CHAPTER 5

21 8 0
                                    


Chapter 5

Kalayaan

Dumilat na may luha ang aking mga mata at pusong di makalma. Sa bawat lakas ng tibok nito'y kaba, pighati at pangungulila ang dala. Di ko mawari ang pakiramdam ng nag-iisa. Nabuhay at lumaki akong palaboy-laboy lang sa kaharian ng Eldrovia, walang bahay at walang gabay. Mag-isa kong tinaguyod ang aking sarili. Pagnanakaw at diskarte ang siyang aking naging paraan para mabuhay.

Patuloy sa pagtulo ang aking mga nga luha habang nakatitig sa kawalan.

Kung nabubuhay ba sila'y ganito parin ba kalungkot ang buhay ko?

Sa loob ng ilang taong pamumuhay ko sa saking sarili'y natagpuan ko ang mag-inang Edna at Levi. Sa kanila ko natagpuan ang salitang kaibigan at kaagapay. Pero kahi't ilang ulit akong pinilit ni Edna na sa kanyang bahay na matutulog at uuwi'y pinipili ko paring matulog sa sulok ng bubong o sa malaking puno matutulog.

"Buti nama'y nagmulat ka na ng iyong mga mata."

Tumingin ako sa aking kanan ng may malalim na boses ang nagpabalik sa akin sa reyalidad.

Isang makisig na nilalang ang nakatayo't nakahilig sa dingding habang mariing nakatingin sa akin. Naaalala ko siya dahil siya iyong kasama ng isang elf na dumakip sa akin mula sa pagkakatalon ko sa malaking bintana ng palasyo.

Iba na ngayon ang suot niya. Isang puting polo habang nakatupi ang mataas na manggas hanggang siko at isang itim na pantalon na pinarisan ng isang kulay pulang tela na tila sakto lang ang lapad upang maging isang ka akit-akit na sinturon.

Walang ekspresyon ang kanyang mukha kaya mas nag-depina ang kanyang bagang, mapupulang mga labi, mataas na ilong, at makapal na kilay. May nakatakas na ilang hibla ng kanyang buhok sa kanyang noo.

"Tatlong araw kang tulog na batid ko'y dahil sa sobrang pagod." Sa bawat pagbuka ng kanyang labi'y tila hinihigop ako nito.

"N-asan ako?" Nauutal kong tagon.

"Nasa ilalim ng palasyo."

Napalibot ko ang aking tingin. Kwarto na wari sa mga bato at tanging mga simbo lamang ang nagbibigay liwanag sa madilin na lugar.

Mga rehas.

Nasa kulungan ako.

"Nasan ang mga kasama ko?"

"Nagbabayad ng kanilang kapahangasan."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Nasa dulo ng kulangan na 'to."

"Kamusta sila?"

"Kamusta nga ba sila? Ano sa tingin mo?"

Nababadya ang luha at kaba sa dibdib ko.

"I told you! Ako ang may kasalanan nito. Ako ang nag udyok na pumasok dito!" Nagtatangis ang bagang ko sa diin ng aking pagsalita.

"You don't have to worry, young lady. They are fine." Umalis ito sa pagkahilig sa dingding at humakbang para tumalikod sa gawi ko.

Kahit likuran nito'y nagsusumigaw ng kakisigan at tikas.

Isang nakabinging katahimikan ang nagyaman sa bawat sulok ng kulungan.

"Alam mo naman siguro ang kahihinatnan ng inyong kapahangasan diba?" Mahina itong nagsalita habang nakatalikod sa gawi ko.

"Anong klaseng parusa?"

"Kamatayan." Mabilis na sagot nito na parang nagsasabi lang ng isang walang kwentang balita.

"Ako nalang ang patayin niyo wag lang ang mga kasamahan ko! May uuwian pa sila, may naghihintay na buhay sa kanila." Isang mainit na luha ang tumulo sa aking mukha.

The World Of Ellorin (On-Going)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu