TP33

292 8 0
                                    

Veronica's POV,

[Kumain ka na muna.] Sabi sa akin ni Reagan na nasa kabilang linya. Nakavideo call kasi kami ngayon dahil hindi siya nakapunta rito gawa ng trabaho niya. OJT na nila. Dahil mayaman na siya at matalino pa, he's already working as the President of their company. Ni 'di ko nga sukat akalain na may ganoon palang nangyayari sa totoong buhay. At an early age, nakakapag-manage na ang mga gifted person na kagaya ni Reagan.

"Kumakain ako now." I told him and raise my cup of ramen in front of the camera.

Nagbuntong-hininga naman ito bago nilayo saglit ang phone sa mukha niya para umunat. "That's not healthy."

"At least may laman tiyan ko. Matagal din matunaw noodles kaya matagal ako magutom." Pangangatwiran ko pa. Nagbuntong-hininga nalang ito at papikit-pikit na ginilid ang phone. "Inaantok ka na. Itulog mo na 'yan."

"Alright pero naka-vc pa rin tayo ah. Para kunwari katabi pa rin kita." Sabi nito na kinatanguan ko lang.

Maya-maya lang din ay nakatulog na siya at ako nama'y patuloy lang sa ginagawa ko kanina. Nagising nalang ako nang marinig ko ang boses ni Reagan. Nakatulog pala ako sa desk kakagawa.

"You slept on the desk." He said. Nakaupo na siya ngayon sa gilid ng higaan niya at halatang kagigising lang din. Tiningnan ko ang cellphone ko at mahigit siyam na oras na pala kaming nasa call.

"Thank you and good morning." Sabi ko rito. May sinabi muna siya, sinesermunan ako not to stress myself so much daw bago namin pinatay para makapag-prepare pagpasok sa school.

Sobrang dami na talaga naming ginagawa ngayon dahil patapos na naman ang semester. Ang dami ba namang pinapaggawa ng professors. Sa Mechanics pa nga lang namin dalawang problem set na assignment binigay tapos handwritten pa. 20 items problem solving tapos kailangan maganda ang figures or free-body diagram and no erasures. Sa dynamics din meron pang gagawin kaya 'di ko na talaga alam kung may karapatan pa ba kaming huminga.

"OT ka ngayon?" Tanong sa akin ng katrabaho ko. Umiling agad ako dahil marami pa 'kong gagawin pag-uwi ko.

"Dami ko pang assignments eh."

"Pati sa mamahaling school may assignment pa rin 'no?" Saad nito.

"Ewan ko rin eh. Kahit mamahaling school 'yan, hindi naman maluwag sa mga students kaya maganda pa rin ang quality of education." Sabi rito. Sa sobrang higpit palawakan ng privilege nalang ang ginagawa halos.

'Yung iba complete ang gamit. They're in a nice air-conditioned room with nothing to worry about their living. Sila pagdadalhan nalang ng pagkain at kapag may kailangan na materials makakabili agad samantalang ako after class magtatrabaho tapos uuwi ng late. Hindi pa ko makakatulog niyan kasi may gagawin pa 'kong activity. Napakahirap maging scholar and at the same time working student.

Naglalakad palang ako papasok ng elevator nang tumunog bigla ang cellphone ko. Sinagot ko agad nang makita na si Reagan ang tumatawag.

[Hey! Kauuwi mo lang?] Pambungad nito sa akin.

"Yeah."

[You okay?] Puno ng pag-aalalang tanong nito sa akin.

"Yes, I'm fine. Bakit?"

[Ngarag ang boses mo eh. You sound exhausted.]

"'Di naman. Pagod din sa trabaho. Ikaw ba, kauuwi mo lang?" Pagbabago ko ng usapan.

[Yeah, sorry love hindi ako nakakapunta diyan dahil sa work. When Dad heard that I'm going yo have my OJT in our own company, sabi niya siya raw mag-ge-grade sa akin. So yeah, mas pinabigat niya tuloy trabaho ko.] Pagrereklamo niya.

The ProstituteWhere stories live. Discover now