Lumapit ako sa kanya at tinignan kung nandoon pa ang aking libro at mapa.

I sighed in relief.

Nandoon pa.

Binigay niya sa akin ito at sinuot ito sa aking katawan.

Mariin akong tinitigan ni Moiraine at sa mata habang dahan-dahan nitong tumingin sa lalaking bampira.

Tumingin ako sa lalaking bampira na ngayoy nakakunot ang noo na nakatingin sa aming babae.

"That night." I even fake a cough before speaking.

"What night?" He asked.

"Anong ginagawa mo sa patay na bundok?"

Tumitig muna ito ng mariin bago sumagot.

"I had this dream, telling me where the Aetherian crystal can be found. When I went here, I saw you all fighting with the Umbramancers."

"Anong layunin mo sa makapangyarihang kagamitan na ito?" Tanong ni Moiraine na ngayo'y humakbang patungo sa kanya.

"To break the ancient curse of this world. Para ibalik sa balanse ang mundong ito."

Namutawi ang katahimikan sa amin.

"Where did you get the idea about these powerful artifacts?" I asked him challenging myself to not break my eye contact with him. But I failed.

"I lived with different creatures after my foster parents died. They were once part of the Umbramancers and they gave me this idea, this knowledge about these powerful and mythical artifacts that holds great power when collected. This could stop the Umbramancers to reign this world." Umiigting ang kanyang bagang habang sinasabi ang mga katagang ito.

What about in the castle? What were you doing there?

Gusto ko itong isantinig ngunit tila'y may bumabara sa aking lalamunan.

Mariin pa siyang tinitigan ni Moiraine na tila sinusuri ang kanyang mga sinabi.

"Magpakilala ka." Malamig na utos ni Moiraine.

"Trevor Caspian Orion." Makisig itong nakatayo habang nagbigay ng isang maliit na tango.

Trevor.

Bahagyang nangunot ang aking noo nang tumingin ito sa gawi ko at tumingin kay Gildor na ngayo'y malamig lang na nakatingin sa amin.

A skilled archer.

Ngumiti nang bahagya sa kanya si Moiraine at naglakad palayo sa amin.

"Bumalik na tayo sa bayan." Anas ng babae.

Mabilis akong naglakad patungo ka Moiraine para sumabay. Di kalaunay naramdaman ko ang pagsunog nang dalawa.

Humigpit ang kapit ko sa aking bag nang maramdam ko siya sa aking likuran. Ramdam ko ang paninitig nito.

Biglang nagwala ang aking puso sa kanyang presenya. Ano ito?!

"Noella." Tawag sa akin ni Moiraine habang patuloy parin kami sa paglalakad. "Naiisip mo ba ang naiisip ko."

"Sadyang pinagtagpo tayo ng tadhana." Maikli kong sagot sa kanya.

"Alam kong mag rason ang lahat bakit tayo magkasama. Pero ano ang posibling rason na iyon?"

Ano nga ba? Sadali akong napatahimik.

"Koneksyon." Maikling sagot ni Trevor.

Tumigil kami sa paglalakad at hinarap siya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Koneksyon natin sa sumpang dinadanas natin ngayon... Sa Umbramancers, sa pagsabog ng malakas at itim na enerhiya, sa boses na pilit kumakausap sa atin sa panaginip." Sagot nito.

"My foster parents was once an Umbramancers." Pagpapatuloy ni Trevor.

"Isang dugo ang nananalatay sa amin ni Maestro Olla, ang tagapag bantay ng Aetherian Crystal." Sabat ni Gildor na kanina pa tahimik.

"My parents was killed and tortured by the Umbramancers at itinakwil ako ng aking kaharian na siyang dahilan ng aking paglalakbay at ang misteryosong babae sa aking panaginip." Kunot noong sabat ni Moiraine.

Tinignan nila ako na tila naghihintay sa aking kuwento.

"Namatay ang aking mga magulang dahil sa pagkaubos ng kanilang lakas at kapangyarihan. Nabuhay mag-isa sa bayan ng Eldrovia, pumasok sa palasyo para magnakaw ngunit isang misyon pala ang nag-aabang sa akin don. Sabi ng mga konseho ay ako daw. Ang sinasambit ng misteryosong nilalang sa kanilang panaginip." Sabi ko habang nauutal at may namumuong luha sa aking mga mata.

Namutawi ang sandaling katahimikan.

"Iisa lang ang ibig sabihin nito." Wala sa sariling sambit ni Moiraine.

"Pinagtagpo tayo upang magtulungan na wasakin ang Umbramancers..." Sabi naman ni Gildor na tila nagliliwanagan.

"At ibalik ang kakayahan at kapangyarihan ng bawat nilalang sa mundo ng Ellorin." Dagdag ni Trevor.

"At baguhin ang baluktot na sistema ng ating mundo." Mahina kong sambit.

The World Of Ellorin (On-Going)Where stories live. Discover now