CHAPTER 11

18 5 0
                                    

Chapter 11

Mystical artifacts

Saan na ba 'yong kabayo ko?

Kanina pa ako naglilibot sa kagubatan para hanapin ang kabayo ko. Malalim na ang gabi at bilog ang buwan.

Pinakiramdaman ko ang buong paligid ngunit wala akong maramdam na kahit ano maliban sa mga hayop.

"Where are you?" Mahina kong sambit sa aking sarili.

Napalingon ako sa bawat puno para maghanap ng matutulugan. Mabuti ng sa taas ako matulog kesa dito sa baba, maraming mga mababangis na hayop at madali akong makita kung sakaling may mga masasamang nilalang.

At nang may nakita akong magandang puwesto ay umakyat na ako. Malaki ang ang sanga ng puno kaya sakto para dito magpahinga. Bukas ko na lang siguro ipagpagpapatuloy ang paghahanap.

Buti nalang nakita ko sa di kalayuan ang bag ko.

Umupo ako at hinilig ang aking likod sa puno. Kinuha ko ang aking bag at inilabas ang mapa at libro ng mahika.

Malakas ang sinag ng buwan ngayon kaya binigyan ako nito ng sapat na liwanag para makita ang nakasulat sa mapa. Wala na ako sa kaharian ng Eldrovia.

Lumagpas na ako.

Tumingin ako sa bilog na buwan at sandaling pinikit ang aking mata.

Sana'y magtatagumpay ako.

Inaalala ko ang sinabi sa akin ng mga konseho na matatagpuan ang mga mahiwagang kagamitan sa bawat sulok nang mundo ng Ellorin. Malaki ang mundo, paano ko malalaman kung saan?

Sa apat na kagamitan ay nandoon naka lagay ang mga bato'ng kinakailangan ko.

Aetherian Crystal, harnessing the essence of air and wind. It's found high in the mountains.

Pyroforge Emberstone, forging the power of fire, this enchanted emberstone can control flames and unleash infernos.

Aqua Scepter of Tidal Harmony, tapping into the essence of water, this scepter grants control over oceans and rivers.

Verdant Earthstone, infused with the power of nature, this stone emanates the essence of flora and fauna. It grants the ability to control and manipulate the natural world, from encouraging growth to communing with animals.

Ngunit ang Aetherian Crystal lamang ang alam ko kung saan matatagpuan. Hindi ko alam ang ekskatong lugar kaya pupuntaha ko lahat ng matataas na bundok para lamang makita ito.

Each artifact, when combined, it is believed to unlocks a synergistic elemental force capable of breaking the ancient curse and restoring the power of every creatures in Ellorin.

I have to find it before it will be in a wrong hands.

Binuksan ko naman ang libro ng mahika.

Dahil dito, dinala ako nito sa palasyo para matuklasan at angkinin ng resposibilidad. Hinaplos ko ito gamit ang aking daliri.

Kung hindi kita gustong makuha? Mananatili pa rin ba ako sa bayan? Na walang resposibilidad at pangamba?

Baka tadhana ko na talaga ito.

Binuklas ko ito at piniling mag basa.

Sa kalagitnaan nang aking pagbabasa ay bigla kong naalala ang naging ensayo ko tungkol sa mahika. Marami akong natutunan sa paggamit ng mahika dahil sa libro nito at sa tulong nga mga konseho.

Ramdam ko na ang pagbigat ng aking mga mata kaya pinasok ko ulit ito sa aking bag.

I casted a spell in order for me not to fall while sleeping and hid my presence.

The World Of Ellorin (On-Going)Where stories live. Discover now