TP67

134 5 1
                                    

Veronica's POV,

"Thanks, babe."

Napakunot ang noo ko sa biglaang pagpapasalamat ni Reagan. Kumuha siya ng pinggan para ilatag sa lamesa. Kumuha rin ako ng lagayan namin ng kanin at nagsandok. Siya na ang nagsandok ng ulam namin na kaluluto lang.

"Para saan?" Tugon ko rito habang nagsasandok ng kanin.

"Sa pagluluto kahit pagod ka." Nilapag niya sa lamesa ang sinandok niyang tinolang manok saka lumapit sa akin para bigyan ako ng halik sa noo.

"Si Reagan parang laging bago." Pabiro ko pa siyang tiningnan sa kakornihan niya. Paborito niya ng halikan ang noo ko. Minsan tuloy ay nacoconscious ako kasi baka pawis ako tapos baka pati 'yun mahalikan niya. "Pareho lang tayong pagod. Saka ikaw naman ang nagsaing ah."

"Saing lang. Dali-dali lang no'n eh. Ikaw kaya nagturo sa 'kin no'n." Pagyayabang niya pa. Ako naman kasi ang nagturo sa kaniya dati magsaing. Paano madalas ba naman bumisita sa akin dati sa Laguna kaya tinuruan ko siyang magsaing para siya nalang gumawa kapag nasa trabaho ako no'n.

"Babe, turuan mo na rin kaya akong maglaba?"

Napatingin na naman ako sa kaniya. Kung ano-ano nalang iniisip. Pero sabagay, sa yaman nila, bakit naman kasi siya maglalaba nang sarili niya?

"Sige next time para kapag day-off mo sa opisina, ikaw na maglalaba ng damit natin." Pabiro kong sabi rito.

Hindi ko naman alam na seseryosohin niya kasi right after naming kumain, nagligpit agad siya ng pinagkainan namin saka kinuha ang basket na lagayan ng labahin namin.

Magkasama na kasi kami sa iisang apartment dahil nagmamakaawa siyang patirahin ko raw siya rito. Siya raw magbabayad ng rent at bills. Pero dahil ayoko naman siyang gawing sugar daddy, pumayag akong patirahin siya rito basta ako ang magbabayad ng bills. Mura lang din naman ang bills dahil tinuturuan ko talaga siyang patayin ang aircon kapag wala kami sa bahay. Sa yaman ba naman kasi ni Reagan, naiintindihan ko na hindi rin talaga siya pwede sa walang aircon kaya no choice ako kung 'di paandarin nalang kapag nandiyan siya.

"Ngayon ka na agad maglalaba?" Tanong ko rito habang inaayos ang mga pinggan sa lababo bago magsimulang maghugas. Alternate din kami kapag naghuhugas ng pinggan pero pagdating sa pagluluto, ako talaga ang nagluluto lagi sa 'min.

"Yes. Just tell me how to use the washing machine." Nilapitan ko na agad siya saka tinuruan siya kung paano magsegregate ng mga de-color sa mga puti. Siya rin ang bumili gn washing machine dahil naaawa raw siya sa mga kamay ko tuwing magkukusot.

"Basta pagtapos niyang umikot, magbabanlaw ka na. Ilagay mo rito sa timbang 'to tapos kapag nalipat mo na lahat sa timbang 'to, isunod mo agad 'yung de-color saka paikutin ulit ang washing machine. Then banlawan mo 'yung mga damit na 'to saka ilipat sa plangganang 'to. Then banlaw ulit bago ilublob sa plangganangay fabric conditioner." Tahimik lang ako nitong tiningnan habang tumatango-tango.

Iniwan ko na siya at bumalik na sa kusina para magsimula na ring maghugas. Binalikan ko agad siya para tingnan kung ano na ang ginagawa niya. Mabilis kong hinablot ang hawak niya nang makita ko itong kinukusot ang panty ko.

"Bakit pati 'to?" Nahihiya kong sabi rito. Nakakahiya naman kasi talaga ang itsura ng panty ko, medyo loose na ang garter. Halatang pinaglumaan.

Tumawa naman ito kahit medyo nagulat sa bigla kong paghablot. Mali-mali pa naman pagkakakusot niya kasi gitnang palad niya talaga ang pinangkukusot.

"Babe, sa 'kin ka pa talaga nahihiya? Eh mag-asawa na nga tayo." Tumatawa nitong banggit. Nahihiya ko siyang tiningnan kahit medyo kiniliti ako doon sa sinabi niyang "mag-asawa". " Bili kaya tayo mamaya ng bagong panty, babe? 'Di ko kasi alam kung kumakasya pa sa 'yo 'yan. Tingnan mo 'yung garter oh." Ngumuso pa talaga siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The ProstituteWhere stories live. Discover now