TP39

307 10 3
                                    

WARNING: SENSITIVE CONTENT!

Veronica's POV,

Agad kong nabitawan ang cellphone pagkabasa ko ng message. Hindi ko kilala kung sino ang nag-text sa akin nito dahil number lang ang lumabas sa cellphone ko pero parang kilala ko na kung sino ang nagmamay-ari ng number na 'to.

'Don't call the police nor tell this to Reagan or you'll have your mother's cold corpse.' Sunod nitong sabi sa akin.

Mabilis kong dinampot ang cellphone ko nang tumunog ito.

"Hayop ka, Will. Anong ginawa mo sa inay ko?!" Pinilit kong huwag iparinig sa kaniya na natatakot ako kahit takot na takot naman talaga ako.

[Hello, My Jade.] Sagot nito sa kabilang linya na parang nagpapaamo lang ng isang hayop.

"Anong ginawa mo sa nanay ko?!" Pag-uulit ko sa tanong ko at pilit na dinidiinan ang mga katagang lumalabas sa bibig ko nang sa gayun ay hindi niya malamang natatakot ako at pwede niya ng gawin ang lahat ng naisin niya.

[Relax, My Jade. I just want to hear your voice.] Sabi nito sa kabilang linya na parang kalmado lang ito at tunog ng nambobolang hinayupak.

"Ano bang kailangan mo?! Bakit hindi mo ako tinatantanan at pati nanay ko ay dinadamay mo na?! Are you that desperate?!" Sigaw ko rito.

Ilang sandali muna ito tumahimik bago ako napatakip ng tenga sa sigaw nito. [Yes! I am desperate and that is because of you!]

Dahan-dahang tumulo ang mga luha ko. Marahil ay dahil sa sobrang takot na. Hindi ko inakalang aabot kami sa ganito ni Will. Hindi ko inakalang makakaya niya ng gawin ang ganitong kawalanghiyang bagay para lang makuha ako. Nakakatakot! Traumatizing!

"Hindi ka ba nahihiya na sa tanda mong 'yan ay pinipilit mo pang ipagsiksikan ang sarili mo sa babaeng halos doble ang agwat ng edad sa 'yo?! Nakakahiya ka!" I'm still trying to gather all of my strength just to sound like I am not moved by his tactic.

[Enough, Jade! Listen..] Dahan-dahang kumalma ang boses nito. [You've seen the photo that I sent to you right? Aren't you happy to finally see your mother? I know you're looking for her. Aren't you grateful that I already found her for you?]

Sa tono ng boses niya, mahihimigan mong desperado na siyang tao. A hopeless desperate man trying to blackmail a woman for his selfish desire.

"Will tigilan mo na 'to. Kailanman hindi ako magiging masaya sa 'yo. Una palang ay wala akong gusto sa 'yo at napilitan lang akong makipagrelasyon sa 'yo dahil pinagtangkaan mo ako."

[Alam mo naman 'di ba? Alam mong gumagamit ako ng pwersa para makuha ang gusto ko. Bakit nagtangka ka pang sumuway?!] Galit na sigaw nito sa akin.

"Anong gusto mo? Pilitin na naman akong makipagrelasyon sa 'yo at kung hindi ako papayag ay sasaktan mo ang inay ko?" Humihikbik kong tanong rito.

[That's what I like about you. You're smart. But there's one more thing, I want you to break up with Theodore and just come to me.] Aniya na mas nagpalakas ng hikbi ko.

"Will.."

[I want you to come here. I miss you so much, My Jade. Ipapasundo kita diyan sa mga tauhan ko at huwag na huwag kang magkakamaling magsumbong kahit kanino, kamag-anak ko si Satanas at kaya kong gawin ang kahit na anong gustuhin ko.] Sabi nito bago pinatay ang tawag.

Iyak lang ako nang iyak at umaasang isa lamang panaginip ang nangyari kanina. Pero mabilis na namang nabuhay ang kaba sa dibdib ko nang may kumatok sa pintuan ko. Hindi ko sana ito pagbubuksan pero biglang tumunog na naman ang cellphone ko kaya mabilis akong lumundag sa kama para pagbuksan ang mga kumakatok sa pinto ko.

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon