TP24

335 10 0
                                    

Veronica's POV,

"Nangyari sa 'yo? Nag-da-drugs ka ba?" Pabirong bungad sa akin ni Roella.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong room. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makita na wala pa ang professor ko. Dinukmo ko nalang ang mukha ko sa mesa at pumikit.

"Tapos mo na project mo?"

Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin na wala akong hawak na miniature papasok ng school. Nakalimutan ko!

"Anak ng.. nakalimutan ko pa project ko!"

Agad naman akong tumayo at lumabas ng classroom. Rinig ko pang tinatawag ako nila Roella pero dedma, project 'to!

Lakad-takbo lang ang ginawa ko hanggang sa may pumigil sa braso ko. Nagmamadali ko naman itong nilingon only to see Cyrus.

"Pwede ba? Nagmamadali ako."

"'You going somewhere?" Tanong nito na nagpakunot sa noo ko. Pakealam naman nito?

"What does it have to you?" Nagmamadali kong sabi habang sa kamay niyang nakahawak sa akin ang tingin ko.

Hinila ko nalang ang braso ko sa kaniya at nagsimula ng maglakad.

"You have.. something.. on your skirt." Pasigaw nitong sabi habang pahina nang pahina ang boses.

Napahinto naman ako sa paglalakad at napalingon sa skirt ko sa likod. Parang gusto ko nalang magpalagay ng rocket sa pwet at magpalipad sa outer space nang makita ang dugo roon. Pocha tagos!

Agad ko naman itong tinakpan using my hands at lumingon sa kaniya. Inis lang ang naramdaman ko nang makita ko siyang nakangiti kahit na normal na ngiti lang naman 'yun at hindi mapang-asar na ngiti.

"Uhm.. pwede ba?" Tanong ko rito sabay turo sa suot nitong jacket?

"Jacket?"

"Yuh. Pwede hiramin?.. Babalik ko rin kaagad. May kailangan lang ako kuni--"

"Ok, you can wear this." Sabi nito bago hinubad ang jacket at naglakad palapit sa 'kin. Sinuot naman nito sa bewang ko ang jacket para takpan ang tagos.

"Thank you. Susuli ko rin."

"Nothing to worry. Anyway, where're you going?"

"Naiwan ko kasi project ko sa dorm. Sige una mun--"

"Hatid na kita sa motor ko."

Nag-aalangan pa akong pumayag kasi malapit lang naman ang apartment dito sa school. Sadyang malaki lang ang school kaya may kalayuan ang entrance gate.

"Upo ka muna. Wait lang, kunin ko lang tas bibihis lang din ako." Paalam ko sa kaniya at iniwan muna siya sa sala. Nagmadali naman akong pumasok sa kwarto ko para makapagbihis at kunin ang miniature ko.

"Uhm, pwede bukas ko na isuli jacket mo? Lalabhan ko pa kasi." Sabi ko kaya Cyrus paglabas ko. Nadatnan ko naman itong nakatingin sa balcony ko. Nanlaki nalang ang mga mata ko nang makita ang nakasampay na damit ni Reagan na nilabhan ko last last night na 'di ko napasok kagabi sa sobrang busy ko.

Nang marinig ang boses ko, lumingon ito sa akin at ngumiti. "It's ok. You can have it."

"Salamat ah. Sorry at nang dahil sa 'kin na-late ka rin ng pasok sa class mo." Paghingi ko ng tawad nito dahil alam kong late na rin siya sa class niya.

"Maya pa namang 9am class ko." Nakangiti nitong sabi sa 'kin kaya nakahingi ako nang maluwag.

"Sige at mauna na 'ko kasi DE ko pa ngayon."

The ProstituteWhere stories live. Discover now