TP65

187 9 4
                                    

Veronica's POV,

Pipikit-pikit pa 'ko habang nag-aayos ng dadalhin namin sa beach. Late na rin kasi ako natulog kagabi para lang tapusin ang nakatambak ko ng trabaho. Gawa ng letter dito, review ng papers na kailangan ng signature ni Reagan doon, pag-aayos ng schedule ni Reagan sa susunod na mga araw, pagtanggap ng mga email ng kasamahan namin sa trabaho, at marami pang iba.

Though hindi ko pa talaga natatapos lahat sa sobrang dami pero at least may naayos na 'kong iba. Mamaya, kailangan kong bigyan ng update si Reagan at i-remind sa mga kailangan niyang tapusin. Kung sana ay naiwan ako ngayon sa opisina, baka hindi na siya at ako natambakan ng paperworks. Kaso kasama niyang nagbakasyon ang secretary niya. Tuloy ay 'yung Vice President ang pinakamaraming ginagawa ngayon sa opisina.

"Good morning, babe!" Nag-angat ako ng tingin kay Reagan na nakatayo sa labas ng pinto namin. Unti-untimg nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "Did you sleep late last night?"

"Ah, oo eh. May tinapos lang. Gayong nandito ka na rin naman, I need to talk to you about Mr. Oman--"

"Work?" Pagpuputol nito sa sasabihin ko.

"Yes. May kailangan kang--"

"Babe, we came here to relax. Stop thinking about work, Shaun can handle that. What you need to do is to rest and feel this moment. It's out first out of town so I want it to be memorable for you." He said and held my hand.

"I'm just reminding you dahil marami ka ng na-miss out." Sabi ko rito. Parang bata naman itong tumango-tango sa akin.

Pagtapos kong maligo ay nagbihis na 'ko saka sabay na bumaba kasama ang mga bata. Sila nanay Joni muna ang ipinasama ko sa mga bata dahil sa 'kin ko nalang isasabay sila inay. Pagkarating namin ay sinalubong naman kaagad kami nila inay kasama ang asawa niya. Nagpakilala pa ito sa akin. Mukha naman siyang matinong lalaki at nasisiyahan daw siya na sa wakas ay nagkita rin kaming mag-ina. Walang araw daw kasi na hindi ako bukambibig ng inay ko, iniisip kung paano ako hahanapin.

Hindi ko malaman kung anong mararamdaman ko habang iniisip na kailangan pa namin o kailangan ko pang mapagdaanan ang pangyayaring 'yun bago kami maging maayos ni inay at matutunan niya na 'kong mahalin.

Mukha ring mabuting ama ang lalaking kinakasama ngayon ni inay dahil close sa kaniya ang dalawang bata. Masaya raw siya dahil sa wakas ay makakagala na rin ang mga anak niya kaso nga lang ay hindi siya makakasama dahil may trabaho pa raw siya and he's working for his promotion. I know he's working for his family, para mabigyan niya ng magandang kinabukasan ang dalawa niyang mga anak.

Nang masiguro namin na nadala na nila inay ang lahat ng kailangan nila ay sabay-sabay na kaming umalis. Kasama ko ngayon si inay, ang dalawa niyang mga anak, at si Moon dahil masikip na raw sila sa kotse nila kahit ang totoo niyan ay makikichismis lang talaga si Moon sa dalawang batang kasama ko. Si Star kasi ay natutulog ngayon kay nanay Joni kaya walang pakialam.

Pagkarating namin ay sumakay pa kami ng bangka para makatawid sa isla. Dahil first time ulit ni Moon magpalutang-lutang sa dagat ay nahilo ulit siya kaya pinadukmo ko na muna siya sa hita ko hanggang sa makarating kami ng isla. Ganoon din ang dalawang bata. Pero si Star ay aliw na aliw pa habang tinitingnan ang dagat. Mabuti nga at hindi maalon ngayon kaya hindi masyadong nakakahilo ang biyahe.

"I'll pay for the cottage." Pangunguna ni Reagan.

"No, ako ang magbabayad." Pagmamatigas ko. Sasabat pa sana siya nang unahan ko ulit siya. "Ako ang magbabayad o lilipad ka pabalik ng Maynila?"

The ProstituteWhere stories live. Discover now