito."nanginginig na  kuwento ni Kara.

"Matagal na talaga naming layunin maging isang tagasunod sa palasyo. Alam kasi naming dito ay talagang may mapupuntahan at matutulugan kami. Hindi man kami kilalang lahat ng mahal na hari ngunit malaki ang pasasalamat namin dahil tinanggap niya kami dito. Masaya kaya dito, maraming pagkain at ramdam namin ang proteksyon." Masayang kuwento ni Liezel.

Nakalubog kami ang aming mga katawan sa tubig hanggang sa aming dibdib.

Bigla kong naalala ang isang tagasunod na pinatay ng isang konseho. Mariin kong pinikit ang aking mga mata para maalis ang alaalang iyon.

"Ngunit pwede kayong mapatay dito." Sabi ko.

"Alam namin. Lalo na't sa oras na may malaman kaming di puwedeng marinig ng isang mababang nilalang na katulad namin." Saad ni Kara habang nakatitig sa kawalan.

"Masaya kaming dumating ka, Noella." Puno ng pag-asa ang aking nakikita sa mga mata ni Liezel.

Parang niyakap nito ang aking puso.

"Katulad niyo din ako. Walang pamilyang iniuwian, nawala din sila sa harap ng aking mga mata habang tinatangay ang kanilang buong buhay at kapangyarihan. Katulad niyo din ako, palaboy-laboy sa bayan. Magnakaw ng mga paninda upang mabuhay." kwento ko sakanila.

"Kaya masaya kami na ikaw ang kanilang hiningan ng tulong. Dahil alam naming hindi mo kami malilimutan at naiintindihan mo kaming mga nawalan. Pagbayarin mo ang nilalang na may gawa non, Noella. Ipaghiganti mo kami sa kanila."maluha-luhang saad ni Kara.

Tumulo ang kanilang mga luha sa kanila mga mata at humalo ito sa tubig na kinalulubugan namin. Napabuntong hininga ako. Ito ba talaga ang landas na tatahakin ko?

The World Of Ellorin (On-Going)Where stories live. Discover now