TP13

459 12 0
                                    

Veronica's POV,

Kinakabahan ako. Ngayon na start ng pagkukunwari namin ni Reagan. Makikita ko na parents niya.

Natatakot ako na baka maliitin ako. Sa yaman ba naman nila Reagan, nababagay lang din na mayaman din ang magiging asawa niya 'kuno'. Eh hamak na isang binayaran lamang ako para magkunwari.

Pero sana maging mabait pa rin parents ni Reagan sa akin at mapatawad nila ko kapag nalaman nilang nagkukunwari lamang kami ng anak nila.

Namamangha akong napatingin sa mansyon na tumambad sa harapan ko. It screams elegance at parang modern architectural design ang pagkakaggawa nito. It totally rejects the neoclassical architectural design where proportion, symmetry, and perfection on every corner are significant. It has it's own perfection.

Hindi symmetric ang pagkakaggawa kasi yung door wala sa gitna tapos magkakaiba 'yung heights ng pagkakaggawa ng columns. 'Yung columns ng bahay ay gawa sa stones and warm colors ang ginamit sa walls ng bahay. Modern architectural designs are known for being wide open or parang seethrough ang characteristics ng bahay. Sa taas ng bahay nila ay nakaglass and may balcony rin.

The gate of the house, 'yung bago ang pinakapinto ng bahay, ay gawa sa metals that is shaped horizontally. The door is made of tinted glass. The side of the ceiling of the house is made of dalbergia wood, if I'm not mistaken. It is an expensive wood for flooring. Sa right side ng bahay ay may open space na maraming maliliit ng ilaw sa taas at kita mula rito ang pool ng bahay na parang 'yung binabayarang private swimming pool sa laki. Basta ganoon kaganda ang bahay.

Napakunot ang noo ko nang madescribe ko sa isip ko ang bahay. Saan ko nalaman 'yun?

Nagtataka naman akong napatingin sa mata kay Reagan nang ilahad nito ang braso sa akin.

"Ankla." Ani niya kaya napakurap-kurap ako.  Dahan-dahan ko namang inangkla ang braso ko kay Reagan bago siya nag-doorbell. 

"Ahm, Reagan," Napalingon naman ito sa akin. "Ano pala course ko?" Tanong ko dahil sabi ni Reagan mag-aaral daw ako sa school niya ngayong year. 

"Civil Engineering, 2nd year." 

"Oh, a Civil Engineer." Napalingon kami nang biglang tumambad sa paningin namin ang isang babaeng napakaganda at Madame ang datingan. 

"Mom," Tawag ni Reagan sa ginang, so I guess ito 'yung nanay niya.

"Hello po." Bati ko rito. Hindi ko alam paano magbatian ang mga mayayaman.

Kinabahan naman ako bigla nang lumingon na naman ito sa akin. 

"Who's this?" Tanong nito kay Reagan at hindi ko mawari kung ayaw ba nito sa akin or kinikilala palang ako nito base sa tono ng pagtatanong niya.

"Can we go inside first?" Tanong naman ni Reagan kaya tumango naman ang Madame. Pagkapasok namin, limang dalawang maids ang nakikita kong nag-aayos ng mesa. 

"Mom, Dad, she's Veronica Jade Atara, my girlfriend." Pakilala ni Reagan sa akin. Parang malalaglag ang puso ko nang wala akong makitang expression sa mukha ng tatay ni Reagan. Tipid naman akong ngitian ng mommy ni Reagan. Feeling ko 'di ako welcome dito.

"Happy anniversary Mom, Dad." Bati ni Reagan pagkaupo namin sa dining table.

"Happy anniversary po, Ma'am and Sir." Bati ko nalang din at nakakahiya dahil wala man lang akong gift.

"Thank you." Nakangiting sabi ng mommy ni Reagan habang 'yung tatay niya tumango lang.

Bago pa man mahanda ang mga pagkain sa mesa tumayo ang nanay ni Reagan nang makarinig ito ng doorbell sa labas. Kasabay naman nito pagbalik ang isang babaeng parang modelo sa haba ng legs at kinis ng balat. 'Yung feeling na parang nanliliit ka kasi matangkad na siyang tao, nagheels pa. Kapag tumabi ako rito, baka hanggang tenga lang ako nito.

The ProstituteWhere stories live. Discover now