TP12

568 16 6
                                    

Veronica's POV,

Kasalukuyan akong naglilinis ng banyo dahil wala akong maggawa. Since nakikitira lang din naman ako, naglinis nalang din ako ng condo niya.

Hanggang ngayon wala pa rin akong maalala tungkol sa nakaraan ko.

May kung ano sa akin na gustong balikan iyun, pero meron din sa akin na ayaw ko ng maalala pa.

Tumayo na ko para sana kunin ang muriatic acid nang mapadako ang tingin ko sa lagayan ng toothbrush ni Reagan.

Agad akong napatakip ng bibig nang maalalang hindi pa pala ako nagtotoothbrush simula kahapon pagkaalis ko ng ospital.

Naconscious agad ako sa hininga ko. Humihinga-hinga pa ko, inaamoy kung mabaho na ba hininga ko or what nang mapatili nalang ako sa biglang pagbukas ng comfort room.

"Hay!" Tili ko pa nang muntikan na kong ma-out of balance. Nasa tapat lang kasi ako mg pintuan.

"Sorry...you---you should have locked the door," Bigla namang sinarado ni Reagan ang pinto ng banyo nang mapansin na nasa loob ako.

Dali-dali ko rin naman itong binuksan pero nakatakip pa ang kamay ko sa bibig ko.

Nakakahiya! Ni di pa pala ako nagtotoothbrush.

"Ah...eh...s-sige na kung gagamit ka. N-nililinis ko lang naman." Parang alien pa ang boses ko dahil sa kamay ko.

Nawiwirduhan naman niya akong tiningnan. Pero pumasok nalang siya nang tuluyan at dumiretso sa sink. Kinuha niya naman ang toothbrush niya para lagyan ng toothpaste at nagsipilyo na.

Nagulat naman ako nang slight nang bigla ako nitong nilingon.

"Aoong giagawa wo riyan?" Nahihirapan siya magsalita dahil sa nakastuck na toothbrush sa ngipin niya.

"Ahm..." Nahihiya akong itanong, baka isipin niya ang dami kong hiling, nakikitira lang naman ako.

"What?" Nakatingin lang siya sa akin nang mataman.

"May isa ka pa bang toothbrush? H-hindi pa kasi ako nagtotoothbrush." Nahihiya kong sabi habang nakatakip pa rin ang kamay ko sa bibig ko.

Bango niya pa naman tapos ako mabaho hininga, kahiya!

Nagmumog muna siya bago kinuha ang mouthwash niya at tumingin sakin.

"In the cabinet." Saad niya at tinuro ang cabinet bago mag-gargle.

Pagkatapos niyang maggargle ay naglakad na siya papunta sa bathspace na nasa banyo lang din na ito. Malaki kasi ito pero separated yung bathspace, yung cubicle and yung sink for hygienic purposes.

Nilingon niya naman ako at nagtaas ng kilay.

Napaayos naman ako ng tayo dahil baka may kailangan siya.

"Are you going to watch me take a bath?" Tanong niya kaya nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

"Hala sorry!" I said before I bug out of the room.

Pati description ko english na rin dahil sa ka-eenglish niya.

Anyway, nang makarinig na ko ng pagtulo ng mga tubig ay nagtungo na 'ko agad sa kitchen para magluto na ng fried rice na tira namin kagabi na kanin, bacon, hotdog, at itlog dahil yun lang naman laman ng ref niya.

Kakapalan ko nalang siguro mukha ko mamaya para sabihing maggrocery ako para magkalaman naman ref niya ng mga maayos na pagkain.

"You cook." He's just describing what I am doing.

The ProstituteWhere stories live. Discover now