CHAPTER 22

8 5 0
                                    

Chapter 22

Nympho

"T-he A-ethe-rian Crys-tal." Nahihirapang sagot nito.

Nanlaki ang aking mga mata at itinigil ang pagpiga sa kanyang puso. Humigop ito ng hangin at ilang ulit umubo.

"Bakit mo ito nais kunin?!" Marahas na tanong ni Moiraine.

"Nag-tataglay ito ng kapangyarihan na magiging sangkap upang makakapagpatumba sa mga Umbramancers!" Nahihirapang sabi nito.

"Saan mo nakuha ang ideyang ito?!" Tanong ni Moiraine.

Napatahimik ito saglit at may dumaan na daloy ng kuryente sa aking katawan dahil sa narinig ko.

"May kumausap sa akin sa panaginip."

Nangunot ang aking noo sa kanyang sinabi.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Gulat na tanong ko.

"May pangitain ako na may mga Umbramancers ang naglilibot sa sanlibutan upang hanapin ang apat na mga makapangyarihang kagamitan o bato. Bago ito mapunta sa kanilang mga kamay ay kailangan ko silang maunahan upang protektahan at ilayo sa kanila."

"Paano mo nalaman na dito possibling matatagpuan ang aetherian crystal?!"

"Iniwan ako ng isang palaisipan ng misteryosong babae. Walang sino man ang humanga sa angking kaanyuan nito, ni walang buhay ang naninirahan dito ngunit ang angking proteksyon nito sarili ang magtatago sa isa sa pinaka importanteng kagamitan sa mundo."  Nanindig ang aking balahibo ng marinig ko siyang isinambit ang mga salitang iyon.

"Ibig sabihin-" hindi ko natapos ang aking sasabihin.

"Dito matatagpuan ang aetherian crystal." Sambit ni Moiraine habang nakatingin sa tuktok ng bundok.

"Sino kayo at ano ang layunin ninyo?" Tanong nito sa amin.

Umalis na sa kanyang ibabaw ang lion at nawala na parang bula. Pinakawalan ko na din siya ng aking kapangyarihan. Inilahad ko sa kanya ang aking kamay. Hindi niya ito tinanggap at itinayo ang sarili.

"Katulad mo'y binigyan din kami ng palaisipan na kinakailangan tuklasin." Napatingin siya ka Moiraine. "Tulad mo, nakipag-usap din sa aking panaginip ang misteryosang babae."

"Tila'y pinagtagpo tayo ng tadhana upang tuldukan ang kasamaan ng Umbramancers." Saad ko habang hindi inaalis ang titig sa kanya. "Sabay nating gawin iyon-"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng pamilyar boses na iyon na sumigaw.

"Yorra!" Sigaw ni Moiraine at sinundan ang pinanggalingan ng boses.

Sumunod naman kami sa kanya hanggang sa paulit-ulit kaming tumakbo. Huminto si Moiraine kaya napahinto din kami. Inilibot niya ang kanyang paningin.

"Parang hindi tayo umaalis sa puwesto natin." Saad niya.

"Bumabalik lang tayo sa iisang lugar." Pagpapatuloy ng Elf. "This dead mountain will do its best to protect the crystal. At nagsisimula na siya sa pamamagitan nito."

"Kailangan nating maghiwahiwalay." Suhestyon ni Moiraine.

"I think it's not the best option." Agap na sagot ko.

"What else could be the options, Noella? I need to find Yorra and Wili as soon as possible! Baka may mangyayaring masama sa kanila!" Sagot niya pagkatapos ay tumakbo kung saan.

"Moiraine!" Sigaw ko sa kanya pabalik ngunit hindi na siya abot ng aking paningin.

"Tsk."

Napatingin ako sa nilalang na kasama ko.

The World Of Ellorin (On-Going)Where stories live. Discover now