CHAPTER 29

11 4 0
                                    


Chapter 29

Palasyo

Hindi ko alam kung alin ang papaniwalaan ko. Ang puso ko o ang aking isipan. Pagkarating namin sa bayan ng Encantias ay nakita namin ang napupunong kaba at gulat sa mukha ng mga mamayanan.

"May mga nilalang na pumunta sa patay na bundok!"

"Anong ginagawa nila doon?"

"Walang nakakaalam at tanging nasa palasyo lamang ang may ideya."

"Kaya pala may nakita akong malaking pagsabog sa tuktok ng bundok."

"Nawa'y gawan ng paraan ng hari't reyna na bigyan tayo ng higit na proteksyon!"

"Ako'y natatakot sa kung ano man ang mangyari!"

"Nagkakagulo na ang ating mundo!"

"Alam niyo bang hindi na maramdam nang bawat nilalang ang kanilang kapareha?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nag-labas ng balita ang ating mga diwatang babaylan sa palasyo na marami na daw ang nakakaranas ng delubyo dahil hindi na nila maramdam ang kanilang kapareha!"

"Ito'y nakakabahala!"

"Anong nangyayari sa ating mundo?!"

Ito ang siyang aming naririnig sa bawat nadadaanan naming mga nilalang sa Encantias. Nangunot ang aking noo sa aking mga naririnig at minsan pay napapahina ang bawat hakbang namin upang mas maiging marining ang mga kuwento ng mga nilalang.

"Anak!"

Napatingin kami sa isang matandang babae na sumigaw habang nakasunod sa mga kawal na may dalang patay na katawan.

Nanlaki ang aking mga mata nang inalis nito ang takip sa katawan at tumambad sa aking paningin ang natamo nito sa bandang tiyan.

Tila'y nasusunog ang mga balat nito.

"Anak ko! Anong nangyari sa kanya?!" Umiiyak na tanong ng matandang babae sa isang kawal.

"Natagpuan namin ang iyong anak sa kalagitnaan ng aming imbestigasyon patungo sa patay na bundok. Base sa aming pag-susuri ay nakatanggap ito ng atake galing sa hindi pa namin mapangalanang grupo ng mga nilalang."

Mas umiiyak ang matandang babae habang nakayap sa patay na katawan. Nagkumpulan ang bawat nilalang at pilit tinitignan ang nangyari kalunos-lunos.

"Ako'y nababahala na sa ating buhay. Kay rami nang kumakalap na masasamang nilalang!"

Rinig kong sambit ng isang lalake na malapit sa amin.

Isa lang ang nasa aking isipan kung sino ang may kagagawan nito. Umbramancers!
Nagkatitinginan kami ng aking mga kasama at nakompirma kung iisa lang ang nasa aming isipan.

"Magpatuloy na tayo." Sabi ni Trevor sa mababang tono.

Nagpatuloy kami sa aming paglalakad sa gitna nang agos ng mga nagkukumpulang mga nilalang. Sumisikip ang aming daan. Lumalayo kami sa bawat isa.

"Moiraine!"

"Noella!"

Pilit kung tinataas ang aking ulo upang mas makita si Moiraine ngunig mas dumadami ang bawat nilalang na nakikiisyuso.

Pilit kung inaabot ang kamay ni Moiraine ngunit lumalayo na kami sa isa't-isa. Napamura nalang ako sa aking sarili.

Pilit kung sinisiksik ang aking sarili hanggang sa naramdaman kung may humawak sa aking palapulsuhan. Tinignan ko ang nagmamay-ari nito at tila tumigil ang takbo ng oras.

The World Of Ellorin (On-Going)Where stories live. Discover now