TP7

617 18 5
                                    

Veronica's POV,

Nagdaan ang mga araw at padalas nang padalas ang pagpunta ni Mr. Will sa bar namin.

Minsan ay hindi nalang ako sumasama sa tuwing nag-aaya siya. Paalam ko may ipapasa akong plate kinabukasan. Nagpupumilit naman itong ihatid ako lagi. Kaya tuloy chismis sa bar namin na kami raw ni Mr. Will.

Nagkaroon ng paglilinaw samin kinabukasan pagkatapos niyang magtapat pero hindi siya pumayag. Nagpupumilit siyang ligawan ako kahit na tumatanggi na ako.

Nahihirapan lang akong hindian siya dahil sa utang na loob ko sa kaniya.

"Kumusta naman trabaho mo, Jade?" Tanong sa akin ng kaibigan kong si Joyce.

Nasa school ako ngayon at papunta ng trabaho. May oras pa naman kasi ako para gumawa muna ng assignments sa library at ngayon ay napagdesisyunan na namin ni Joyce umuwi.

"May kuwento ako sa 'yo." Sabi ko kay Joyce.

Gusto kong kuwentuhan ang kaibigan ko tungkol sa nangyayari sa akin. Siya lang ang kaisa-isa kong kaibigang nakakaalam ng mga iniisip at nangyayari sa akin.

Wala rin naman akong ibang kaibigan bukod sa kaniya at 'yung iilan sa mga katrabaho ko.

"Mayroong nagkakagusto sa akin sa trabaho." Panimula ko.

"Katrabaho mo?"

"Hindi. Customer siya ng bar namin. Una, ang akala ko likas lang sa kaniya ang tumulong. Binayaran niya ang hospitals bill ni nanay."

"Hala legit? 'Yung sinasabi mong 500,000 pesos?" Gulat nitong sambit. Tumango naman ako.

"Inaaya niya akong magdinner kapag pumupunta siyang bar. Binibilhan ako ng kung ano-ano tapos hinahatid pauwi. Tapos nagulat ako noong nakaraang araw, nagtapat siya, may gusto raw siya sa akin."

"Eh, normal lang din naman na may magkagusto sa 'yo. May itsura ka naman at hindi panget. Half ka pa nga eh." Singit nito.

"Kasi hindi ko siya kayang tingnan bilang boyfriend. I mean, hindi naman ako against sa edad namin ah, pero sadyang tatay lang tingin ko sa kaniya. Alam mo naman kung gaano ako naulila sa ama diba?"

"Wait, sabi mo tatay. Ilang taon na ba?" Gulat nitong turan na may kaunting pagkalito.

"Palagay ko 60's na yata."

"Woy grabe, tanda na niyan sis. Parang lolo mo na 'yan. Nukaba?" Agad nitong di pagsang-ayon.

"Hindi. Kung ma-iinlove ako sa kaniya ay ok lang naman, kaso hindi ko siya kayang magustuhan ng gaya ng pagkagusto niya. Tanging itay lang ang turing ko sa kaniya. Saka mayaman siya sis. Hindi kami bagay." Sambit ko at bahangya pang ngumiti.

Iniisip ko kung paano kapag nagkagusto ako sa taong mayaman? Hindi kami pwede. Sakit non!

"Ayy ako sis ah nagsasabi sayo. Mag-ingat ka. Baka kung ano gawin sa 'yo niyan."

"Hindi naman sis. Mabait siyang tao. Alam kong mabait siya at 'di niya...'di niya naman siguro ako kayang saktan." Pagtatanggol ko kay Mr. Will.

Alam kong mabait si Mr. Will.

"Basta mag-ingat ka pa rin." Pagpapaalala nito sa akin. Tumango naman ako at nagpaalam na kami sa isa't isa.

Pumasok na ako sa trabaho. Dalawang beses ulit akong sasayaw ngayon kaya pagkarating ko ay pinabihis na ako ng animal printed na sexy dress at pinagsayaw.

"Kay Layla po 'to na costume diba?" Tanong ko kay Madam Hermei.

"Ija, diba nasa legal na edad ka naman na diba? Pwede ka bang maglevel up?" Sambit ni Madam Hermei.

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon